"Congratulations, Prosecutor Castilleja!" Agad akong napatakip ng bibig nang biglang pumutok ang party popper na hawak ni Doudge.
"Oh my gosh! Congrats!" sigaw ni Rhaia at agad na tumakbo sa akin.
Natawa ako at niyakap din siya. Sumunod naman sina Merian. I looked around our house. Halos lahat ng ka-opisina ko sa PAO nandoon. Iyong mga friends ko present din. Even my cousins sa side nina Tito Joaquin.
"Thank you, thank you," malapad ang ngiting sabi ko sa kanila.
It's the best day of my career I supposed. I just got accepted in the prosecutor's office after two years of being in the PAO. Dream come true it is. I cannot even believe it. Parang di pa nagsi-sink in.
"You deserve it, Prosecutor Castilleja." I smiled at Cassia who was very pregnant. Tumawa ako at niyakap siya nang mahigpit.
She has been a great adviser to me and I am so lucky to be her student.
"Teka, iyong tiyan ko naiipit," reklamo niya. Agad naman akong napaatras.
"Ay sorry! Gosh ang laki na pala! Due mo na ba?"
Tumawa siya. "Hindi pa. Next week pa kami magpapa-admit."
Napangiti ako at binalingan ang kanyang asawa na busy sa pakikipag-usap kina Doudge. After that case, naging kasali na rin yata sa grupo namin sina Atty. Escueda. Turns out sila nga pala talaga. They got married two years ago. That was their first wedding iyong formal na ay last year lang. Nagmamadali raw kasi si atty. kaya ayon nakapagpakasal sila ng wala sa plano.
"Ang swerte mo kay Atty." I commented. She laughed and shook her head.
"You could say that. Swerte nga kami na sa kabila ng mga nangyari sa amin, kami pa rin ang nagkatuluyan." Ngumiti siya. Tumango-tango ako.
Na-kwento nga niyang hindi naging madali ang kanilang relasyon. It has something to do with work pero hindi na ako nang-usisa kasi storya naman nila iyon.
"Shall we eat? Baka nagugutom ka na," sabi ko at giniya siya papunta sa buffet. Agad naman siyang inalalayan ni Atty. Escueda pagkakita sa kanya.
Napangiti na lang ako habang inihahatid sila ng tingin.
"Inggit ka?" Sinamaan ko ng tingin si Doudge.
"Shut up." Tumawa ang loko. May kinuha siyang isang paper bag at inabot iyon sa akin.
"Wow! May pa-gift Legaspi. Himala, a!" asar ko sa kanya. Tumawa lang ulit ang loko. Binuksan ko iyong paperbag.
"Hindi sa akin galing iyan. He's back." I heard him say.
Hindi agad ako nakagalaw sa sinabi niya. Nagkibit-balikat siya. Bumuntong-hininga ako at nilabas ang isang heart box ng ferrero na may letter.Hindi ako nakapagsalita.
I felt my heart skipped a beat. Other than that, parang may karayom na tumusok na naman doon.
Fuck.
Nag-iwas ako ng tingin. Nilapag ko yung box ng ferrero sa malapit na lamesa.
Narinig kong bumuntong-hininga si Doudge.
"He'll be working in our firm, Cai."
Hindi pa rin ako nagsalita. Parang may nagbara sa lalamunan ko.
"Cai, kain na tayo."
Muntik pa akong mapatalon nang may biglang humawak sa aking braso. Nilingon ko iyon.
Tinaasan ako ng kilay ni Merian.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Bumuntong-hininga ako at mabilis na tumango. I flashed her a small smile.
BINABASA MO ANG
School of Law #1: Burdened (COMPLETE - TO BE PUBLISHED)
General FictionStepping into Clarke School of Law, Cairish was one of the most envied girl in school. Who would've not wished to be in her shoes anyway? Her mother's the President's family lawyer and her father is a renowned Regional Trial Court judge. Her mother'...