Chapter 11:
Dumating ang araw ng Lunes, nagulat ang dalagang si Joey sa nadatnan sa kaniyang lamesa. Iba't- ibang files ng panibagong kaso ang naka-line up sa kaniya.
'Eto na naman simula ng kalbaryo't pananakit ng mga daliri ko kaka-encode, pulis ka na, encoder, imbestigador, instructor, dancer. Kakaloka mag-asawa na lang kaya ako ng DOM para hayahay' Pagmamaktol ng dalaga sa kaniyang isipan habang inaayos ang files bago pag-aralan at i-encode sa kaniyang computer.
'Gaga ka pala, pinili mo yang propesyon na yan tas magrereklamo ka,' Biglang singit ng maldita niyang pag-iisip.
Parang gusto na lang ng dalagang kalimutan sa isip ang mag-anak na lang ng walang ama. Ngayon pa lang ang dami na niyang reklamo, pano pa kaya pagnagkaanak siya ng walang tatay ang bata walang sumusuporta?
Habang nagmumuni-muni siya sa kaniyang lamesa at inaayos ang mga files nakatanaw naman sa kaniya si Mariano. Waring iniisip kung kailan ba niya makakausap ng masinsinan ang dalaga at kung kailan ang tamang panahon upang umamin sa kaniyang pag-sinta sa dalaga.
Nagulat silang lahat ng biglang pumasok ang Admin Secretary ng kanilang departamento at inanunsyong malilipat ng ibang Headquarter ang kanilang Hepe at papalitan ng mas batang Hepe na fresh grad with honors from PNPA. May despedida daw na gaganapin sa kilalang bar sa Makati ngayong darating na Huwebes at inaanyayahan ang mga gustong pumunta after duty.
Lumapit sa dalaga si Mariano at nagtanong, "Joey, pupunta ka ba? Kung pupunta ka sasabay na ako sayo." At nahihiyang ngumiti sa dalaga.
"Ewan ko--" biglang sumingit si Rina at inakbayan si Joey.
"Siyempre sasama yang kaibigan ko, yan pa basta libre gora." Pasimpleng kinindatan ang binatang si Mariano na wari'y tinutulungan siyang makadiga sa dalaga.
Nagtataka naman ang dalagang si Joey dahil hindi niya naramdamang lumapit si Rina at kinontra pa ang kaniyang pagtugon sana.
"Pala-desisyon teh? Wala na kong sariling desisyon ganun? Hawak mo na?" Kunwari'y naasar na tugon ng dalaga.
"Oo, ako na ang may hawak ng buhay mo kaya wala ka ng magagawa. Bwahaha!" Tumatawang akala mong bruhang tugon naman ni Rina.
Bumuntong hininga na lang si Joey dahil alam niyang kukulitin lang siya ng kaibigan kaya pumayag na lang siya. "Oo na sige na tutal ikaw na ata Nanay ko eh." Natatawang pagpayag na lang niya.
Ibinalik ng dalaga ang atensiyon sa kaniyang ginagawa at hindi nakita ang pasimpleng ngitian ni Rina at Mariano na bumalik na sa kani-kaniya nilang table.
Biglang naalala ni Joey ang schedule niya bukas para sa pagtuturo ng self defense kay Gio.
'Bukas na pala iyon' bigla na lang siyang namula ng maalala niya rin ang halik na namagitan sa kanila ng binata.
'Ang gagong iyon, may atraso pa siya sa'kin akala niya' napipikong isip niya.
'Oo nga besh, gantihan mo kailangan mong ibangon ang puri natin! Halikan mo rin siya!' Sabat ng malanding utak niya.
Ikinailing na lang niya ang kaniyang mga naiisip. Siguro ay pahihirapan niya na lang sa training ang binata para makaganti siya sa ginawang panghahalik.
Tumunog ang phone ng dalaga senyales na may nagtext sa kaniya. Chineck niya ito at nanlaki ang matang muling binasa ang mensahe.
From: Giovanni Moretti
Hi pretty, are you free tomorrow? Would you like to come to dinner with me? I think, I owe you one :)
'Halaaaaaa, hanudaaaw? Kainin niya daw ako as dinner niya?? Charot! Hihihi' kinikilig ang dalaga sa loob-loob niya pagkabasa ng pinadalang text ni Giovanni.
BINABASA MO ANG
My Feisty Tigress
General FictionA policewoman meets the Maginoo na sobrang bastos, Hunky Dad and Greek God na si Giovanni Daniele Moretti and it's all because of the latter's son Gio Dane Moretti na hindi din papahuli sa kanyang ama pagdating sa kakisigan. Dahil sa tigas ng ulo a...