Chapter 9:
"Tuwang tuwa ka nakahanap ka ng clown ah." Natutuwa din naman ang dalagang makita si Gio na masaya ramdam niya rin kasi na may tinatagong lungkot ang binata.
Nagdesisyon ang dalaga na buksan muna ang TV para malibang si Gio samantalagang nagpaalam naman siya para maligo saglit dahil nanlalagkit na siya sa kaniyang sarili.
Bente minutos lang tumagal ang paliligo ng dalaga at habang pinapatuyo ng dalaga ang buhok gamit ang maliit na tuwalya ay binalikan niya si Gio sa sala. Napansin niyang tutok na tutok sa kaniya ang binata imbis na sa telebisyon. 'Ngayon lang siguro nakakita ng nakasandong puti at maong short si Gio' turan ng dalaga sa isip.
"Is that your outfit for the game?" Tanong ni Gio na gumalaw ang adam's apple na tila lumunok ng laway.
"Sira! Pambahay ko 'to, mamaya pang alas-kwatro yung game eh mag-aalas-dos pa lang." Sabay sulyap ng dalaga sa wall clock na nakasabit sa sala.
"Whew, I thought that's your outfit. Don't go outside with that and you'll wake a devil in any mens thought." Pungay ang matang turan ni Gio at bumaba ulit ang tingin sa katawan ng dalaga.
"Dami mong alam! Mas higit pa nga dito ang nakita mo nung sumayaw ako sa Bar na ni-raid namin. Hahaha." Natatawang turan ni Joey. Ewan ba niya at komportable siyang kausap si Gio waring wala bang malisya sa palitan nila ng salita.
"You just remind me the nights na pinahirapan akong patulugin ng suot at pag-sayaw mo nun. Can you please decline that kind of task ,baby? 'Grabe ilang araw ding nanakit kamay ko kakasarili pag-naaalala ko yun.' May binulong si Gio na hindi na na-gets ng dalaga at tinawanan niya na lang dahil natutuwa siya sa itsura ni Gio. Parang batang nagmanaktol lang ang hilatsa.
Sa mga nakalipas na oras ay komportableng nagkuwentuhan lang ang dalawa. Pag-sapit ng Alas-tres y medya ay mabilis lang nagpalit ang dalaga ng pambasketball attire. Naglagay din siya ng supporter na itim upang di masakit sa dibdib pag nakipagbalyahan.
Niyaya na niya si Gio papuntang court na paglalaruan nila ng kaniyang mga tropa. Ilang lakad lang naman ito mula sa kaniyang apartment.
Takaw pansin si Gio habang naglalakad kami dahil sa taglay niyang kakisigan, mapa-matanda, teenager, bakla at dalaga na makakasalubong namin ay napapalingon sa kaniya. May ilan pa nga na bumati sa'kin lalo na yung mga tsismosa naming kalugar.
"Huy, Joey! Sino yang kasama mo? Mukhang Afam, Syota mo? Impernes ampogi ah!" Lapit ni Aling Tess sa'min na numero uno sa pagiging tsismosa dito sa lugar namin.
"Naku Aling Tess, kaibigan ko yan. Nandito siya para manuod ng laro namin nila Butchek may dayo ngayon eh." Tugon ko naman sa Ale.
"Ganun ba? Single pa ba iyan? Ng mareto ko naman sa panganay kong si Delilah ng malahian naman kami ng porener." Napangiwi naman ako sa kaniyang sinabi sabay baling ng tingin kay Gio na halatang natutuwa sa mga atensiyon na kanyang nakukuha.
"Patay tayo diyan Aling Tess, malapit ng ikasal 'tong kaibigan ko saka wag kayong maniniwala sa gandang lalaki neto. Salamat Doc lang yan. Hehe." Dahilan ko na lang para umalis ang babae.
"Ayy, ganun! Sayang naman, di na siya lugi sa anak ko. Star of the night palagi 'yun sa club na pinapasukan niya." Kumbinsi pa ng babae na waring Mamasang sa club kung ibugaw ang anak.
