Chapter 43
Pinakamasayang pangyayari sa buhay ko?
'Yung naibalik 'yung dati naming pagkakaibigan.
Pure friendship lang, walang halong awkwardness.
"Talaga? Edi maganda! " Masayang wika ni Ave nang kausap ko siya sa telepono.
Kinwento ko sa kaniya ang lahat ng mga nangyari sa buong buwan. Halos siya ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ko sa kaniya.
"Hmmm... " I said.
"Pero huwag mong walain sa isip mo na parehas silang may gusto sa'yo. Maybe, hindi na nila pinapakita sa'yo na halos magpatayan sila para sa'yo, " dagdag niya.
I stopped.
Parehong may gusto?
"Ave, si Zed lang ang may gusto sa akin, " pagtatama ko.
"Anong si Zed lang? Bulag ka ba Yunique? Ikaw na nga itong nagsasabi na nagseselos si Nyx kay Arzaih! Tapos, iba din siya pagdating sa'yo! " She said.
Napanguso ako.
"We can't say that easily, Ave. Malay mo, gano'n lang talaga siya sa akin. You know, we're childhood bullies and isa pa, napaka-labong mangyari 'yang sinasabi mo. "
She groaned.
"Ewan ko ba sa'yo kung nagbubulagbulagan ka ba o nagmamanhid-manhidan. Alam kong nasasaktan ka na ni Nyx, okay? Maybe hindi siya aware kasi na may feelings ka para sa kaniya. Kung ako kasi sa'yo sabi- "
"No way! Basta, ayaw ko nang isali sa usapan 'yung feelings ni Zed para sa akin na hindi ko magawang suklian at 'yung feelings ko rin kay Nyx na hindi niya rin magawang suklian, " tugon ko.
"Ang galing din talaga ng tadhana ano? Pero, kung ako sa'yo, kay Zed ka nalang. "
I bit my lip.
Gustong-gusto kong sabihin kay Ave na sana nga si Zed nalang. Sana nga siya nalang talaga. Siguro ngayon, hindi ko 'to mararanasan.
Hindi ako masasaktan.
Hindi ako aasa.
Hindi rin ako mangangarap.
Kasi baka lahat ng mga tumatakbong iyon sa isipan ko ay mangyari kasama si Zed.
Kung bakit ba kasi ako nahulog sa taong hindi naman ako gusto.
But, do I need to blame myself?
No. Kusa lang din naman kasi...
"Kung ako sa'yo, bumalik ka na dito, " pag-iiba ko.
"Oo, soonest! "
"Sige, sabi mo. I'll hung up. Madami pa akong gagawin, bye! "
"Bye! "
She ended up the call first.
Nagkibit-balikat na lamang ako at bumalik sa aking ginagawa.When I was able to reach my things, nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng aking kuwarto.
Nagpakurap-kurap ako.
"Come in, " I said loudly.
Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Kuya Zayne.
He's looking at me serious na para bang may nagawa nanaman akong mali at malalagot ako sa kaniya.
Kung ako pa ang dating Yunique na sunod-sunuran sa kaniya, matatakot na kaagad ako sa tindig niya sa akin ngunit, iba na ako ngayon.
Habang tumatagal kasi, nagiging rebelde na ako kay Kuya. Lahat ng mga ipinagbabawal niya sa akin ay sinusuway ko na. Wala na ako g paki pero kasi, sumuaobra na siya. Kung tutuusin, hindi nga alam ng mga magulang ko ang mga ganiyang patakaran niya sa akin. Hindi rin naman mahigpit sina Mama at Papa sa akin, maluwag sila. Siya lang ang hindi.

BINABASA MO ANG
The Dreamer's Dream(Z Series #2)
Novela Juvenil"I liked to dream. Dream about our future." Eunice Queen Zamora never imagined to fall for his childhood bully. Bata pa lang ay ayaw niya na sa kaniya ngunit sa isang iglap, nagbago lahat nang mag-sorry ito sa kaniya. They became friends and suddenl...