( Moretti Mansion in the multimedia )
Hello po, sana safe kayo sa inyong mga bahay. Stay at home and read WP na lang tayo kesa mahawaan.
++++++++++++++++
CHAPTER 13:
Kakalabas lang ng dalaga sa banyo sakto ay may kumatok na katulong at pinababa na sila upang maghapunan.
Lumabas ang dalawa sa kwarto ni Gio. Pagkarating nila sa hapag-kainan ay nanduon na ang grandparents ng binata gayundin ang kaniyang ama.
Magkatabi si Gio at Joey samantalang magkatapat naman ang dalaga at si Giovanni. Si Donya Shammy at Don Giovan naman ay katabi ng kanilang anak. Maraming pagkain ang nakahain.
'Grabe, ganito pala pag may bisita ang mga mayayaman akala mo fiesta' saad ng dalaga sa isip habang takam na takam na nakatitig sa mga hinaing pagkain.
Pag-angat niya ng tingin ay nagkasalubungan sila ng titig ni Giovanni. There's something in his eyes na hindi matukoy ng dalaga akala mo'y gutom na ang binata.
'Ayan, ginutom ka tuloy sa panghahalik sa'kin' isip ng dalaga sabay irap sa binata. Ngumisi ang binata waring nacucute-an sa ikinilos ng dalaga.
Naagaw ang atensiyon ni Joey sa ginawa ni Gio na paglalagay sa kaniyang plato ng mga pagkain.
"Baby, kumain ka ng marami. Hindi ka naman siguro maselan sa pagkain 'nuh?" Tanong ng binata habang naglalagay ng parang nirolyong karne na may ham sa loob at pinatungan ng kulay puting cream.
"Hindi naman," sabi niya sa binata. "Ano yang karne na may ham sa loob tas puti na sauce? Ibulong mo lang sa'kin sagot mo nakakahiya sa pamilya mo sabihin ang ignorante ko" Pabulong na tanong ng dalaga sa binata na curious sa pangalan ng pagkain.
Nakita niyang napatingin sa gawi nila si Giovanni at napakunot-noo samantalang mukhang busy sa kanilang usapan naman ang mag-asawa sa tabi ng kanilang anak.
Natawa muna si Gio bago bumulong pabalik kay Joey. "Cordon Bleu tawag diyan, baby. Try mo, it's one of our favorite na sineserve ng Chef namin.
"Ayy, taray may chef! Sana all" Pabirong sabi ng dalaga na talaga namang namangha dahil may sariling chef ang pamilya nila Gio.
Tawa lang ang tinugon ng binata at binalik ang atensiyon sa pagkain samantalang napagawi naman ang atensiyon ni Joey kay Giovanni na nakakunot noo pa rin sa pakikipagbulungan ng dalaga kay Gio.
'Problema netong gurang na'to?' Tanong sa isip ng dalaga sabay kain ng nasa kutsara niya.
Nakikipagsukatan pa rin kasi si Giovanni ng tingin sa dalaga nang bigla na lang nitong pasadahan ng dila ang kaniyang mga labi.
Nabilaukan bigla si Joey sa kaniyang kinakain. Naalala niya kasi ang pagpapalitan nila ng binata ng halik kani-kanina lang.
'Pota! Nananadya ata 'to eh!' Isip ulit ng dalaga habang nauubo at nakaagaw atensiyon kay Gio at ng kaniyang grandparents samantalang nakangisi naman si Giovanni.
Dagling kinuha ni Gio ang tubig sa tabi ng dalaga at pinainom ito.
"What happen baby? Are you okay now?" May pag-aalala sa boses ni Gio habang hinahagod pa ang likod niya.
Naubos ng dalaga ang isang basong tubig at tumikhim bago nagsalita. "Okay lang ako." Sabay tumingin ng masama kay Giovanni na nangingiting umiinom din ng tubig. "May nakaalala lang siguro sa'king gurang." Nakangiting sabi niya kay Gio.
Nagulat naman kaming lahat ng si Giovanni naman ang masamid sa kaniyang iniinom.
"Oh gosh son, what happen to you?" Nag-aalalang tanong ni Donya Shammy na katabi mismo ng binata.
BINABASA MO ANG
My Feisty Tigress
General FictionA policewoman meets the Maginoo na sobrang bastos, Hunky Dad and Greek God na si Giovanni Daniele Moretti and it's all because of the latter's son Gio Dane Moretti na hindi din papahuli sa kanyang ama pagdating sa kakisigan. Dahil sa tigas ng ulo a...