"Sige Aling Tess, mauna na kami next time mo na ibugaw yang anak niyo." At hinatak na si Gio papuntang covered court dito sa aming barangay.
"I didn't know na engage na pala ako, baby. And what did you say na salamat doc yung gandang lalaki ko? Wow, baby! You just hurt my ego." Kunwaring emote ng binata habang hinahanapan ko siya ng magandang pwesto para makapanuod siya ng maayos.
"Oh sige, dun ka na kay Aling Tess tutal gusto mo naman atang lahian yung anak nun, pasalamat ka nga niligtas kita sa mga ganung klaseng tao." Irita kong tugon sa binata habang nakakita na rin ng magandang pwesto.
"Uyy, mukhang nagseselos ang baby ko. Huwag kang mag-alala sayo lang ako magpapalahi." At binuntutan niya ito ng malakas na tawa. Napatingin tuloy samin ang ibang kalugar namin na gustong manuod ng laro.
"Para kang timang Gio, kilabutan ka nga sa sinasabi mo." Sabay mahinang batok ko sa kaniya.
"Ouch, baby. Ayaw mo ba?" Taas baba ang kilay habang nakahawak sa kaniyang batok.
Pilyo talaga 'tong kumag na 'to, baka kung mas umedad pa siya ng mas matanda sa akin papatusin ko talaga pagbibiro nito. Para siya na lang maging sperm donor ko kaso bata pa. Isip-isip ni Joey sabay iling.
"Ayaw mo? My God baby, how many times would you hurt my feelings?" Kunwaring nagdadamdam ng binata.
"Tangeks, may naisip lang ako. Iwan muna kita diyan. Mag-stretching and shooting lang ako. Pag may lumapit sayong di mo kilala tas hinarass ka tawagin mo lang ako." Akala mo'y nagbibilin sa batang sabi ng dalaga.
"Yes, Mam!" Natatawang saludo ni Gio sa dalaga.
Napangiti na rin si Joey at nilapitan sila Butchek. Pagkatapos makipag-batian ng dalaga sa mga kababata ay nagulat siya sa sigaw ni Gio na nangingibabaw.
"Go Baby, galingan mo may reward ka sa'kin mamaya." Pinagtinginan tuloy ulit siya ng mga tao sa loob ng covered court.
Nakatikim naman ako ng pambubuska sa aking mga kababata.
"Nice one pre, ganun pala mga tipo mo kaya pala walang makapasa pasa na mga tiga-dito satin sa panlasa mo." Natatawang asar ni Butchek.
"Naku, pre babanse pa naman sa'tin yung talunan mong manliligaw na si Darwin. Sila makakalaban natin ngayon. Manggagalaiti yun pag nakita ka niyang may kasama at sobrang guwapo pa! Lakas ng tama sayo nun eh." Gatong pa ni Denden.
"Bahala siya sa buhay niya basta ako magpapapawis lang namiss ko magbasketball." Walang pakialam na turan ni Joey habang drinidribol ang bola at nagpapractice ng shooting.
Kumpleto na ang kalaban kasama ang matagal ko ng manliligaw na si Darwin. May itsura naman ang binata medyo hawig nga ito ng artistang si Alfred Vargas mas patangkarin mo lang.
Hindi pa rin talaga 'to nadadala ilang beses na naming natatalo dumadayo pa'rin, nagsasayang lang ng pera. Sabagay, anak ng Chairman sa kabilang barangay si kumag kaya maraming pamusta.
Mukhang mapapalaban sila ngayon dahil mas malalaking lalaki ang mga dala ni Darwin. 'Hmm, magagamit ko na naman yung pinagbabawal kong teknik, sakit ng katawan ata hanap ng mga 'to.' Nakangising turan ng dalaga sa kaniyang isip.
BINABASA MO ANG
My Feisty Tigress
General FictionA policewoman meets the Maginoo na sobrang bastos, Hunky Dad and Greek God na si Giovanni Daniele Moretti and it's all because of the latter's son Gio Dane Moretti na hindi din papahuli sa kanyang ama pagdating sa kakisigan. Dahil sa tigas ng ulo a...