(Smile ni Giovanni pag-kausap si Joey hehe)
Update muna pagtapos ng nakakapagod na araw <3
++++++++++++++++++++++
Chapter 7:
"Hi Miss Officer," Bati ni Giovanni kay Joey.
Biglang pumormal ang dalaga at hinarap si Giovanni upang batiin.
"Hello Mr. Moretti, Nice to see you again." Balik pagbati ng dalaga.
"You can drop the formality Miss Officer, you may call me Giovanni." Sabi ng binata at sinamahan pa ng ngiting makalaglag panty.
Pasimpleng hinawakan ng dalaga ang likod ng kaniyang pantalon upang kapain ang garter ng kaniyang panloob, Awa ni Lord ay naroon pa naman 'Hay, buti naman at nakasuot pa akala ko nalaglag na talaga dahil sa ngiti niya. Rawr!' Pilyang pagbibiro ng dalaga sa kaniyang sarili.
"Uhm, Giovanni you may call me Joey. Para fair naman." Ngising sabi ko sa binata na tinawanan lang din niya.
Nakuha ang atensiyon ng dalaga ng tumingin sa kaniyang likuran si Giovanni. Naalala niya na nasa likod pala niya si Mariano. Pinakilala niya sa isa't isa ang dalawa at pormal na nagkamay.
"Hello Sgt. Mariano, Are you Joey's boyfriend?" Straight forward na tanong ni Giovanni na kinapula ni Mariano.
"Sir-" Pinutol ko ang pagsasalita sana ni Mariano.
"He's my batch mate and co-department na rin." Paliwanag ko sa binata na nakatingin pa rin kay Mariano.
"Well, I presumed that you are single?" Simpatikong tanong ni Giovanni na tila ba nag-aanticipate sa aking sagot.
"Y-yes, very much single." Na-uutal na tugon ko. Pereng tanga 'to si Giovanni first time kong mautal sa kausap at sa kaniya pa.
"Good, by the way Joey how's my son? What happen earlier?" Hindi ko narinig ang unang sinabi ni Giovanni dahil halos pabulong ito. Nagfocus na lang ako sa tanong niya.
"Medyo napuruhan kasi si Gio kanina, ginulpi siya ng tatlong lalaki. Pero don't worry I've handled it already pinakasuhan ko na rin ng Serious Physical Injury yung tatlo. Wait na lang natin sa process ng hearing. Kayo, it's your choice na rin kung magpapa-areglo kayo." Paliwanag ko sa binata.
"No, we'll pursue the case. It's time for them to rot in jail. Nobody can hurt my son and get away that easily". Tiim bagang ni Giovanni habang nakakuyom ang mga kamay.
Nakakatakot naman magalit si Giovanni, first time kong panlamigan ng katawan sa itsura pa lang. Paano pa kaya kung siya mismo nakakita ng pambubugbog sa anak niya. Sa laking bulas pa naman ng binata baka kotong- kotongan niya lang 'yung mga nambugbog kay Gio.
"Ah, wag kang mag-alala Giovanni naganti ko naman din si Gio. Natimbrehan ko na mga preso sa loob, sila na bahala tsaka nagulpi ko na rin sila bago dinala sa presinto." Ngisi kong sabi sa binata.
Napangiti na rin si Giovanni. 'What a lady'
"May I know paano kayo nagkita muli ng anak ko?" Tanong ni Giovanni.
Shemay, naman 'tong lalaking ito marunong palang mag-Tagalog. Infairness, ang hot niya. 'Ano Joey, lahat na lang hot sa kaniya? Maghunos dili ka nga ghorl! Wag marupok! '
"Ahm, niyaya kasi ako ng mga kasamahan ko sa trabaho," pasimpleng sulyap ko kay Mariano na ngayon ay nakaupo na sa isa sa mga visitor's chair dito sa lobby.
"Oh, maybe sometimes we should hang-out Joey so that I can repay you for all the trouble my son has caused you." Nagulat ako sa paanyaya ni Giovanni.
BINABASA MO ANG
My Feisty Tigress
General FictionA policewoman meets the Maginoo na sobrang bastos, Hunky Dad and Greek God na si Giovanni Daniele Moretti and it's all because of the latter's son Gio Dane Moretti na hindi din papahuli sa kanyang ama pagdating sa kakisigan. Dahil sa tigas ng ulo a...