Chapter 13

70 5 5
                                    

Sinamahan ko muna sila Marcus sa condo nila gusto kong makilala asawa niya. Nasa kwarto ako ni Claudius, inaantok na daw siya kaya sinamahan ko na muna dito dahil ayaw sumama sa Daddy niya. Tinabihan ko muna siya sa paghiga niya para mabilis siyang datnan ng antok.

"Uncle, don't leave me please,"

"I won't baby," I lied.

Kailangan ko siyang iwan mamaya dahil uuwi ako. Yinakap niya ang braso ko hanggang sa makatulog siya kinuha ko 'yung mahaba niyang unan na parang hotdog at 'yun ang pinalit sa braso ko. Tinignan ko lang siyang mabuti, buti 'di ako inantok.

"Hon, asan si Cloud?"

Lumabas ako sa kwarto ni Claudius para makita ang asawa ni Marcus. Ang sabi niya sa sasakyan ay hindi pa daw sila kasal. Bumungad sa akin ang isang matangkad na babae na naka-uniporme pang opisina. Nginitian ko siya at ganon din siya sa akin bilang respeto.

"He is Damon, my brother." Marcus formally introduced me.

"Nice meeting you, Damon." She said.

"She is Claudia Hermosa, my wife." Marcus continued.

May namuong ideya sa aking isip kaya pala Claudius dahil pinaghalo ang pangalan nila. Maganda naman ang kinalabasan kahit papano. Hindi na pumasok sa kwarto ni Claudius si Claudia nang makita niya itong mahimbing na natutulog.

Pumasok si Claudia sa kwarto nila ni Marcus at naiwan kami dito sa living room ni Marcus. Inikot ko muna ang paligid dahil hindi ko ito nalibot dahil karga ko si Claudius kanina. Hindi na nagpababa dahil masakit na daw ang paa niya.

"How's your girlfriend?" He started then he's smirking now.

"Are you stalking me?" I asked him then I glared.

"Oo naman, palagi kitang pinupuntahan, alam mo ba 'yon?"

Kailan niya pa ginagawa 'yun? Ba't hindi na lang siya nagpakita sa akin. Kung kailan malaki na ako tsaka pa siya nagpakita. Walang thrill buhay ko simula nung umalis sila. Nung umalis siya. Matagal akong naghihintay sa pagbalik nila, andito na pala siya.

"Ba't hindi ka nagpakita?" Tanong ko.

"Hindi tayo matatapos n'yan kung ibabalik mo sa akin ang tanong, sagutin mo muna ang tanong ko."

"Ok naman siya, masaya naman kami," sagot ko at tinanguan niya lang ako.

"Balak ko kasing supresahin ka kaso observant ka pala. Bukas pa sana ako magpapakita." paliwanag niya.

Umupo siya sa couch habang ako naman ay umupo na rin. Lumabas na si Claudia sa kwarto nila na nakapambahay na. Pumunta siya sa kusina para maghanda ng dinner. Nalimutan ko si Brandon na mag-isa sa dorm. Wala siyang kasama ngayon, kung kailan naman kasi may problema si Brandon tsaka naman nagpakita si Marcus.

"Dito ka na mag-dinner, Damon." pag-alok sa akin ni Claudia.

"Hindi na po, kailangan ko rin po kasi umuwi kaagad." sagot ko.

"Nako, kung ako sa'yo pumayag ka na lang." bulong ni Marcus.

"Pumayag ka na, hindi ka magsisi." Pagpupumilit niya.

Napakamot na lang ako sa batok ko at tumingin kay Marcus. Nagkibit-balikat lang siya, ganito ba kapag may asawa? Under ka? Ngayon ko lang napansin 'yun ah. Under pala si Marcus, akala ko kapag nagkaasawa siya ay siya ang nasa taas.

"Hon, huwag mo-"

"Hindi ikaw ang kausap ko Marcus." Madiin niyang sagot.

Napalunok na lang ako at tumango sa kanya, dumiretso na siya sa kusina para magluto. Tinignan ko nang masama si Marcus kasi dapat uuwi na ako, ngayon kailangan ko pang kumain dito kasi hindi ako makatanggi.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon