It's monday and Des texted me na susunduin niya raw ako ng maaga, gaya ng napag-usapan namin. Our subject is crim 1 so iyon ang ire-review ko ngayon.
"Cairish, nandiyan iyong kaibigan mo. Sinusundo ka na raw." Mabilis akong uminom ng tubig at saka tumayo.
Agad namang napatingin sa akin sina mommy.
"Mom, I'll leave early kasi we'll be reviewing," I said. Hindi pa rin nawala ang mga tingin nila. Lalo na ni Cali.
"Sinong friend susundo sa'yo?" tanong ng kambal ko pero lahat sila naghihintay ng sagot. Napairap na lang ako.
"Si Des. We're blockmates and we're kind of in the same squad now." I shrugged. Inirapan ko na lang ulit iyong mga makahulugan nilang mga tingin. Gosh, this family!
"I'll go ahead na, mommy," I said and kissed them each on the cheek.
Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at tumakbo na palabas.
"Hi!" I greeted him when his head bodyguard opened the backseat. Naabutan ko siya roong nakaupo at naka airpods.
Nilingon niya ako. Joe closed the door behind me.
"Hey, morning," he greeted back and kissed me on the forehead. Napapikit ako at tipid na ngumiti.
Guess dapat na akong masanay sa ganyang gestures niya. Sinita ko na siya diyan pero tinawanan ako. Gago din to, e. Halatang halata tuloy kami sa school, kahit na wala pa naman talagang kami.
"Hindi ba susunod sina Merian?" tanong ko at saka sumandal sa likod ng upuan. He shrugged.
"I don't know." Tumango tango ako.
Rush hour kaya medyo traffic papuntang Clarke. Kinalikot ko na lang ang aking cellphone. Nilingon ko ang aking katabi na seryosong nakatingin sa kanyang cellphone. Napanguso ako at kinalabit siya.
"Picture tayo," sabi ko sa kanya at itinutok ang camera ng phone ko sa aming dalawa.
He immediately snaked his arms around my waist. Ngumiti ako. Inilapat niya naman ang kanyang labi sa gilid ng aking ulo habang nakatingin sa camera, so hindi kita ang buo niyang mukha. Nag-iba pa kami ng pose. Sa huli, iyong unang picture ang pinost ko.
cairishflem • 12 s ago
law school bud 😎It was around 8:30 nang makarating kami sa coffee shop. We went to our usual spot in the coffee shop. I ordered the my usual drink and dessert. Siya naman ay coffee lang.
Bumili na kai ng Reyes book the last time before we bought supplies. Iyon kasi ang recommended book ng prof namin.
I looked at our syllabus and opened my book. I started reading and highlighted some words on it. Three hours ang klase namin mamaya kaya di ko alam kung anong magiging ganap namin.
Tahimik lang kami ni Des at kanya kanya kami ng basa. Pareho ring naka-plugged in ang mga airpods namin.
Noong nag-lunch lang kami lumabas ng coffee shop. Sinundo rin kami ng sasakyan niya. Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Why aren't you driving pala?"I asked. He shrugged.
"Don't wanna bring a lot of guards." Napatango ako.
Gets ko sinabi niya. Pag siya kasi ang mag-da-drive mas marami ang nakasunod sa kanya. Kung ganito namang may driver siya, halos isang sasakyan lang din kami kasama ng mga guards niya. Naka-disappear yata iyong mga naka-motor niyang convoy.
We decided to eat in a french resto. Sumunod din si Rhaia at Doudge sa amin kaya sabay kaming bumalik ng coffee shop after. Gusto ko nga sana sa law library na lang magpatuloy ng review but then for sure marami ng tao roon. Kahit yata sobrang aga punuan na iyon,e. Hindi ko tuloy alam kung anong oras nagpupunta ang mga estudyante roon.
BINABASA MO ANG
School of Law #1: Burdened (COMPLETE - TO BE PUBLISHED)
General FictionStepping into Clarke School of Law, Cairish was one of the most envied girl in school. Who would've not wished to be in her shoes anyway? Her mother's the President's family lawyer and her father is a renowned Regional Trial Court judge. Her mother'...