Chapter 7

104 6 21
                                    

Damon's Point Of View

I'm still sick, fuck you Brandon! Ngayon sana kami lalabas ni Nathaliah pero dahil sa'yo naudlot ang plano ko. Ayoko munang isipin ang ganitong bagay dahil gusto kong gumaling agad. Dapat naghahanda na ako para sa lakad namin ni Nathaliah pero eto ako nakahiga.

"Aalis ka?" Tanong ko kay Brandon ng makita siyang nakapang-alis.

"Oo! Monthsarry namin ni Roselle," sagot niya.

"Magaling," sarkastikong sabi ko.

Hindi ako sanay na walang kasama sa bahay kapag may sakit ako. Kapag may sakit kasi ako para akong prinsipe na sinusunod nila lahat ng gusto ko. Wala akong kasama mamaya, imbis na magpapahinga na lang ako kililos pa ako para sa sarili ko.

"Huwag kang magalit sa akin, my friend. May tinawagan na ako para mag-alaga sa'yo," sabi niya.

Nakita ko siyang nakangisi sa akin. Sino naman 'yon? Sakit lang ata ang ulo ng dala non. Mas ok na mapag-isa ako kaysa may makasama na hindi ko kakilala.

Sino ba 'yon?

"Sino?"

"Kilala mo siya," ngumisi siya habang nakakunot ang noo ko.

May namumuong ideya sa akin. Mukhang si Nathaliah ang tinutukoy niya. Wala namang iba pang nakakakilala sa akin bukod sa kanila. Hindi naman kasi ako pala-kaibigan e. Kung sino lang ang kakausap sa akin, sila lang din ang kakausapin ko. Bihira ako mag-approach sa iba.

"Si Nathaliah?"

"Sino pa ba?" Binalik niya sa akin ang tanong.

"Tang-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may kumatok sa pintuan.

"She's here."

Nakahiga pa rin ako, tinabunan ko ang sarili ko ng kumot. Ayokong makita niya akong ganito ang lagay. Kahapon wala ako sa sarili ko kaya hinahayaan ko lang siya. Ngayon magaan na ang pakiramdam ko pero hindi pa ako magaling.

Binuksan ni Brandon ang pintuan narinig ko ang mga yabag ng paa ni Nathaliah. Hindi ko alam pero parang tumalas ang senses ko sa nangyayari sa akin. Kinakabahan ako, hindi ko maipaliwanag kung bakit. Hindi ako 'to.

"Damon, ok ka na ba?" Tanong kaagad sa akin ni Nathaliah.

Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa aking mukha para tignan siya. She looks good, she's my nurse for the whole day. She will spend her time with me, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong bata na nagsasakit-sakitan.

"Alis na ako, Enjoy Damon. Get well pala."

I raised my middle finger to him. Tumawa siya bago lumabas, kaming dalawa na lang ni Nathaliah dito. Hindi magandang iwan kaming dalawa dito. Ayokong isipin ng iba na magkasama kami dito. Wala dapat makaalam nito.

"Kumusta na ang lagay mo?" Tanong niya ulit.

"Ok naman," malamig na tugon ko sa kanya.

Hindi nagtutugma ang utak at puso ko. Gusto kong sabihin na 'huwag na siya mag-alala' pero hindi ko magawa dahil parang may kung ano sa akin na nagsasabi na huwag muna. Kailangan ko pa siyang kilalanin. Hindi pa ngayon ang tamang oras.

"Kumain ka na ba? Nakainom ka na ba ng gamot?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Yes," tipid kong sagot.

Tinanguan niya lamang ako, umuulan pa rin ngayon. Nilalamig ako, gusto kong magkape pero ayokong sabihin sa kanya na ipagtimpla ako. Tinignan ko ang kanyang mata bago siya tumayo. Hindi ko alam kung bakit siya lubos kung mag-alala sa akin.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon