CHAPTER 14:

339 10 4
                                    

Chapter 14:

"Grabe, excited na'ko sa pa-farewell party ni Chief! Magbaon kaya ako ng kabog na outfit bukas?" Tanong ni Rina sa kaibigang si Joey habang nanananghalian sila sa cafeteria.

"Oo nga pala bukas na pala yun," Gulat na sambit ni Joey habang nilalantakan ang leche flan na dessert.

"Ito naman kala mo lutang, ano ba mga pinag-gagawa mo nitong mga nakaraang araw at hindi mo kami binibisita ni Kris sa apartment namin?" Takang tanong ni Rina.

Magkasama sa iisang apartment ang mga kaibigan ni Joey magmula ng maging stable sila sa trabaho dahil parehas na nasa probinsya ang mga magulang ng dalawa. Gusto rin sana ng dalaga na magkasama sama sila sa iisang apartment kaso lang ay kilala niya ang dalawang kaibigan niya. Mahilig magdala ng mga lalaki, iniisip ng dalaga ang kaniyang personal space.

"Nagtuturo ako ngayon ng self defense, personal training peks." Ikinuwento ng dalaga ang pagtuturo niya kay Gio ng self defense. As usual, isang matinis na tili ang pinakawalan ng bruha. Mabuti na lang at bilang na lang ang mga tao dito sa cafeteria.

"Shalaaa naman peks, ba't ngayon mo lang sinabi sa'kin yan?" Kunwari'y tampo ni Rina pero halatang tuwang tuwa. "Naku ang bagal kasi ni Mariano," Sabay bulong ng kaibigan ng dalaga.

"Huh? Bakit mo nabanggit si Mariano?" Takang tanong ni Joey.

"Wala! Basta magpapalit na'ko ng manok si Gio na pambato ko." Excited na sabi ni Rina.

"Sira! Ang bata pa nun, dun na lang ako sa tatay. Hihihi," Malanding turan naman ni Joey na ikinalaki ng mata ng kaibigan.

"Ayy oo nga mas hot pala yung tatay!" Pag-tango ng kaibigan niya. "Lubos lubusin mo na peks, makunat ka na di ka na bumabata," Sabay hagalpak na tawa ni Rina.

Ikinasimangot naman ni Joey ang sinabi ng kaibigan. Palibhasa sagana sila ni Kristina sa dilig dahil may mga nobyo and take note, may mga flings pa! Yun din ang isa sa dahilan kung bakit ayaw ng dalaga na maki-share ng apartment sa dalawa. Tingin niya gagawin lang siyang scorer ng mga kaibigan niya! Tiga-bilang kung ilang rounds na ba ang inabot ng pagdidilig sa kanila.

"Hmp, pagnagkataon na mangyari yan hindi ko ikukwento sa inyo ni Kristina. Sa'kin lang ang sex life ko! Di ko kayo gagayahin na kiss and tell." Mataray na tugon ng dalaga.

"Damot mo naman, kaya ka namin kinukwentuhan para mai-apply mo sa upcoming sex life mo. Hahaha!" Tawang tawa naman ang bruhang si Rina.

"Ewan, pag nangyari yun basta walang makakaalam sa inyo ni Kristina na may sex life na'ko! Hinding hindi niyo talaga malalaman hmp!" Pagtataray pa ng dalagang si Joey.

Tumawa lang ulit si Rina. Makalipas ang isang oras na kanilang break ay nagbalik sila sa kanilang trabaho.

Nagtaka ang dalaga dahil ni isa sa mag-ama ay hindi nagtext man lang sa kaniya ng araw na iyon. Sabagay, alam naman niya ang schedule ni Gio dahil nasabi na rin kahapon ng binata na Ala-una pa lang ng hapon ay makakauwi na siya.

Sa kalooban ng dalaga ay may isang tao lang talaga siyang inaantay na tumawag o magtext man lang. 'Kaso mukhang busy ang isang iyon,'

Ikinabusangot ng dalaga maghapon ang kaisipang hindi man lang siya kinamusta o tinext man lang ni Giovanni. 'Loka! Makikita mo din naman siya mamaya sa bahay nila,' pagkumbinsi na lang ng sarili niya upang hindi siya tuluyang magdamdam.

'Teka nga, bakit ka ba nag-eexpect eh hindi naman kayo?' Pangongontra ng isip niya.

'Eh diba meron na kaming MALANDING UGNAYAN? ano yung mga paghalik-halik niya with paglamas suso? Saka ramdam ko may pagtingin siya,' Ayan na, nangialam na rin ang malanding puso ng dalaga.

My Feisty TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon