CHAPTER 12:

298 8 3
                                    

Heto na eeksena na si Fafa Giovanni <3

Hi taKkkkKaTaaKk <3
Enjoy reading :)

                +++++++++++++++++++++++

Chapter 12:

From: Giovanni Moretti

Who are you texting? And where are you going?

Iyon ang reply ng binata.

'Putcha! Nakakahiya, kakaiwas ko ng phone kay Rina si Giovanni nareplayan ko. Anak ng tokwa kasi bat halos parehas pangalan nila sa phone ko nagkandalito-lito na'ko' inis na kastigo ng dalaga sa sarili.

Hindi na lang niya nireplayan ang binata sa sobrang kahihiyan. Magpapaliwanag na lang siya once na makita niya si Giovanni sa kanilang bahay.

Mabilis lang lumipas ang oras at saktong 6PM ay nag-out na ang dalaga. Nagpalit muna siya ng uniporme at ipinalit ang simpleng gray cotton t-shirt na pinatungan ng black leather jacket. Nagbaon talaga siya ng stretchable leggings para sa training nila ni Gio.

Sakay ang kaniyang motor ay tinahak na ng dalaga ang daan papunta sa bahay ni Gio sa may Urdaneta village, Makati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sakay ang kaniyang motor ay tinahak na ng dalaga ang daan papunta sa bahay ni Gio sa may Urdaneta village, Makati. Pagkadating sa nasabing Village ay ininspeksyon muna siya dahil halatang mayayaman at big time ang mga nakatira sa lugar kaya mahigpit ang seguridad. Nang makita ang ID ng dalaga at ma-check ang pangalan sa listahan ay pinapasok na siya dahil inihabilin na ni Gio na papasukin agad ang dalaga.

Hinanap ng dalaga ang numero ng bahay ng binata at dinala siya sa isang mataas na gate na kulay itim. Nagtext ang dalaga kay Gio na nasa tapat na siya ng kanilang gate at nagdoorbell na rin siya.

Bumukas ang malaking gate at nasurpresa ang dalaga dahil hindi lang simpleng bahay kundi mansyon ang bumungad sa kaniya. Isa itong modern Italian style mansion at may fountain pa na bubungad sa gitna.

Ngumiti sa kaniya ang kasambahay na nagbukas ng gate at pinatuloy siya. Nanliit ang kaniyang motor dahil sa paradahan ay puro magagarang kotse ang kaniyang nakita.

Nawala ang kaniyang atensiyon sa mga sasakyan ng magsalita ang katulong. "Mam, hinihintay na po kayo ni Sir Gio at Madam Shammy." Nahihiyang turan ng katulong.

"Hello ako nga pala si Joey kaibigan ni Gio," Ngiting pakilala ng dalaga.

"Hello po Mam Joey ako naman po si Leah." Ngiti rin ng medyo may kabataan pang katulong tantiya niya ay disi-otso pa lang ang edad.

Dinala siya ng katulong sa isang malaking sala at marahil ay receiving area ng pamilya Moretti. Agad niyang nakita si Gio na kausap ang isang may edad na lalaki at babae.

"Sir Gio, naririto na po ang bisita ninyo." Agad na lumingon si Gio sa gawi ko ganun din ang mga kasama niya.

Lumapit naman ako sa kanila at agad silang binati. "Good Evening Mam, Sir. My name is Joey Dalugdug kaibigan po ako ni Gio." Pagpapakilala ko sa dalawang matanda.

My Feisty TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon