CHAPTER 6:

398 12 3
                                    

Chapter 6:

BGC Taguig:

Nagpunta kami sa isang High Class Bar dito sa Taguig at hindi nga nagbibiro si Rina sa sinabi niyang si Mariano ang sasagot sa lahat ng magagastos. Bali anim kaming lahat dalawa lang kaming babae ni Rina.

Pagpasok namin sa bar ay sumaludo kay Mariano ang bouncer na nagbabantay sa entrance.

"Langya ka pre mukhang parokyano ka na dito ah," tanong ni Dela Cruz.

Nagtawanan kaming lahat at naghanap ng magandang pwesto. Napili namin ang isang pahabang couch na may lamesa sa gitna at sakto lang sa aming anim.

Marami ng nagsasayawan sa dance floor at magaling din ang DJ ng naturang bar. Pansin din na medyo wild na ang mga kabataang nagsasayaw marahil sa dami na rin ng nainom nila.

"P*tcha naman pre! Hindi ata bagay sa edad natin 'tong napuntahan natin. Mukhang mga teenagers lang nagkakasayahan dito eh", Maktol naman ni Bautista na ahead sa amin ng ranggo at edad.

"Ikaw lang naman may edad dito Bautista, oh, wala tayo sa headquarters kaya wag kang mag-inaso dito", Tumatawang bara ni Rina.

Akmang papatulan ni Bautista ang pambabara ni Rina ng biglang magawi ang mata niya sa katabing couch namin ng may tumayong mga babaeng sexy at pumunta sa dance floor.

"Ayun ang sinasabi ko mukhang maganda nga dito mga pre." Sabay tayo at pumunta rin sa dance floor si Bautista.

Nagulat kami at nagtawanan na lang. Samantala, nakuha ang atensiyon ni Joey ng isang matangkad na lalaking nasa stool bar katapat ng bartender's area.

Paano'y kanina pa siya pinagmamasdan ng naturang lalaki.

'Pamilyar itong lalaking to' habang pilit minumukhaan ng dalaga ang binata sa malayuan.

Tumabi sa'kin si Mariano habang may kaniya-kaniyang pinag-uusapan ang mga kasamahan namin.

"Uhm, Joey may sasabi-" Pinutol ko ang akmang sasabihin ni Mariano.

"Teka lang Mariano ah, parang nakakita kasi ako ng kakilala puntahan ko lang." Sabi ko habang nakatitig sa lalaking nasa stool bar.

"A-ah okay sige mamaya na lang." Nahihiyang sabi ni Mariano sabay tayo ko.

Nilingon ko muna ang aking kaibigang si Rina na busy sa pakikipagkwentuhan sa iba naming kasama. Buti na lang di ako napansin ng bruha malamang makiki-usyoso na naman 'yon.

Lumapit ako sa bartender's area at umupo sa isa sa mga stool bar sa mismong katabi ng binata na ngayon ay nakatingin pa rin sa'kin.

Anak pala ni Mr. Moretti ang binata na ang pagkakaalala ko ay Gio ang pangalan.

"Hello Baby, fancy seeing you here." Tuwang sabi ni Gio.

"Hello Gio, kumusta ka naman?" Tanong ko sa binata.

"Wow, thanks God at naaalala mo na ako ngayon." Ngiting sabi niya.

"Bakit naman hindi?Eh, nasa presinto ka lang nung nakaraang linggo." Natatawa kong pahayag.

"Sh*t, nakakahiya talaga yung experience na 'yun." Sabi niya habang kumakamot sa batok.

"Okay lang 'yun pero sana di na maulit para hindi na magalit Daddy mo." Sabi ko na pasimpleng siningit sa pag-uusap namin ang kanyang ama.

Ngumiti na lang siya na lalong ikina-gwapo ng binata. "Do you want something to drink baby?" Alok niya sabay tawag sa bartender.

Umorder na lang ako ng Jack Daniel's tutal babayaran niya naman 'tong inumin ko.

My Feisty TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon