A policewoman meets the Maginoo na sobrang bastos, Hunky Dad and Greek God na si Giovanni Daniele Moretti and it's all because of the latter's son Gio Dane Moretti na hindi din papahuli sa kanyang ama pagdating sa kakisigan.
Dahil sa tigas ng ulo a...
Lumabas muna saglit si Joey para bumili ng sigarilyo sa labas ng headquarter. Iniisip ng dalaga ang naging pag-uusap nila ng Daddy ni Gio at hanggang ngayon ay nanggagalaiti pa rin siya sa inis.
First time niyang maka-encounter ng ganoong kabastos na lalaki. Palibhasa lahat ng nakakakilala sa kanya ay tumitiklop agad once na hinamon niya ng pakikipagbasag ulo o kaya sa sports na alam niya lalo na sa basketball at swimming.
Napansin ni Joey ang papasok na magarang kotse, nalula siya dahil BMW 7-series 2020 ang pumarada sa tapat ng headquarter. At bumaba lulan nito ang isang lalaking nakapolong itim. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko mabistahan ang kanyang itsura. Ito na siguro ang Daddy ni Gio.
Tinapon ni Joey ang natitirang sigarilyo at tinapakan. Nilapitan niya ang lalaki at akmang magpapakilala ng dumapo ang tingin Nito sa kanya. Kulang ang salitang nakakapaglaway para idescribe ang lalaki. Mula sa kanyang mapungay na berdeng mata, matangos na ilong hanggang sa labing masarap kagatin. Agad mo ring mapapansin ang kanyang tangkad na tantiya ko ay umabot sa anim na talampakan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagsalubong ang aming mga tingin at tama nga ang hinala ko sa aking isip na magmumukha akong bata sa height kong 5'4 ng makalapit ako sa kanya. I composed myself upang hindi mahalata na nabato balani ako sa kakisigan ng kaharap ko.
"Good Evening Sir, Are you Mr. Moretti?" Agad na tanong ko.
"Yes, and you must be the one who called earlier? I'm sorry for my behavior Miss. I'm Giovanni by the way Gio's dad." Sabay lahad ng kaniyang kamay para makipag-daupang palad na tinanggap ko naman.
"And I'm Police Staff Sergeant Joey Dalugdug, it's nice to meet you Sir." Pormal kong pakilala.
"Likewise, Miss Dalugdug" Ani ni Mr. Moretti.
Halos dalawampung segundo na niyang hawak ang kamay ko subalit wala ata siyang balak bitiwan dahil tutok na tutok siya sa pagmumukha ko at biglang bumaba sa katawan ko.
'Tsss, mukhang sa kanya nagmana yung anak niya. Well base na rin sa mga narinig ko habang katawagan ko siya'
Binawi ko na lang ang aking kamay sabay niyakag siya sa loob ng opisina kung nasaan ang anak niya.
Pagkapasok sa opisina namin ay nakita kong nakaupo si Gino at kausap ang tatlong katrabaho kong babae kabilang na si Rina.
"Peks, sabi ko na sayo kaya pamilyar si Pogi kasi siya yung napanuod natin dati sa Senior High building. Yung sinigawan mong anakan ka ng tatlong bingot." Natatawang kwento ni Rina. Nagtawanan naman sila Gio at dalawa kong katrabahong babae.
'Ehh? Sa pagkakatanda ko Siya itong sumigaw nun, Aba at sa akin pa pinasa ng bruha'
Akmang rerebutt nako ng malupit ng biglang magsalita si Mr. Moretti.