Chapter 38

2.2K 59 5
                                    

I stared at my ticket and luggage as my flight to cebu was called. Bumuntong-hininga ako at tumayo na. I put on my shades on and carried my luggage.

It's been a month since I started working. The money that I am spending for this short trip to Cebu was from my funds. Hindi ko naman ginastos lahat. Nag-deposit ako para sa joint account namin ni Cali para sa panggastos. Then kumuha lang ako ng para rito sa two-days vacation na ito. 

It's a weekend vacation only. Feeling ko lang kasi kailangan ko ito pagkatapos ng lahat ng nangyari. Ngayon ko nga lang nagawa dahil sobrang busy lang din sa work. 

"Welcome to Cebu Pacific! May I see your boarding pass please." Inabot ko ang aking pass sa attendant.

"Thank you, maam. Enjoy your flight!"

"Thank you."

Tumuloy na ako sa aking assigned seat. Thankfully nasa tabi iyon ng bintana. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa upuan. It's the perfect time to relax. I shouldn't be worried of anything now. 

The flight was just about 30- 45 minutes. O inabot ng oras. Hindi ko na namalayan actually. Pagkarating ko sa mactan ay pumara agad ako ng taxi para magpahatid sa hotel ko. I chose the hotel near SM City para madali sa akin ang makapag mall kapag may kailanganin ako. Isa pa nasa gitna ito ng city kaya madali ang access sa lahat ng lugar na gusto kong puntahan. 

"Here is your room card maam."

"Thank you."

Nginitian ko ang receptionist at tinanggap ang aking key card. Tinulungan ako ng bell boy nila na iakyat ang bagahe ko. Pagdating namin sa tapat ng room ko ay pinasalamatan ko siya at saka ako pumasok sa loob.

The room was spacious. Sakto lang sa isang tao pero hindi naman ganoon kasikip. Bumuntong-hininga ako at tinulak ang aking luggage sa gilid ng kama. Umupo ako sa kama at humikab. 

As much as I want to unpack and be productive, parang mas gusto ko yatang magpahinga na lang muna. Maaga pa naman. May time pa akong mag-stroll mamaya. I cannot travel to far places as of now due to time constraint. 

May gusto kasi akong puntahan na lugar dito. Hindi ko pa napupuntahan noong dito pa kami naka-base ni daddy kasi kung hindi ako busy sa pag-aaral, sa Manila naman kami. Pero baka bukas na lang ako magpunta roon. I still need to ask on what transportation to use in going there. Baka mag-rent na lang din ako since I think walang public transportation papunta roon. 

Humikab ulit ako at nag-unat bago tuluyang nahiga sa kama. Tinanggal ko ang aking sneakers at binato na lang iyon kung saan bago gumulong sa ilalim ng comforter. I got one big pillow and hugged it tightly. 

Kapagod.

~***~

I woke up at around 11 am, thanks to my alarm. Humikab ako at nag-unat unat. I looked at my phone and checked for Cali's message. Nag-reply lang ako saglit bago tumayo at kinuha ang maleta ko. I started unpacking and preparing my clothes for today. 

I could go out with what I'm wearing but I feel like nanlalagkit ako sa hangin sa Manila kaya magbibihis ako. 

After putting my clothes in the closet, I immediately went to the bathroom. Nag-shower lang at saka nagbihis na rin. I decided to go to SM for lunch. Katabi lang naman ng hotel ko kaya nilakad ko na lang. I was craving for some pizza kaya sa greenwich ako nag-lunch. Pagkatapos ay nag boutique hopping na lang ako. Last kong pinuntahan ang National Bookstore. 

Napapangiti na lang ako nang mapasadahan ko ang display ng mga highlighters. I remember a lot of things. Naalala ko kung gaano ka kalat ang mga lamesa namin tuwing nagre-review at naalala ko rin kung paanong dalawang highlighters lang ang ginagamit niya sa tuwing nagre-review kami.

School of Law #1: Burdened (COMPLETE - TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon