Chapter 33

2K 61 7
                                    

"Oh my god, Cairish! Sinasabi ko na nga ba masamang  idea iyon e! Ano bang nangyari sa'yo!" 

Hindi ko sinagot si Merian at agad na yumakap lang sa kanya. Bahagya pa siyang natigilan sa ginawa ko pero gumanti rin naman siya ng yakap nang humikbi ako at ibinaon ang aking ulo sa kanyang balikat. 

Fuck. Ang sakit. Everything fucking hurts, and the person that I was expecting to be my strength despite the shits is one of the reason why I am hurting. 

"Shh. Tahan na. Ano bang nangyari sa'yo? Ang sabi ni Doudge nag-text ka ng back up pero pagpunta niya sa inyo sina tita na lang ang nandoon. What really happened, Cai?" I felt her caressing my back. 

Hindi ako sumagot at humikbi lang nang humikbi. I just don't think I could explain right now. I am so tired and hurt. I just want to cry. Baka sakaling mawala itong lahat pa iniyak ko. Sana nga ganoon lang kadali. Gaya noong mga bata pa kami, pag nasugatan, iiyak mo lang. The wound would eventually heal. Pero ngayon? Kahit yata anong iyak mo, mahirap pawiin ang sakit at sugat. There are wounds that would eventually heal, but there are those who stay for lifetime.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakayakap kay Merian. Basta namalayan ko na lang na iginiya niya na ako papunta sa couch namin. Pumasok na lang din ako sa kwarto ko.

I feel so exhausted that I didn't even move a finger. Parang feeling ko noon lang ako nakapagpahinga nang matagal simula noong nangyari ang lahat ng ito. 

I stayed on the bed until dinner. Si Cali na nga ang nagluto at lahat. Well hindi ko alam kung nagluto nga siya kasi nandoon pa naman sina Merian at Doudge. Hinatiran lang ako ng aking kapatid ng pagkain so hindi ko rin alam kung anong oras silang umalis. 

After eating, I ended up just staring at the ceiling until I finally drifted to sleep. 

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sinag ng araw. Kusot-kusot ang aking mata ay bumangon ako. 

"Hi, morning." Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Cali na nagtatali ng kurtina. Kaya naman pala lumiwanag. 

Nag-indian sit ako sa kama at humikab. Bumaling sa akin si Cali at lumapit. 

"Nasa dining na sina Merian. Lika na?" Ngumiti siya. Kumunot ang noo ko.

"Nandito na naman sila?" tanong ko. She chuckled and then shrugged.

Nauna siyang lumabas. Bumuntong-hininga na lang ako at bumaba na ng kama para sumunod na rin. Naghilamos lang mun ako at toothbrush tsaka sumunod sa kanila. 

Just like what Cali said, nandoon na nga sina Merian, Doudge at Rhaia sa dining.

"Hey! Kain na tayo!" aya ni Rhaia pagkakita sa akin. Umupo ako sa tabi ni Cali.

"Who cooked?" tanong ko nang makita ang napakaraming breakfast food sa lamesa. Ngumisi nang malapad si Rhaia.

"Ako!" proud niyang sabi. Naningkit ang mga mata ko.

"O? Anong meron?" Nagkibit-balikat lang siya.

"Hmm wala naman. We're just so stressed these days kaya siguro naman okay lang mag-relax ng utak di ba? We can do it through eating!" Napailing ako. Ay ewan ko sa trip niya.

"By the way, si Blake pupunta mamaya rito, Cai. Sorry raw busy na busy lang siya sa firm,"sabi ni Merian. Tipid akong ngumiti.

"Okay lang. I understand." 

Nagsimula na kaming kumain. It was awkward and silent. I sighed. Kahit naman siguro sinong tao ang nandito sa posisyon namin, hinding hindi babalik sa normal habang nasa ganitong sitwasyon. I understand what Rhaia meant, sadyang hindi lang talaga sumasang ayon ang sitwasyon. One thing is for sure, babalik lang kami sa dati pag natapos na ito. 

School of Law #1: Burdened (COMPLETE - TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon