Chapter 20
Matapos ang madrama Kong eksena, tumungo na ako sa canteen. Kahit late na ako nakapag-lunch, gora pa din ako. Um-order na ako sa may tindera sa cafeteria.
Umupo ako sa isang table at mag-isang kumain doon. Kakaunti na lamang ang mga eatudyanteng nandoon. Syempre, 15 mins nalang kasi ay magsisimula na ang klase.
Pero Wala akong pake. Nagugutom ako. Atsaka, Wala namang Masyadong gagawin ngayon e.
Pero Buti na lamang, mabilis akong natapos sa aking pagkain.
Bumalik ako kaagad sa aming room at doon ko nadatnan ang mga klase naming nagkakagulo. Akala ng iba, Sobrang babait naming nasa star section. Kasi nga, star e! Puro kami matatalino, talented, tahimik at magagalang. Akala nila hindi kami nagkakagulo, akala Lang nila. Actually, araw-araw nga may gulo dito.
"Yunique! Akala ko kung Ano nang nangyari sa'yo! Nawala ka kasi kaagad nung lunch, nanlibre pa naman si Zed. " sabi ni Ave nang maka-upo ako sa kaiyaynh tabi.
"Ganon ba? Sayang naman. " kunwari ay nanghihinayang ako sa gawa kong hindi pagsipot sa kanila.
"Bakit, matamlay ka? " takang tanong ni Ave.
Halata ba ako masyado?
"Ha? 'Di ba nga kasi hindi ako nakasama sa libre ni Zed? Nanghihinayang ako. " sabi ko pa. Mukha namang naniwala ito dahil sa kaniyang hitsura.
"Ahh, eh saan ka nga ba kasi Galing? " takang Tanong niya ulit.
"Saan paba? Eh alam mo naman kung saan ako Lagi natambay. " sabi ko pa. Bigla siyang natigilan.
"Ay, Oo nga Ano? " sabi nito.
"Oh Sige na, mamaya nalang. Andyan na si Ma'am. " sabi ko. Agad itong Bumalik sa kaniyang kinauupuan.
Buong maghapon ay lumilipad ang isipan ko. Hindi mawala sa isip ko si Nyx. Sila na ni Trixie. At kita ko din ang pagkislap ng mga mata ni Kuya Nyx nang sinabi niya iyon sa akin. Ang sakit naman. Pero, Ang bilis naman niyang sinagot ang kaibigan ko. Kung ako iyon, Mas patatagalin ko pa.
Pero hindi naman ako ang niligawan at nagustuhan. Tatahimik nalang ako.
Nang Matapos ang klase, nagtungo muna ako sa aking locker. Iniwan ko ang iilan Kong gamit doon. Sa may 'di kalayuan, Nakita ko si Kuya Nyx na nasa dulo ng locker. Doon pala ang locker niya. Nang mapansin niya ako ay Agad akong nataranta.
Nagmadali akong ilagay ang gamit ko sa aking locker at inisara iyon. Medyo napalakas pa nga ata dahil rinig iyon sa buong hallway.
Agad akong naglakad palayo para hindi niya ako maabutan. Pero Sadyang malaki ang kaniyang nga hakbang kumpara sa akin kaya naman naabutan niya sa akin. Humarang Siya sa aking harapan.
Napatigil ako at pilit na pinakalma ang aking sarili.
"Yunique? Galit kaba? " tanong niya.
"H-ha? Hindi ah. B-bakit naman a-ano magagalit? " Tanong ko pa.
Tumango ito.
"Ah, akala ko lang kasi. May kasabay ka bang umuwi? " Tanong niya ulit. Umiling ako kaagad.
"Wala e. Hindi ko kasi Alam kung sabay ba kami ni Zed o hindi. " pagkasabi ko ng pangalan ni Zed, kitang-kita ko kaagad na nagseryoso ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
The Dreamer's Dream(Z Series #2)
Teen Fiction"I liked to dream. Dream about our future." Eunice Queen Zamora never imagined to fall for his childhood bully. Bata pa lang ay ayaw niya na sa kaniya ngunit sa isang iglap, nagbago lahat nang mag-sorry ito sa kaniya. They became friends and suddenl...