Chapter 19

61 2 8
                                    

Nathaliah's Point Of View

Tomorrow na, hindi na ako makapaghintay. Nakahiga lang ako sa kama, gusto kong sumigaw sa sobrang tuwa. Akalain mo 'yun? Umabot na kami ng isang buwan. Sana magtagal pa, mali! Hindi sana kundi magtatagal pa talaga kami! Walang titibag.

Kinakabahan pa ako kila Mama baka ayaw nila kay Damon. Ipinakilala na ako ni Damon sa mga magulang niya, hindi man lang siya natakot o nahiya kaya dapat ganoon din ako kasi hindi niya ako ikinahiya. Alam na ng buong room na magjowa kami, may mga naging kaibigan na din siya. Hindi na siya masyadong tahimik nahawa na.

Hindi ako makatulog ngayon, sabi ni Damon doon daw kami sa dorm niya magcelebrate dahil 'yon din ang gusto ko. Ayokong masyadong espesyal ang ganitong okasyon dahil baka masanay ako gusto ko 'yung normal lang. Ang mahalaga, magkasama kami.

"Our love will last, Damon. Pangako."

Nakaramdam na ako ng antok kaya nakatulog agad ako. Sa sobrang excited ko ang aga kong nagising, alas sais. Eight hours naman ang tulog ko kaya ok na din. Naghanda na ako para mamaya. Nagjog lang ako tapos pagbalik ko gising na si Mama.

"Uminom ka na ba ng gamot mo?" Tanong sa akin ni Mama.

"Opo!" Masayang sambit ko.

Yinakap ko siya habang nagtitimpla siya ng kape. Gusto kong sabihin sa kanya muna dahil alam ko namang may pakpak ang balita at makakarating din 'to kay Papa. Wala naman silang problema sa pagjojowa ko basta unahin daw muna ang pag-aaral.

"Oh ano na namang kailangan ng bunso ko?" Tanong niya.

"Ma..."

"Hmm?" Tanong niya habang umiinom ng kape.

"May jowa na ako," sabi ko.

"Anong bago?" Tanong niya.

Bumitiw ako sa pagyakap sa kanya. Sanay na naman talaga sila na may ipinapakilala ako sa kanila pero wala pa akong dinala dito sa bahay. Umupo ako habang hinihintay 'yung sinangag ni Mama. Mamaya siguradong tatanungin niya ako kung sino? Gwapo? Mabait? Ganyan mga tanungan niyan e.

"Nathaliah, kumain ka na. Tigil-tigilan mo 'yang pagda-diet mo. Kain!" pangaral niya sa akin.

"Opo."

Sinimulan kong kumain, kaming dalawa lang ang nandito dahil namalengke si Papa tas si Ate may pasok ngayon. Magkabaliktad kami ni Ate, kung ako jowa ng jowa, siya naman walang naging jowa. Tatandang dalaga ata 'yun e, wala kasi siyang panahon sa mga ganoon.

"Gwapo naman ba?" Tanong ni Mama.

"Sabi ko na nga ba e, syempre naman."

Nginitian ako ni Mama habang kumakain ako. Hinawakan niya ang buhok ko para himasin 'yun. Sanay na akong ganito kami palagi at masaya ako na siya ang Mama ko. Wala akong ibang hihiling kundi sana humaba ang buhay ng magulang ko kahit hindi na ako.

"Matanda ka na! Samahan mo 'ko sa sementeryo mamaya!" sabi niya.

"Ma! Alam mong takot ako sa multo e," sabi ko.

Simula nung bata ako takot na talaga ako sa multo, hindi nga ako nanonood ng horror movies e. Naalala ko tuloy 'yung magkasama kami ni Damon, ipinakilala niya pa ako sa Lola niya medyo nahiya pa nga ako sa ginawa ko nun e. Kausapin ko ba naman Lola niya na akala mo close kami.

"May sikreto akong sasabihin doon!" sabi ni Mama.

Eto na naman kami, mahilig magchika 'tong si Mama e kaya palagi akong napapasama kahit ayoko. Tinanguan ko na lang siya, sayang nga trabaho ni Mama e. Umiyak pa siya no'n kasi wala na siyang trabaho halos isang linggo nga siyang nagkulong sa kwarto e. Naawa nga ako sa kanya nun e kung may maitutulong lang ako, tutulungan ko siya kaso na-aksidente kasi ako nung bata ako e.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon