Chapter 25

54 1 0
                                    

Alam na niya ang lahat, hindi man lang niya sinabi sa akin. Hindi ko naman siya masisi dahil nanay niya 'yon pero sabi niya tutulungan niya ako, tutulungan niya akong mahanap si Yaya pero hindi niya natupad pero hindi na iyon ang mahalaga dito.

"Kailan mo pa alam?" Tanong ko.

"On our 1st monthsarry. Sorry, Damon." She said.

Nginitian ko siya para patahanin, alam kong hindi niya 'yon ginustong ilihim sa akin pero ano bang magagawa niya? Pipili siya? Hindi tama 'yon, pamilya niya 'yon. Matagal na silang nagkakasama sa iisang bubong tapos ako sisirain ko, hindi tama.

"Matagal ko na siyang napatawad," sabi ko.

"Salamat, Damon. Maraming-marami! Sorry, ako na ang hihingi nang paumanhin."

Yinakap niya ako nang mahigpit, ramdam ko ang pagiging sincere niya kahit na hindi siya ang gumawa nang kasalanan. This is the reason why, I liked her. Lagi niyang pinipili ang iba kaysa sa sarili niya, mas gugustuhin niyang akuin ang kasalanan ng iba para sa sarili nilang kapakanan.

Hinahaplos ko ang buhok niya para patahanin siya para siyang bata pero kahit anong pilit kong biro sa sarili ko, tama ang narinig ko. May Leukemia siya, she's strong but her sickness is not simple. Tumulo ang hula ko pero pinunasan ko din agad dahil ayokong makita niya akong umiiyak.

"Are you feeling well? How's your condition?" I asked.

"Keri pa naman, hindi papa-chugi! Kanser lang 'to si Nathaliah ako." Biro niya.

Hindi ko napigilang hindi umiyak, paano niya pa nakukuhang magbiro? Hindi ba siya nag-aalala sa kalagayan niya? Nginitian niya lang ako. Sana gumaling siya, sana kayanin niya. Alam kong mahirap umasa pero aasa pa rin ako.

"Cry baby!"

"Please mangako ka na gagaling ka. Nakakayanin mo." sabi ko.

Tinawanan niya ako, humiga siya sa kama habang tumatawa. Gusto ko na lang din tumawa pero hindi ko kaya. Ganito pala pakiramdam kapag alam mong may taong posibleng mamatay lalo na't malapit siya sa'yo.

"Mukhang ako ang dapat na magsabi sa'yo n'yan..." sabi niya. Tumatayo na siya mula sa pagkakahiga at tinignan ako sa mata. "Can you live without me?" She continued.

"How can I?"

Yinakap niya ako bago siya pumunta sa C.R. nakaupo lang ako habang hinihintay siyang bumalik kaso naisipan kong sumilip sa bintana para suminghap ng hangin. Madilim na ang kalangitan, bakit sa tuwing may problema o sa bawat malulungkot na araw palaging nagbabadyang umulan? Nakikisabay ata sa emosyon namin.

"Nagkaroon ka ba nang kaibigan nung Highschool ka?" Tanong ni Nathaliah.

"Kaibigan? Nung elementary siguro." paliwanag ko.

"Ang sad naman, buti naging kaibigan mo si Brandon." sabi niya.

"Ikaw ba hindi ba kita kaibigan?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Hindi, jowa kita."

Ang hilig niyang magbiro. Napangiti na lang ako at tinuon ang atensyon ko sa bintana, gano'n pa rin madilim pa rin ang langit. Naramdaman ko ang palad ni Nathaliah sa t'yan ko. Yinakap niya na naman ako, mahilig talaga siya sa nga yakap e anong magagawa ko kung 'yun din ang pwede kong maibigay?

"Edi wala kang ginawa nung prom niyo?" Tanong niya.

"Anong gagawin ko kung hindi naman ako umattend?" Tanong ko.

"Edi wala ka pang naisasayaw?" Tanong niya.

"Yes, Miss Nathaliah Imperial can you be my first dance?" I asked formally.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon