Epilogue

101 3 1
                                    

Nathaliah's Point Of View

"Ma, saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Mama.

Ang sabi niya isasama niya daw ako sa trabaho niya tsaka may kalaro naman ako kaya napapayag niya ako. Nakasakay kami ngayon sa tricycle papunta loob daw sa mansion. Kasing laki kaya 'yun nung nasa mga napapanood ko sa T.V.

"Maging mabait ka sa magiging kalaro mo ha!" Bilin sa akin ni Mama.

"Mabait naman po ako palagi e, promise po!"

Nginitian ako ni Mama at gano'n din ako. Nakatingin lang ako sa labas habang pinakikiramdaman ang hanging dumadampi sa mukha ko. Anlamig! Sabi ni Mama dalawa daw silang makakalaro ko kaso medyo matanda na daw 'yung isa, kasing edad ba siya ni Mama? Ay ewan.

"Ma-ma, para."

Bumaba na kami kasi nakarating na raw kami doon sa mansion, anlaki. Namangha ako kasi ngayon pa lang ako nakakita ng malaking bahay kagaya nito kaya napapanganga ako. Maliit lang kasi ang bahay namin kaya na-eexcite ako.

"Tara na, anak. Papakilala kita kay Ma'am Flerida."

Hinawakan ni Mama ang kamay ko papasok doon sa mansion. May damo pa sila sa bakuran nila, naaalala ko na hindi daw 'to totoong damo. Basta damo 'yun para sa akin. May mga flower pot pa sila pati flowers. Ang gaganda! Pipitas ako mamaya dito tapos iinumin ko 'yung tubig sa loob nung flower.

"Wow!"

Napa-wow ako sa laki nung mansion, ang ganda nung loob. Naglalakad kami ni Mama, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakakakita ako ng mga kawali at iba pang kasangkapan sa pagluluto. Baka kusina ang pupuntahan namin, maghuhugas lang ba si Mama? Ngek.

"Ma, maghuhugas ka lang ba dito? Bakit mo pa ako dinala?" Tanong ko.

"Gina! Nandito ka na rin, ito ba si Nathaliah?" Tanong nung matandang babae na mukhang may-ari nitong mansion.

Sana bigyan niya ako ng chocolate.

"Opo, Ma'am. Anak magmano ka," utos ni Mama.

Sinunod ko naman siya at nagmano ako doon sa matanda. Nakangiti siya sa akin kaso natatakot ako sa kanya kasi napapanood ko sa T.V. hindi mapagkakatiwalaan ang mga mayayaman kaya baka nagpapanggap lang siya. Hinimas niya pa ang buhok ko tapos kinurot ang pisngi ko, sabi na e, salbahe 'tong matandang 'to.

"Lola, where's Kuya Marcus?" sabi nung lalaking mukhang apo nitong matanda.

Nakatingin ako sa kanya, mukha siyang masungit tapos mukha pang mayabang. Pa-english-english pa akala mo naman nasa ibang bansa, ang arte ha. Tinignan niya ako pero inirapan ko lang siya. Akala ko pa naman mag-eenjoy ako dito, hindi pala.

"Damon, this is Nathaliah-"

"Lola, I'm not asking for her name. I don't need it, I need Kuya." sabi nung Damon.

Tadyakan kita d'yan e.

"Hoy, inaano ba kita ha?" Tanong ko kay Damon.

"Don't you have manners? Yaya Georgina is kind but you're not."

"Ha?! Pinagsasabi mo? Wala ka sa ibang bansa uy! Magtagalog ka!" utos ko.

Nakita kong pinigilan nung matanda si Mama para hawakan ako. Akala niya ata nakikipag-away ako. Nakikipag-away naman talaga ako, hindi porket mayaman sila eh ganyan na siya umasta akala niya palagi siyang nasa taas aba! Kapal niya ha baka sampalin ko siya.

"Mapa-tagalog o hindi, naiintindihan mo 'ko."

"Luh, tatanungin ba kita kung naiintindihan kita? Baliw ka ba ha?!" Sigaw ko.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon