( Gio in the multimedia <3 )
Moment po muna ni Gio at Joey :)
+++++++++++++++++++++
Chapter 8:
Araw ng Linggo at Day-off ni Joey, naka-schedule siya ngayon para sa general cleaning na kaniyang gagawin. Madaming nangyari ng mga nakaraang araw at ngayon lang naramdaman ng dalaga ang pagod ngunit kailangan niya pa ng enerhiya para sa kaniyang pag-general cleaning.
Nag-ehersisyo muna siya at nagsimulang magpush-up ng dalawang daan na beses. Ito ang pampagana ng dalaga. Kung tutuusin mas nakakapagod para sa kaniya ang lumutas ng kaso, umattend ng mga hearing sa korte at gumawa ng mga reports. Panis sa kaniya ang mga pisikal na aktibidades dahil masaya siyang ginagawa ang mga bagay na iyon.
Kailangan pala niyang bumisita sa MEU na kaniyang dating unibersidad. Naka-schedule kasi siyang maging intructor sa Taekwando, syempre kailangan din niyang magpart-time para makadagdag sa ipon niya.
Biglang naalala ng dalaga si Gio, after ng isang linggo ay tinext siya ng binata na madidischarge na daw siya sa ospital at ready na daw siyang magpaturo ng self-defense sa kaniya. Nagtataka din ang dalaga dahil alam niyang may injury pa ang binata sa braso at tiyak siyang hindi lang basta isang linggo ang kailangan upang gumaling ang natamong injury ni Gio.
Pagkatapos mag-ehersisyo ay nagsalang ang dalaga ng mga damit sa washing machine sa kaniyang apartment. Nagulat siya ng biglang may kumatok sa kaniyang pinto at agad din naman niyang pinagbuksan.
Bumungad sa kaniya ang nakababatang kapatid ng tropa niyang si Butchek, kababata niya at madalas niyang makalaro sa basketball dito sa kanilang lugar.
"Ate Joey, niyayaya ka nila kuya may dayo daw po mamaya game ka ba daw pustahan daw po?" Tanong ng bata.
"Talaga? Sige sabihin mo mayang alas-kwatro na nila padayuhin. Mag-general cleaning lang ako." Magiliw na tugon ng dalaga sa bata. Pagkarinig ng tugon ni Joey ay nagpaalam na rin ang kaharap at sinarado na ulit ang pinto.
'Ayos makakapag-basketball ulit after ng ilang linggong pagka-busy sa trabaho' Isip ng dalaga.
Pasado Alas dose kakatapos lang magsampay ni Joey ng mga na-dryer niyang damit, hindi pa pala nagtatanghalian ang dalaga at nagpagpasyahan na lang na magpadeliver ng pagkain. Akmang kukuhanin niya na ang kaniyang phone ng sakto ay may tumatawag. Kinuha niya ang aparato at nakitang si Gio ay agad niyang sinagot.
"Gio, kumusta? Ba't ka napatawag?" Bungad na tanong niya sa binata.
"Uhm, Baby. I'm here infront of your apartment." Nagulat ang dalaga sa sinabi ni Gio sabay silip sa bintana ng kaniyang apartment.
Lumabas siya at binuksan ang maliit na gate at bumungad sa kaniya si Gio na may dalang ilang supot ng plastic galing sa isang kilalang kainan and take note paborito pa niya.
"Oh, napadalaw ka ata Gio? Okay ka na ba at nakakapagdrive ka na?" Sabay sulyap sa kotse niyang nakaparada sa harap ng apartment ng dalaga.
"Yeah, I'm good. Actually nagpunta ako sa Headquarters niyo and nalaman ko kay Rina na Off mo pala ngayon so I've decided to visit you and brought you some food." Nakangiting sabi ng binata.
Pinapasok niya ito sa kaniyang Apartment, buti na lang pala at nakapaglinis siya dahil hindi niya ine-expect na bibisitahin siya ni Gio.
"Ito naman nag-abala pa, dapat nga ako yung bumisita sayo eh." Pinaupo niya ang binata sa sofang mahaba na nasa kaniyang sala.
"I came to visit you para mag-Thank you sa nangyari last time. Hindi ko kasi maalala na nagpasalamat ako sayo after you save me from those goons." Nahihiyang sabi ni Gio.
"Sus, okay lang yun. Sapat ng kabayaran 'tong dala mong pagkaen. Alam mo bang paborito ko 'to?" Sabay na natatakam na sulyap niya sa mga pagkaing nilagay ni Gio sa tapat na lamesa ng sofa.
"Haha, I know. I already ask your friend kung ano yung paborito mong kainin." Napalingon siya sa binata habang kagat-kagat ang hawak na special siopao.
"Talaga? Oo, alam ng babaeng 'yon lahat ng paborito kong pagkain. Hindi ka nagkakamali ng pinagtanungan." Natatawang sabi niya habang makapal ang mukhang binubulatlat pa ang mga dala ni Gio.
Kumuha siya ng mga plato at hinain ang dala ng binata at sabay na rin silang kumain.
Napansin ng dalaga na magana pa lang kumain si Gio. 'Buti na lang madami siyang dinala, gutom na gutom pa naman na ako' Isip-isip ng dalaga."Mukhang busy ka kanina, baby. What are you doing bago ako pumunta?" Tanong ng binata.
"Nag-general cleaning ako, naglaba na rin ng mga damit ko dahil bukas back to work na naman." Sabay dighay ng malakas na kinatawa naman ni Gio. "Sarap talaga ng libre". Usal ng dalaga at uminom ng tubig.
"You know I like you a lot, wala kang inhibition sa katawan and you always do and say what you want." Ngiting sabi ni Gio at kamuntikan ng ibuga ng dalaga ang iniinom na tubig dahil sa confession ng binata.
"Ganda naman ng timing mo Tyong, galit ka ba sakin at gusto mo kong malunod sa isang baso ng tubig?" Pabirong tugon ni Joey.
"No, bakit naman ako magagalit sayo. I've told you nga na I like you eh." Kumakamot sa batok na pahayag naman ni Gio.
'Ano ba namang timing 'to, parang najejebs pa ata ako' biglang nakaramdam ng pagkulo ng sikmura si Joey.
"Wait lang Gio, tutal tapos naman na tayong kumain magpapasintabi lang ako najejebs ako eh" Sabay tayo at tumungo sa palikuran ng kaniyang apartment.
Naiiling na lang na nangingiti si Gio habang iniisip na sobrang kakaiba talaga ng babaeng tinatangi sa ibang babaeng kaniyang nakilala.
'Maybe this isn't the right time to fully confess yet. Marami pa naman akong magiging chance. I'll just make sure na mas madalas ko siyang makakasama para madevelop din ang feelings niya sa'kin.' Kompiyansa si Gio sa kaniyang sarili habang nililigpit ang pinagkainan nila ng dalaga para wala na itong intindihin pang ligpitin.
Pagkatapos ng halos sampung minuto sa banyo ay lumabas din ang dalaga.
"Wooh, success! Oyy, ba't ikaw na nagligpit diyan bisita kita eh." Puna ng dalaga ng mapansing wala ng ligpitin sa lamesa at nakalagay na lahat sa lababo.
"It's okay baby, tanong ko lang busy ka ba mamaya? Are you available? Gusto mo punta tayo sa mall, we can watch movies if you want?" Magiliw na paanyaya ni Gio.
Naalala ng dalaga ang schedule niyang laro sa basketball mamayang alas-kwatro.
"Naku Gio, may laban kami sa basketball mamaya, pustahan kasi naka-oo na'ko." Tugon ng dalaga sa binata at napansin niya ang pagkadismaya sa mukha nito. "Gusto mo manuod ka mamaya, icheer mo ko para naman ganahan akong maglaro." Natatawang sabi ng dalaga.
Natawa na rin si Gio. "Its Odd, this is the first time na ako ang manunuod at magchecheer sa basketball. Hahaha."
"Oh diba, okay rin yung maranasan mo ring maging fan minsan hindi yung ikaw palagi ang chinecheer." Pakwelang sabi ng dalaga.
Tawa ng tawa ang binata sa turan ng dalaga. Hindi talaga siya mabobored pag kausap niya si Joey.

BINABASA MO ANG
My Feisty Tigress
Aktuelle LiteraturA policewoman meets the Maginoo na sobrang bastos, Hunky Dad and Greek God na si Giovanni Daniele Moretti and it's all because of the latter's son Gio Dane Moretti na hindi din papahuli sa kanyang ama pagdating sa kakisigan. Dahil sa tigas ng ulo a...