Hindi ko alam kung dahil ba preoccupied kaming lahat sa mga gawain kaya hindi namin napansin na palapit na ang midterms namin.
Kung yung everyday namin hell na, hindi ko na alam kung anong tawag sa pa-midterm week. Oh gosh. Para nga kaming tanga na nag-ka-counting ng days bago mag-midterm.
Ito pa, I needed to finish a bulk of digest for Consti 1 kaya syempre nagpuyat na naman ako. Luckily, I was able to finish naman, but the next day I woke up with a massive headache and a dry throat.
Damn.
Nakagat ko ang aking labi habang pinipilit na tumayo.
Ugh! This is frustrating.
"Cai?" Dahan-dahan kong nilingon ang pintuan.
Pumasok si Cali roon, kunot na kunot ang noo.
"Okay ka lang?" tanong niya at lumapit sa akin.
Nasapo ko ang aking noo at napasandal sa headboard. Shocks. Ang sakit talaga.
"Water, please..." mahinang sabi ko dahil talagang nanunuyo na ang lalamunan ko.
"Teka, anong nangyayari ba sa'yo?" Inabot niya ang tubig sa akin.
Dahan-dahan naman akong umayos ng upo. Napangiwi pa ako dahil parang nahihilo ako. Damn it.
"Ang sama ng pakiramdam ko," kagat labing sabi ko bago ibinalik sa kanya ang baso.
Agad naman siyang umupo sa kama. She touched my forehead and sighed.
"May lagnat ka," sabi niya pa.
Ngumuso ako at nag-slide na ulit pahiga. Inayos ko yung comforter ko at nangtalukbong ulit.
Damn it.
"Kuha kitang gamot, ha. Wait ka lang diyan." I heard Cali.
Binaba ko yung comforter at tiningala siya.
"Phone ko please? I just need to call someone."
Bumuntong-hininga siya at inabot sa akin ang phone ko.
Tipid lang akong ngumiti at kinuha iyon.
I dialled Des' number and placed the phone on my ear before I closed my eyes.
After three rings, sinagot na niya.
"Can't come to the review," I said.
"Why?"
I sighed and coughed a bit. Shit. Ayan na nga ba, e.
Hindi agad ako nakasagot. Pilit akong bumangon at inabot ang tubig na nasa bedside table.
"Caish?"
Huminga ako nang malalim bago umayos ng upo at ibalik ang tubig sa bedside table. Napapikit ako. Gosh. I really don't feel good.
Ni-loud speaker ko si Des at hinayaan ang phone ko sa kama habang ako ay sumasandal sa headboard.
"Got a massive headache," mahinang sabi ko at saka lumunok para i-check kung okay na ang lalamunan ko.
I just groaned when I feel its dryness again. I reached to the water again. Ugh. I hate this.
"Are you at home?" I heard him.
Suminghot ako at naubo na naman.
"Y-Yeah. Cali's taking care of me. Pasabi na lang kina Merian," bilin ko na lang.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabila.
"Kayo na lang mag-review. Mag-re-review lang din ako rito pag okay na ako," sabi ko ulit.
BINABASA MO ANG
School of Law #1: Burdened (COMPLETE - TO BE PUBLISHED)
General FictionStepping into Clarke School of Law, Cairish was one of the most envied girl in school. Who would've not wished to be in her shoes anyway? Her mother's the President's family lawyer and her father is a renowned Regional Trial Court judge. Her mother'...