Chapter 22

2 1 0
                                    

Chapter 22

"Oh, anyare? " takang tanong ni Ave nang makabalik Siya sa aming puwesto. Kaagad akong humiwalay kay Zed at pinunasan ang luhang nasa pisnge ko.

"W-wala. " sagot ko.

"Eh, bakit ka Umiiyak? " tanong ni Ave habanh binibigay sa amin ang aming pagkain.

"Nah ah, nagp-practice lang Siya sa roleplay. " sabi ni Zed. Kinuha ko ang aking kutsara at tinidor.

"Roleplay? Wala naman kaming ganun na act eh. " sabi pa ni Ave.

Napakamot ng ulo si Zed.

"Ang dami mong tanong! Balak niya atang sumali sa club at nagp-practice Siya sa akin. Kaso sabi ko ang pangit niyang umiyak kaya Ayon, hindi nalang Siya sasali. " saad ni Zed. Sinapak ko ito dahil sa inis. Pagtatakpan na nga lang ako, manlalait pa.

"Kainis ka! " sabi ko rito.

"Kumain na nga kayo! Ako ang nais-stress sa inyo eh. Alam mo, Yunique. Nakakatampo ka! Mas close na kayo ni Zed kaysa sa akin. " saad ni Ave at bahagya pang Ngumuso.

"Asus, hindi naman kami Masyadong close ni Yunique e! Slight lang! " giit ni Zed at nagsimulang kumain.

"Pakiramdam ko tuloy, pinagpapalit mo na ako! " ngusong saad pa ni Ave. Hindi ko mapigilang hindi Tumawa doon. Umilangawngaw iyon sa buong cafeteria kaya naman napatingin sa amin ang ibang estudyante na nandoon. I wonder, tumingin din kaya si Kuya Nyx?

"Pakiramdam mo lang 'yun! Syempre, ikaw pa din ang Bestfriend ko! " sabi ko pa.

"Bestfriend pero hindi nags-share sa akin ng mga problema niya. " saad niya. Napatahimik ako. Hindi ko alam kung Dapat ko bang sagutin iyon o kung Ano bang isasagot ko kung sakali.

"Aveahlyn Xezine Travis! Ang daldal mo! Ano bang is-share ni Eunice sa'yo e wala naman siyang problema. " sabi ni Zed. Buti na lang. Saviour ko Siya.

"Sus, kumain na nga lang tayo. " saad ni Ave. Kumain na kami at hindi ko na din pang Tinitigan Sila Kuya Nyx at Trixie. For sure, hindi naman siya pinapagutuman ni Trixie e.

Kung gaano niya kabilis akong makalimutan, ganun ding kabilis natapos ang lunch at ang aming klase. Ngayon, nasa locker ko ako at iniwan ang iilan Kong gamit. Pagkatapos nun ay isinara ko na ang aking locker nang biglang may mapansin akong sticky note doon.

'Smile, Yunique. Smile. '

-Arzaih

Akala ko kung Ano na ang nakasulat doon. Inis Kong inalis iyon at tinapon sa basurahan. Tumalikod ako pero Agad ding napaharap sa trash can. Kagaya ng sticky note na nakalagay sa locker ko, ganun din ang kulay at size nun. Hindi Siya nilukot o kung Ano pa man. Kitang-kita ko din ang note doon.

'Meet me at the park if you're not Mad. '

-Nyx

Napabuntong-hininga ako nang mabasa ko iyon. Umalis na ako at hindi din nag-abalang puntahan si Nyx sa Parke. Baka mamaya, magulat na lamang ako at kinabukasan ay susugudin nanaman ako ni Trixie. Hinawakan ko ang strap ng aking bag at nagtungo sa main gate ng aming school.

Tahimik akong naglalakad hanggang sa napahinto ako dahil Nakita ko ang isang pamilyar na tao na mukhang may inaantay doon. Nagpalinga-linga ako. Wala nang Masyadong estudyante sa paligid. Balak ko sanang dumaan sa Isa pang gate nh school namin para hindi niya ako makita pero sa ganitong oras, mukhang nakalock na iyon.

The Dreamer's Dream(Z Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon