Chapter 26

2K 65 15
                                    

Kinabukasan ay maaga ang naging flight namin. I felt numb during the whole flight. Hindi na ako tumawag sa Manila. I already instructed Hellion anyway. I turned off my phone. Doudge was the one making calls. Hindi ko narinig pero sure akong si Hellion ang kausap niya. Ang sabi niya lang ay okay na raw ang lahat. We weren't able to use their private jet dahil nagka-conflict sa schedule kaya naka-regular flight kami.

Nakahawak lang ako kay Cali buong biyahe sa ere. Blanko ang isip ko. Wala akong ibang iniisip kung hindi ang mag-file na ng kaso at isupalpal sa mga magulang ko ang kagaguhang ito. I still cannot believe what they did. Habang iniisip ko iyon, mas lalo akong nagagalit. Fuck it. Just fuck everything else!

When we arrived at NAIA, sinundo kami ng service nila Doudge. 

Pinauna ko sa loob si Cali. Binalingan ako ni Doudge.

"Nasa office of the prosecutor na si Hellion. Hinihintay na tayo."

Huminga ako nang malalim.

"Sa bahay tayo. I want to confront my parents first." I felt my sister's eyes on me.

Tinitigan ko lang siya at tinanguan.

"Tell Hellion to wait, first," I said to Doudge.

Tumango siya.

Buo na ang desisyon ko. No one can change my mind. Not even Caleiah. Nauna akong pumasok ng sasakyan. Sumunod naman si Doudge.

"Manong, Forbes. Sa mga Castilleja," aniya lang dito.

Sumandal ako sa backrest ng upuan.
We were silent the whole ride. Halos aircon na lang nga ang naririnig namin sa buong sasakyan. Nakatitig lang ako sa harapan. Ni hindi ko nga namalayan kung na-traffic ba kami o ano. My mind is just so clouded. The next thing I knew, papasok na kami ng village tapos ay natatanaw ko na ang gate ng bahay namin.

Parang naging triple ang kaba ko nang nag-park ang sasakyan nina Doudge sa labas ng gate. Bumuntong-hininga ako.

"Open the door," utos ko kay Doudge.

Bumuntong-hininga siya.

"Cai, wait," he said.

"What?"

Bumuntong-hininga siya.

"Please calm down." 

Sandali lang akong napatitig sa kanya.

"I will try but I won't promise," mariing sabi ko. Para akong sasabog. Wala na akong ibang makapa sa sarili ko kundi galit.

I looked at him.

"I need you to promise me one thing though," I said.

Kumunot ang noo niya.

"Ano yun?"

"I need your help. I know you're already helping and I am beyond grateful. But this is war, Doudge. I am about to throw my parents away. I need protection and assurance. Please, help me."

Alam ko ang mangyayari oras na ginawa ko ito. I am still new in the field. I don't have connections to myself. Kung meron man dahil yun kina Mommy at Daddy. But with what they did? I am determined to fucking get away from them. I have my money, but I will need more connections kaya kakapalan ko na ang mukha ko sa paghingi ng tulong kay Doudge.

Huminga siya nang malalim at saka tumango.

"I don't turn my back on my friends, Cai." Bahagya siyang ngumiti.

I took a deep breath.

"Thanks. Babawi ako, pangako. Babawi ako sa mga tulong mo."

"Tss. Just win this. Our friends will help. I'm sure."

School of Law #1: Burdened (COMPLETE - TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon