CHAPTER 17:
3RD PERSON'S POV:
Italy
Isang malakas na katok ang maririnig sa tahimik na opisina habang isang gwapo na lalaki naman ang nakaupo sa swivel chair habang pinaglalaruan ang isang kopita ng alak sa kaniyang kamay.
"Puoi entrare!" (Come in!) Sagot ng makisig na lalaki.
Dumungaw ang sekretarya ng nasabing lalaki "Sir, Good Morning! Mr. Visitacion has already arrived." Imporma ng babae.
"Okay, let him in." Tumayo ang lalaki at humarap sa glass wall at tinanaw ang nagtatayugang building na kaniyang nakikita.
Naramdaman niya ang mabibigat na lakad ng parating kaya agad siyang humarap.
"Sir, Good Morning. I'm Roger Visitacion at your service!" Sabay saludo sa lalaki at tumindig ng matikas.
Napangisi ang gwapong lalaki at inabot ang kamay para makipagdaupang palad.
"Ah, you're the Ex-Military. It's a pleasure to meet you. Your commander recommends you to me and blabbering about your excellent works as his finest sniper and mercenary." Sabi ng misteryosong lalaki.
"It's a pleasure to work with you, Sir." Seryosong saad ni Visitacion.
Lalong lumawak ang ngisi ng misteryosong lalaki. "No, it's a pleasure to work with you.
"Now, let's proceed. I want you to shoot someone." Kinuha ng misteryosong lalaki ang isang folder na naglalaman ng magiging target at inabot sa kaharap.
Pagkakuha ni Visitacion ng nasabing folder ay agad na siyang nagpaalam at nilisan ang kwarto.
"Wait till I get my revenge on you Moretti family." Saad ng naiwang lalaki at tinuloy ang pag-inom sa kaniyang kopita.
-----------------------
Joey's POV:
Mahigit isang buwan din naurong ang pa-despedida ni Chief dahil hindi ito pumayag na hindi maging big event ang nasabing okasyon. Sa isang eleganteng casino hotel at engrandeng VIP ballroom ginanap ang Despedida imbes na sa isang high end bar sa Makati.
At imbes na kami-kami lang sa aming departamento ay buong CIDG personnels imbetado sabagay ay ilang taon din sa kanyang serbisyo si Chief.
Kasalukuyan kaming nakaupo at hinahantay mag-start ang programa at ipakikilala din ang papalit sa matanda.
Katabi ko sa upuan si Rina at Mariano na kanina pa parang aligaga at patingin tingin sa akin na aking kinailang pero hindi ko na lang pinahalata.
Suot ko ang isang evening black gown na mababa ang neckline and may slit sa tagiliran ng hita. Bet na bet ko ang naturang gown dahil mas na-emphasize yung pagiging morena ko.
Nag-vibrate ang cellphone ko at agad ko din itong kinuha. Napangiti naman ako sa nabasa kong text galing kay Giovanni.
Giovanni:
[Hi hun, I miss you. Hope to see you later. What time do you want me to fetch you?]Joey:
[ Hello Vann, Hindi ko alam kung what time pa matatapos yung party. Hindi pa nga nag-iistart.]Giovanni:
[Oh okay hun, can you send me the details of that casino-hotel?]Hindi na nagtanong ang dalaga at tinext na lang ang detalye kung anong pangalan ng nasabing lugar at kung saan pagkaraa'y tinago na niya sa kaniyang purse ang cellphone.
Ilang linggo na rin ganito ang set-up nila ni Giovanni, sweetness overload ang mga messages ng binata na kinakikilig naman niya. Ilang beses na rin silang lumabas para mag-date at minsan ay hinahatid niya ako sa tinutuluyan ko na kinatututol ko naman dahil ayoko talaga ng hinahatid ako pauwi mas gusto kong nagmomotor ako.
BINABASA MO ANG
My Feisty Tigress
General FictionA policewoman meets the Maginoo na sobrang bastos, Hunky Dad and Greek God na si Giovanni Daniele Moretti and it's all because of the latter's son Gio Dane Moretti na hindi din papahuli sa kanyang ama pagdating sa kakisigan. Dahil sa tigas ng ulo a...