Chapter 5

134 6 2
                                    

Biyernes na, medyo naging masaya 'yung ibang subjects namin lalo na 'yung Oral Communications. Half day lang kami tuwing Friday kasi lagi naming uwi ay 5PM iba-iba pa ng oras sa pagpasok. Nanghingi ako ng copy ng schedule namin kay Mr. Mendoza para hindi na ako tingin ng tingin sa phone ko para tignan ang schedule namin.

Nakakainis lang tuwing friday, 30 mins lang ang break namin tapos 30 mins lang din sa lunch. Alas dos uwian namin ngayon, nakatulala lang ako sa dinidiscuss. Naiintindihan ko naman pero bigla kong nakakalimutan. Ayoko ng science.

"Are you paying attention, Damon?" Tanong ni Nathaliah.

Tinanguan ko na lamang siya, hindi ko pa rin kasi makalimutan 'yung sinabi ni Marcus. Hindi na inayos ni Mr. Mendoza ang seating arrangement, gusto niyang kumapal ang mga mukha namin dahil kailangan daw non ngayon Senior High.

"Seryoso? Para ka kasing tanga d'yan na nakatingin sa Ceiling Fan."

"Oo nga." Inis kong sagot sa kanya.

Mabilis lumipas ang mga oras at nagbreak na. May iniwang research sa amin si Ma'am Claire. Pasahan sa next meeting which is Tuesday next week.

Binatukan ako ng malakas ni Brandon, malakas talaga. Tinignan ko siya nang masama dahil sa sakit na dinulot niya sa aking ulo. Napahawak na lamang ako sa aking sentido upang masahiin 'to.

"Tangina mo, lagot ka sa akin mamaya." babala ko sa kanya.

"Para ka kasing tanga kanina, nakatingin ka lang taas. Kung di mo maintindihan, nagsulat ka na lang sana."

"Kung makapagsalita akala mo may naintindihan," singit ni Nathaliah.

Tinaasan siya ng kilay ni Nathaliah bago kami pingutin ni Nathaliah. Ano bang mga problema nila? Naiinis na talaga ako. Konti na lang siguro sasabog na ako.

"What the fuck!" Sabi ni Brandon kay Nathaliah habang hinahawakan ang kanyang namumulang tenga.

"Kaysa mag-away kayo d'yan. Samahan niyo ko sa baba, may nakita akong pogi!" paki-usap nito habang kinikilig.

Hindi ko alam kung bakit sumunod pa ako sa kanila. Gusto daw kasi makita ni Brandon kung pogi talaga. Ako naman ay walang pake kung sino man siya.

Nakarating na kami sa baba at naghanap na ng table para sa amin. Bumili muna si Brandon ng tanghalian niya kahit hindi pa naman lunch, hindi na raw kasi siya kakain mamayang lunch para makatipid dahil monthsarry daw nila ni Roselle bukas.

Si Nathaliah naman ayon bumibili kasama 'yung lalaking 'yon. Naglalakad na sila papunta sa akin, ang kapal naman ng mukha niyang dalhin pa 'yun dito. Tsk.

"Stephen, this is Damon. My friend..." Pagpapakilala sa akin ni Nathaliah. "And Damon, this is Zephyrus Stephen Sandoval."

Inalok niya ang kanyang kamay sa akin, tinanggap ko lamang iyon ng walang pag-aalinlangan. He's tall but I'm taller. May suot siyang salamin, bagay sa kanya iyon. Hindi siya nagmumukhang nerd para siyang garapata na nakadikit kay Nathaliah.

"And this Nathaliah, my pet." Pagganti ko sa kanya.

Tinignan ako ni Nathaliah nang masama, tinaasan ko siya ng isang kilay. I told her that she will be my pet. Narinig kong napamura siya bago umupo. Alam kong hindi niya inaasahan na gagawin ko 'yon.

"Anong strand mo?" Tanong ni Nathaliah habang si Brandon ay nakapila pa nagpasingit pa kasi ng kaklase namin, uto-uto.

"11. STEM B." nabigla si Nathaliah habang ako kalmado lang.

Akala ko sa HUMSS siya dahil mukha siyang mag-aabogado sa tindig niya. Tinitignan ko lang siyang mabuti kahit na masakit ang ulo ko. Tinitiis ko lang kasi nakakahiya sa bwisita nitong si Nathaliah.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon