Chapter 6

132 7 19
                                    

Nathaliah's Point Of View

What a beautiful morning! Like me. Chos! Bumangon na ako sa aking hinihigaan, this is it! Sana may pogi akong kaklase. Tumingin ako sa camera ng phone ko. Nagmessage sa akin si Brandon.

Brandon: Good Morning Bits! Gumising ka na tanga. Turuan mo 'ko mag-english mamaya ha! Mwaps!

Nathaliah: Ok, see you bitch.

Binaba ko na ang phone ko para maghanda sa klase. Nakakatamad pero exciting, pinili ko ang STEM dahil 'yun ang sabi nila Papa. Gusto nila ako magnurse, hinayaan ko na lang sila sa gusto nila. Gusto kong maging chef pero maliit daw kita kaya huwag daw.

Its still early pero kailangan kong kumilos dahil dalawang sakay pa ako at baka mahirapan pa akong sumakay. Unang klase din kasi nung pinasukan ko nung Highschool, nagsabay pa talaga sila.

Nagmadali akong maligo. Nakapagplantsa na ako ng uniform, kagabi pa sa dala ng excitement ko. Natapos akong maligo, naghanda na kaagad ako at bumaba. Hindi ako kumakain ng almusal para stay sexy. Sabi nila Mama na hindi pagiging sexy ang aabutin ko kundi ospital.

"Ma, alis na po ako!" Kumatok ako sa kwarto nila ni Papa.

"Sige! May baon ka na naman. Ingat!" sigaw ni Papa.

"Nathaliah kumain ka muna ha!" utos ni Mama. Sermon agad.

Hindi na ako nagsalita pa, alam na ni Mama na hindi ako kakain ngayon, matic na. Lalabas na sana ako. Nakita ko 'yung pinsan ko na nasa labas may dalang paper bag.

"Andyan si Tita Georgina?" Tanong ni Jose, 'yung pinsan ko.

"Nasa loob pa nang kwarto, katok ka na lang," sabi ko.

Naglakad na ako papuntang terminal, hindi na hassle kasi may tricycle pa at hindi na ako maghihintay ng matagal pa. Pumasok ako sa loob at nagbayad na, may pumasok na lalaki pamilyar siya... Julius, ex ko nung high school.

Tangina!

Hindi ko siya tinignan, mukhang hindi niya rin ako napansin dahil nakatingin lang siya sa labas. He is still handsome pero cheater. Ayoko ng ganong mga lalaki, yuck 'di marunong makuntento sa isa. Bullshit kayo!

Pagkababa ko ay binilisan ko ang paglalakad para hindi na kami magkita. Sumakay kaagad ako sa labas ng tricycle. Mabilis ang takbo kaya hindi ako malalate ngayon. Biglang may motor na dumaan sa gilid namin at nagbuga ito ng itim na usok, ambaho! Polusyon!

Bumaba na ako sa harap ng school. Huminga ako ng malalim, eto na! Sa bawat hakbang ko ibang saya ang nararamdaman ko. Para akong nasa tamang lugar, kung saan sasaya ako. Kung saan ko gugugulin ang natitirang taon ko o baka hindi pa. It hurts but this is the reality, I need to face it and accept it.

Bata pa lang daw ako mahina na ang katawan ko. May Leukemia ako, sabi nila Mama na malaking pera ang kailangan para makapagpa-chemo ako. Sabi ko sa kanila na huwag na nilang abalahin 'yun. Natanggap ko na sa sarili ko na mamamatay ako.

Kapag nagkita kami ni Kamatayan, papatayin ko siya para wala nang susunod sa akin. Tinignan ko ang kalangitan, sana d'yan ako mapunta balang-araw kahit na ganito ugali ko. Akala ng mabait ako pero ang totoo... mabait naman talaga, wild lang. Rawr.

Naalala kong nabugahan ako ng usok kanina, parang tanga kasi 'yung driver nung motor. Taeng-tae pumasok kuya? Pumunta ako sa Girl's Restroom saan pa ba pwede. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, I'm so beautiful pero maaga mamamatay. Chos!

Naghilamos ako kaso narinig kong sumigaw si Trisha na nandyan na daw si Mr. Mendoza. Napatakbo na lang ako, take note! Hindi ko pa napupunasan ang mukha ko! Ayoko namang mapahiya sa iba kong kaklase sa unang araw 'no.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon