(Gio Dane Moretti on the multimedia)
Pogi debee?? Hihihi++++++++++++++++++++
Chapter 2:
CRIMINAL INVESTIGATION HEAD QUARTERS:
"Good Job Dalugdug and Castro, hindi ako nagkamaling kayo ang in-assign ko sa misyon na ito." Paglalahad kamay bilang pagbati sa amin ni PMaj.Mattias.
Sumaludo muna kami bilang pugay sa aming Major bago tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
"Isang malaking karangalan sa parte namin Sir na nagampanan namin ng maayos ang misyon na binigay niyo. Malaking supplier pala dito sa Metro Manila ang may-ari ng club Sir at sinusupply din niya sa kapwa owners ng mga bar na kanyang mga kakilala. Pawang kabataan ang kanilang mga parokyano." Pagbibigay impormasyon ni Castro sa mga nakalap niya sa interrogation na naganap kanina lang sa sekretarya na siya din pa lang informant namin. Kaya walang nagawa ang owner kundi magwala at mura murahin ang kanyang sekretarya.
"Isa-isa na rin naming tinawagan ang mga magulang ng mga nahuli nating kabataan para impormahin sila na nasa puder natin ang mga anak nila pero merong isa na nagmamatigas yung berde ang mata, Dalugdug ikaw ang gustong mag-interrogate sa kanya." Sabi ni Major sabay tapik sa balikat ko.
"Sir ba't ako?, hindi ko nga po kilala yung hudas na yun. Si Castro na lang Sir." Pag-ayaw ko sa gusto ni Major.
"Buddy, mukhang may na in-love sa paggiling mo kanina. Hahahaha," Tumatawang sabi ni Castro.
"Tado! Hanggang tingin lang sila." Sabay irap ko kay Castro.
"Ehem, Castro can you elaborate the plans you've made for this mission. Baka magamit natin sa susunod na mga misyon." Nahihiyang sabi ni Major Mattias.
If I know gusto lang niya mapanuod yung ginawa kong performance kanina. Manyakis na matandang to'.
"Sige Sir sa opisina niyo na lang po natin pag-usapan. Oh buddy, ikaw na bahala dun sa ayaw magpa-interrogate." Taas-baba ang kilay habang nakangisi si Castro na parang sinasabing 'buddy, chance na natin tumaas ulit ranggo'.
Tumalikod na ang dalawa at ako naman dumiretso sa interrogation room. Naabutan ko doon na nanunuod sa two way mirror si Mariano kasama ang kaibigan kong si Rina na karanggo ko rin at dito din na-assign sa CIDG.
"Joey, buti dumating ka. Hirap pagsalitain nitong iniinterrogate hindi daw siya magsasalita hangga't hindi daw ikaw yung magtatanong sa kanya." Saad ni Mariano.
"Peks, alam mo parang familiar sakin yang lalaking yan." Sabi naman ni Rina habang nakakunot noo.
"Sino na naman yan parang kamukha ng future husband mo?" Natatawa kong biro kay Rina. Kilala ko kasi itong kaibigan ko na to' basta gwapong lalaki ganyan banat.
"Hindi, parang nakita ko na siya, di ko lang maalala kung saan." Nag-iisip pa ring sabi niya.
"Ayy, basta papasok nako sa loob ng makapag-out na nakakapagod gumiling giling sa harap ng maraming tao." Sabay ngisi at baling ng tingin kay Mariano na namumula ang mukha.
Pumasok na siya sa interrogation room at binati si Dela Cruz na naka-assign magtanong sa binata.
"Dela Cruz, ako na bahala dito pinapasabi ni Major." Pagdismiss ko sa kanya.
"Buti naman Joey, hirap na hirap ako sa isang ito. Puro I want Joey to interrogate me na lang paulit ulit na sinasabi. Kilala mo ba 'to bud?" Nagtatakang kwestyon ni Dela Cruz.
"T*ngina diko nga alam pangalan niyan eh". Sabi ko naman.
Lumabas na si Dela Cruz habang ako naman ay tinititigan sa mata ang binata.
"Anong pangalan mo?" Paumpisa kong tanong sabay labas ng maliit kong note pad.
"Grabe baby, it hurts huh hindi mo na ako maalala samantalang ikaw kilalang kilala ko." Halatang may tampo sa timbre ng kanyang pananalita.
"Look, hindi nga kita kilala. Kaya kung pwede lang eh magsabi ka na ng di ka na magtagal dito." Irita kong tugon sa kanya.
He sigh heavily and responds "Alright, I'm Gio Dane Moretti". Sinulat ko naman sa aking note pad ang kanyang sinabi.
"Okay, ilang taon kana?"
"I'm 21 years old." Shems ang bata pa pala niya sa isip isip ko habang sinusulat ang mga detalye.
"Anong ginagawa mo sa Bar na iyon? At alam mo bang gumagamit ng droga ang mga kaibigan mo?" Dagdag tanong ko.
"I went to that place to ease some stress and yeah I know that they are using illegal drugs but heck I'm not one of them." Sinusulat ko lang ang kanyang mga sinabi.
Maya-maya ay nakarinig kami ng katok at bumukas ito. Inabot sa akin ni Mariano ang resulta ng drug test ni Gio. Negative result naman kaya nagdecide kaming wag ng isama sa sasampahang kaso ang binata.
"Mr.Moretti can we have the contact number of your parents? Nasabi mo sa amin na isa kang studyante so may karapatan ang mga magulang mo na malaman ang mga pinagagawa mo at kung nasaan ka." Propesyonal kong tanong.
"What the heck, I'm in my legal age now baby can you please allow me to go home?" Alburutong saad ni Gio.
"Hindi! May karapatan ang magulang mong malaman ang mga pinaggagawa mo kaya ibigay mo sa akin ang numero nila." Maawtoridad kong sinabi.
"Alright, alright. Pasalamat ka takot ko lang sayo" sabi ng binata, may binulong pa siya na hindi ko narinig.
"May sinasabi ka Mr.Moretti?" Tanong ko sa kanya.
"Wala po Mam" sabay yuko niya. Hmp, wala ka pala eh.
Binigay niya sa akin ang personal number ng kanyang Daddy na ang buong pangalan daw ay Giovanni Daniele Moretti. Wow, tunog pa lang imported na. Siguro tanders na to' panlalait ko pa sa isip ko na natatawa.
Lumayo ako kay Gio at sinimulang tawagan ang kanyang ama. Naka-tatlong ring saka lang sinagot ang tawag.
"Hello Good Evening Sir-"
"What the f*ck! Who are you to interrupt me when I'm in the middle of my f*ckin session!" Galit na saad ng nasa kabilang linya. Aba't tarantadong to' di pa ako pinatapos sa pag-introduce ko ang ganda pa ng bungad.
"Sir this is Police Sergeant Dalugdug, I've called to inform you Sir that your-
"Cazzo! Ugh, yeaah baby that's right." Ungol sa kabilang linya. Aba't ang hudyo nagawa pang magmilagro habang may katawagan.
"F*cckkk you b*tch you're so good! Ahhh!" Ano ginawa pa kong listener ng hudas na to'?
"P*tang Ina Mr.Moretti tumawag lang naman ako para sabihin sayong nandito yung talimpandas mong anak dahil sumama sa mga drug addict niyang kaibigan at ngayon nadamay siya. Kung concern ka sa kaniya pumunta ka na lang sa CIDG Main headquarters. Makagat at maputol sana yang Etits mo ng katalik mo! Goodbye!" Galit kong sigaw sabay baba ng tawag.
Tulala namang nakatingin sa akin si Gio. "Baby, no one has ever scolded my Dad. Well you're the first". Kibit balikat at bilib niyang sinabi.
Nahiya naman ako sa inasal ko. "Hintayin mo na lang yung Daddy mo Mr. Moretti, if after an hour wala pa siya ako na lang maghahatid sayo." Sabay talikod at lumabas na ako ng interrogation room.

BINABASA MO ANG
My Feisty Tigress
General FictionA policewoman meets the Maginoo na sobrang bastos, Hunky Dad and Greek God na si Giovanni Daniele Moretti and it's all because of the latter's son Gio Dane Moretti na hindi din papahuli sa kanyang ama pagdating sa kakisigan. Dahil sa tigas ng ulo a...