Des' birthday is fast approaching and so is first sem of third year kaya naman me and my friends decided to go out and relax. Nag-shop na rin kami ng supplies for the sem kasi hindi namin hilig mag-shop while classes are ongoing. Cafe, bahay at school na nga lang kami pag nagsisimula na ang klase e.
"Ano ba kasing ireregalo mo pa kay fafa Des, ha? Hello! Nasa kanya na lahat, te!" maarteng sabat ni bakla. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pamimili ng highlighters.
Bibilhan ko na rin si Des. Usually pink at yellow lang naman ginagamit niya. Nakakainis nga, e. Ako, I use a lot of colors for different terms and such, tapos siya dalawang colors lang? Ang unfair lang! Partida iyon lang talaga ginagamit niya in all textbooks and codals. Pati nga cases namin.
"Siguro itong supplies na lang." I laughed. Nalakumos naman ang mukha ni bakla. Hay whatever.
Actually di ko rin alam anong ibibigay ko kay Des. Hindi naman kasi siya materialistic. Ayaw niya nga sanang magparty sa mga birthday celebrations niya. Pinagbibigyan niya lang talaga mga kaibigan niya at ako. I'll ask him na lang siguro. Tsaka itong school supplies niya.
Napanguso ako habang namimili ng yellow pad. Sa huli, dinampot ko iyong Cattleya pad tsaka dalawang pack ng colored pilot g2 .7.
"Nasaan na ba si Merian? Patapos na tayo wala pa siya," reklamo ko habang dino-double check ang mga pinamili.
Pupunta pa kaming Rex Bookstore mamaya. We'll buy books for some of our subjects. Wala pa namang recommendations from the profs pero nagbigay na ang mga higher years namin ng books to use so basically baka iyon lang din ang irerecommend ng profs. May ibang profs din kasing choose your own books daw. Pag naman hindi iyong nabili namin ang recommended, binibili na lang namin ulit iyong recommended. Minsan kasi, I use two or more commentaries para ma-weigh ko ang explanation ng mga provisions. Mas maganda pa rin yung marami kang references.Though pinakagamit ko yung recommendations bale supplements na lang yung iba if ever.
"Hay nako! Malamang sa malamang sleeping beauty pa ang isang iyon! Jusko, nag overnight ba naman ng CLOY kagabi!"
Napailing na lang ako. Ewan ko rin sa pinsan kong iyon talaga e.
I looked at my wristwatch. Binalingan ko si Blake at kinuha na ang basket ko.
"Bayad na lang tayo. Text na lang natin si Merian."
Nagkibit-balikat si bakla at tumango. Pumila na kami. Medyo mataas pa ang pila dito sa NBS kaya sa dalawang lane kami pumila ni Blake.
After magbayad, natanga pa kami ni Blake sa labas ng NBS. We were debating kung pupunta na bang Rex o magsa-starbucks muna.
"Starbucks na lang siguro muna tayo?" suggest ko.
"Okay lang sa'kin. Tara na, bakla!" At hinila na niya ako papuntang starbucks.
Tumambay muna kami roon habang hinihintay ang pinsan kong kagigising lang. Mabuti na lang at nag-starbucks nga kami dahil nag-text ang magaling kong pinsan na magpapahintay raw siya.
"Shet, Cai, nakakaloka ang mga subjects natin this sem! Feeling ko wit ko nang kakayanin!" drama pa ni bakla habang nakatitig sa phone niya.
Napanguso ako. Kinakabahan nga rin ako,e. Iyong ibang subjects, binabasa ko pa lang dumudugo na utak ko,e.
"Magaling naman siguro si fafa Des dito diba?" hirit pa niya. I snorted. Leche namimihasa na itong baklang ito, e.
Palibhasa bar-bet kasi si Des at nakiki-hitch kami sa kanya pag nag-aaral kaya naambunan din kami ng blessings niya. Andaya nga, e. Kahit isang beses niya lang basahin iyong provisions, gets na niya. Tapos parang supplementary na lang ang mga commentaries. Palibhasa from family of lawyers tapos politicians pa. Apply na apply.
BINABASA MO ANG
School of Law #1: Burdened (COMPLETE - TO BE PUBLISHED)
General FictionStepping into Clarke School of Law, Cairish was one of the most envied girl in school. Who would've not wished to be in her shoes anyway? Her mother's the President's family lawyer and her father is a renowned Regional Trial Court judge. Her mother'...