Dedicated to taKkkkKaTaaKk
Thank you my first ever commentator <3 Hope you'll read it till the end :*
+++++++++++++++++++++
Chapter 5:
"Dalugdug, mukhang may hearing ka mamaya ah. Bigatin bang kaso nasakote niyo kanina?" Bungad na tanong sa akin ni Isidro kapwa ko pulis.
"Oo pre, mabigat 'to menor de edad pa nakapatay. Trinansfer na nga namin sa DSWD yung case". Tugon ko naman na inalala na rin ang nangyari kanina.
May tumawag sa headquarters namin na concern citizen daw at nireklamo ang ingay na naririnig nila sa kalapit bahay. Nasabi din ng respondent na posibleng ginugulpi ng Ama ng dalawang bata ang panganay na anak dahil palagi daw hindi sapat ang nauuwi mula sa pangangalakal ng basura.
Tatlo kaming pulis na rumisponde at dahil may involved na bata ay kinontak namin ang DSWD para samahan kami sa naturang lugar.
Pag-kadating namin sa bahay ng nirereklamong kapitbahay ay nakarinig kami ng malalakas na iyak at hagulgol ng mga bata.
Hindi na kami nagdalawang-isip pa at pinuwersa ang pintuan. Kagimbal-gimbal na eksena ang aming nadatnan sapagkat nakahandusay sa sahig ang isang lalaki na duguan at may nakatarak na itak sa kaniyang kaliwang dibdib.
Tantiya namin ay siyang ama ng mga bata. Sa kaniyang tagiliran ay umiiyak ang isang binatilyong lalaking duguan ang mga kamay na mukhang naglalaro sa trese o katorse ang edad at sa kaniyang likuran ay isang batang babae na mukhang nasa anim na taong gulang na hilam sa mga luha at sipon sa kaniyang mukha.
Nanginginig sa takot ang binatilyong lalaki na tumingin sa amin, pinipilit siyang pakalmahin ng kasama naming DSWD. Dinala siya at ang kanyang kapatid sa tanggapan ng Social Welfare.
Inamin ng binatilyo na siya ang nakapatay sa kanyang Ama dahil hindi na nito matiis ang pananakit sa kanilang dalawang magkapatid, lango din palagi sa droga at alak ang kanilang ama magmula ng mamatay sa sakit ang kanilang Ina.
Ang dahilan na nagtulak talaga sa kaniya upang paslangin ang ama ay dahil naabutan niya itong muntikan ng halayin ang kaniyang nakababatang kapatid.
Dahil sa menor de edad ang nakagawa ng krimen hindi namin siya matatawag na kriminal bagkus ay isa siyang Child in conflict with the law at sasailalim siya sa Diversion na pangungunahan ng DSWD.
Mapupunta din sa pangangalaga ng DSWD ang nakababatang kapatid ni Jopet at aalamin kung may mga malapit pa silang kamag-anak para alagaan ang kapatid niyang si Alyssa.
Awang-awa ako sa magkapatid. Bakit kaya may mga ganitong magulang? Hindi nila deserve ang magkaganito dapat naglalaro sila at nag-aaral, ine-enjoy ang pagiging bata.
'Haay, buhay nga naman! Kaya ako pag-nagka-pamilya sisiguraduhin kong may maipundar muna ako at matino ang mapapangasawa ko. Kung wala mang papatol sakin, ayos lang basta magka-anak ako!' Isip ko habang nakaupo sa aking desk.
'At sino namang magtitiyagang anakan ka?' Napaka-pihikan mo sa lalaki kala mo kinaganda mo na yan!' Kontra na naman ng kotra-bida kong pag-iisip.
Minsan naiisip ko na baliw na ako eh', pero sumailalim naman ako sa Neuro Exams nung sumalang ako sa pagpupulis at wala naman daw akong tama sa utak or Akala lang nila? Charot!
Nasa malalim akong pag-iisip ng lumapit sa akin si Rina.
"Pekta, alam mo bang nag-aaya si Mariano mamaya after duty? Mag-bar daw tayo!Sagot daw niya lahat basta sumama ka lang daw. Ayiiiie!" Excited na may halong pambubuska ng kaibigan ko.
"Leche, tigil-tigilan niyo nga ako. Nagmumuni muni ako kung paano ako magkaka-anak tas' puro gimik inaatupag niyo". Lutang na sabi niya sa kaibigan.
Nagulat ako ng humagalpak ng tawa si Rina sabay batok sa'kin.
"Aray naman! Masakit yun ah!" Bulyaw ko.
"Para ka kasing tanga, kailangan i-voice out na nag-iisip ka paano magka-anak? Oh di' chance mo na to' maglasing ka tas' pabuntis ka kay Mariano". Tumatawa pa ring turan niya.
Hindi ko naman na-gets yung sinabi niya, "Teka, bakit si Mariano mambubuntis sa'kin?"
"Ikaw di'ko talaga mawari paano ka naging scholar sa MEU? Kulang na kulang ka sa common sense besh! Basta akitin mo mamaya si Mariano and then Boom buntis! Hahahaha!". Paliwanag ng bruha kong kaibigan.
Hay nako! Di papasa sa taste ko si Mariano, cancel siya as my sperm donor.
"Ewan ko sayo, ikaw kaya magpabuntis dun tutal ikaw nakaisip," Pambabara ko kay Rina.
"Helloooo? Ikaw kaya nangangailangan ng sperm donor! Ano ba kasi tipo mong lalaki kaloka ka!" Naiiritang sabi niya.
"Hmmm, gusto ko yung..." At biglang sumagi sa isip ko ang gwapong mukha ni Mr. Giovanni Moretti. Napangiti naman ako ng wala sa oras.
"Yung lalaking Gwapo, Matangkad, Matipuno. Tipong ibabalibag ako sa kama." Birong patotoo ko kay Rina. Opo, may halong patotoo dahil yun po talaga ang gusto ng inner Goddess in me. Hahaha.
"Hala ka teh' magjowa ka ng wrestler para makamit mo yang dream guy mo. Basta sumama ka sa'min mamaya ah! Pag-di ka sumama end of friendship na babush!" Pagkasabi niyon ay bumalik na sa kanyang table si bruha.
Yan, ganyan sila. Lalo na yung isa ko pang kaibigang si Kristina, na ngayon ay professor na sa MEU at nagtuturo sa kursong Criminology. Kulang na lang ipamigay ako sa mga lalaking malaman lang nila na may gusto sa'kin.
Nagbalik ang isip ko kay Mr.Moretti 'Shemay! pano pumasok sa isip ko si Mr. Moretti, eh sa hilatsa pa lang nun' mukhang di na ako papatusin.' Nanlulumong sabi ko sa'king sarili.
Erase, erase! Masyadong mataas yung pangarap kong sperm donor.
Madami pa pala akong aasikasuhin ngayong araw na ito. Sasama na nga lang ako mamaya sa kanila ng makapag-unwind din.
Bumuntong hininga na lang ako ng malalim at inayos ang mga papeles na nasa table ko.
--------------------------

BINABASA MO ANG
My Feisty Tigress
General FictionA policewoman meets the Maginoo na sobrang bastos, Hunky Dad and Greek God na si Giovanni Daniele Moretti and it's all because of the latter's son Gio Dane Moretti na hindi din papahuli sa kanyang ama pagdating sa kakisigan. Dahil sa tigas ng ulo a...