( Gio in the Multimedia <3 )
Gio & Joey moment pa rin ito :*
Bed scene na agad pag Joey & Giovanni moment, chaaar! Hahaha.
++++++++++++++++++++++
Chapter 10:
Lumapit ang binatang si Darwin kasunod ang mga kakampi kela Butchek habang si Joey ay pinapasahan ng kaibigang si Denden dahil nagpa-practice at kinukundisyon ng dalaga ang kaniyang shooting.
"Pre, on time tayo palagi ah." Ngising biro ni Butchek sa binata at nakipag-kamay at banggaan ng dibdib na kanilang madalas na batian.
Pasimpleng sumulyap si Darwin kay Joey na busy pa rin sa pagwawarm-up para sa kanilang laro.
"Alam mo naman pre kung bakit eh, sa larong 'to ko lang nakakasalamuha si Joey." Sulyap ulit sa dalaga na bumilib sa ginawang paglay-up sa bola.
"Nak ng tupa! Lakas talaga ng tama mo kay Joey pre kaso babagal bagal ka, nakikita mo ba yung tisoy na yun?" Sabay nguso sa direksyon ni Gio na nanunuod sa ginagawa ni Joey habang nakangiti. "Kasama ni tropang Joey yan, mukhang may something sila pre lakas nga ng boses maka-cheer di pa nagsisimula laro." At binuntutan pa ng tawa ni Butchek.
Kunot-noo ang binatang si Darwin na nakasulyap pa rin sa gawi ni Gio. 'Pota, itsura pa lang walang wala na ako pati pormahan halatang mayaman din' dismayadong sinabi ng binata sa sarili.
"Kalma brad, Malay mo tropa lang din ni Joey yan. Galingan mo kasi magpakitang gilas ka kay Joey malay mo humanga sayo pagnatalo mo na siya this time". Pagbibigay lakas loob ni Butchek na agad namang kinangiwi ng binatang si Darwin dahil alam naman niya at mga tropa ni Joey na masusupalpal lang ulit siya ngayon.
"Pre, napaka-imposible ng sinasabi mo. Alam mo bang injured pa hanggang ngayon yung tatlo kong kakampi na dinala ko nung nakaraan? Sinabi ko ng maghinay hinay lang sila sa pagbantay kay Joey ayun nasampolan sila." Nakangiwing kwento ni Darwin sa kaibigan.
Tatlo sa dinalang kakampi ni Darwin ang hanggang ngayon ay injured pa rin dahil ng nakaraang laro nila ay naging mainit ang laban. Halos si Joey na lang din ang binabantayan. Nang mapansin na ito ng dalaga ay hinaluan niya na ng 'simpleng pananakit' lang naman at pinagmumukhang sagasa lang na may halong paniniko, pagpatid at pagbalya na nauwi sa pananakit ng katawan at ilang injury ng kalaban.
"Tsk, basta pre sinasabi ko sayo good luck, try lang ng try." Pagkasabi nun ay tinapik siya sa balikat ni Butchek at naglakad na para bumalik sa pwesto nila Joey.
Nagsimula na ang laro at tila ganado na si Joey. Umabot ng limang libo ang pusta at
limang daan ang sa dalaga para may panghapunan siya mamaya.Nasa Team nila Joey ang bola habang drinidribol ng kaniyang kakampi ay dalawa na agad ang nagbantay sa kaniya na madali niya namang nalusutan sa liksi at bilis ng kaniyang kilos ay pinasa sa kaniya ang bola. Nagulat siya ng tatlo na silang nakabantay sa dalaga.
Imbis na isalaksak ang bola tumira na lang siya mula sa kaniyang pwesto na siyang eksakto sa three point line. Nagsigawan ang mga manunuod ng sumakto ang bola sa ring. Narinig niyang nangingibabaw ang boses ni Gio.
"Nice baby, ang galing mo talaga!" Dinig niyang sigaw ng binata.
Naiiling na lang na napapangiti ang dalaga. Samantalang, panay naman ang sulyap ni Darwin sa gawi ng dalaga at ni Gio waring kinumpirma na ang sinabi ni Butchek na may relasyin ang dalawa.
Natapos ang laro na lamang ng sampung puntos ang Team nila Joey, awa na rin ng Diyos na walang na-injured at nabalian, mukhang kahit malalaki ang katawan ng kalaban ay nabahag din sa pinakitang moves ni Joey pagdating sa basketball.
BINABASA MO ANG
My Feisty Tigress
General FictionA policewoman meets the Maginoo na sobrang bastos, Hunky Dad and Greek God na si Giovanni Daniele Moretti and it's all because of the latter's son Gio Dane Moretti na hindi din papahuli sa kanyang ama pagdating sa kakisigan. Dahil sa tigas ng ulo a...