Chapter 16

69 4 6
                                    

"I'm back." Mommy said.

Pumasok ng tuluyan si Daddy. Sa bawat hakbang niya alam kong masakit sa kanya. Nasa taas pa rin si Mommy na nakahawak sa railings habang si Daddy ay nakatingin sa kanya dito mula sa baba.

War.

"When? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong ni Daddy.

"Why would I? Emmanuel?"

Tumingin sa sahig si Daddy, nakatingin lang ako kay Mommy. Bakit ba sila nagmamatigas? Ano bang problema nilang dalawa? Si Marcus naman ay lumuluha ngayon. Ang kinilala niyang ama noon ay nasa harap niya na ngayon.

"You need to inform me!" Dad shouted.

"Wala na rin naman."

"Anong wala? From the beginning Christine, alam mo na ikaw ang kusang umalis. Hinabol kita pero huli na," paliwanag ni Daddy.

Kahit sa malayo nakikita ko ang luha ni Mommy, umiiyak sila ngayon ni Daddy. Matagal kong hinintay 'to pero parang gusto kong umatras. Ayokong ganito sila mag-usap nasasaktan ako. Magulang ko sila pareho pero hindi ko alam kung kanino ako kakampi.

"I left but I'm here now, do you have someone now?" Mom asked.

"How can I forget you? Why would I replace you? You are the one for me." He said.

Lalong umiyak si Mommy, pinunasan niya ang luha niya. Pareho silang nahihirapan ngayon, kahit na lumipas ang maraming taon sila pa rin. Walang pinalit si Daddy kahit may tyansa na siya dahil ganoon niya kamahal si Mommy, ramdam ko 'yun.

"Even though, Marcus is not yours?" She asked.

"Anong pakialam ko? Even Marcus is not mine, he's still my son! Walang pwedeng sumira sa pamilyang 'to!"

"Daddy, thank you..." Marcus cried.

Bumaba si Marcus para yakapin si Daddy. Ang bigat sa pakiramdam na hindi man lang kinunsulta ni Mommy ang nararamdaman ni Daddy. Napakasakit para sa akin na sa panahong iniisip kong nag-iisa ako ay ganoon din sila.

Si Daddy mag-isa sa malaking bahay na 'to at inuubos ang oras niya sa trabaho. Linulunod niya ang bawat minuto niya sa trabaho para mawala sa isip niya na nag-iisa siya. Si Mommy busy sa trabaho kagaya ni Daddy, si Marcus mag-isang nag-aaral dahil wala si Mommy sa tabi niya parang ako.

"Sorry, Noel... sorry, mapapatawad mo pa ba ako?" Tanong ni Mommy habang dahan-dahang bumababa.

"Bakit hindi? Eh ikaw lang naman ang minahal ko sa buong buhay ko. Ikaw lang, wala ng iba."

Tumakbo si Mommy papunta kay Daddy para yakapin ito. Nakita kong masaya sila, ang bawat ngiti nila sa mukha ay hinding-hindi mapipinta nino man. Inakbayan ako ni Marcus habang magkayakap si Mommy at Daddy.

"Huwag mo na akong iiwan ha," bulong ni Daddy.

"Aalis ako pero palagi akong babalik."

Tinanguan niya si Mommy habang magkayakap sila. Isiniksik ni Mommy ang mukha siya sa dibdib ni Daddy, daig pa nila kami ni Nathaliah kahit si Marcus at Claudia. Bumalik ata sila sa kanilang pagkabata. Sana ganyan na sila palagi.

Dati umaasa akong magkakabalikan sila pero ngayon nasa harap ko na sila. Nagkaayos na muli ang dalawang taong pinagbuklod ng kapalaran. Ang tunay na nagmamahal kahit umalis ay babalikan ka pa din. Gaano man kalayo, babalik siya ng walang halong pag-aalinlangan.

"Where's my apo?" Dad asked.

"Kasama po ng Mommy niya," sagot ni Marcus.

"Where's your future wife, Damon?" He asked again.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon