Chapter 3

180 5 10
                                    

Naligo muna ako habang hinihintay si Brandon. Natapos akong maligo at nagbihis ng sando at nakaboxer lang. Nagsaing na muna ako sa maliit na rice cooker, good for 3 persons 'to. Hinugasan ko na yung manok para magprito na lang. Ayoko na magpagod.

Inayos ko na yung mga napamili namin. Linagay ko na sa shelf yung mga snacks at sa ref naman yung mga dry foods at softdrinks. Linagay ko na yung lamp sa ibabaw nung maliit na drawer. Hindi ko talaga gusto na walang ilaw dito kaya may reserba lagi akong kandila dito para kapag nag-brownout may ilaw ako na magagamit.

Marcus is Calling...

Narinig kong nag-ring ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag... si Marcus. Minsan lang niya akong tawagan at hindi naman ako tumatawag sa kanya dahil ayoko. Baka isipin niya pang aasa lang ako sa kanya.

"Hello," pagsisimula ko.

"Damon, malapit na kami umuwi ni Mommy."

Nabigla ako sa narinig ko akala ko may update lang siya about sa buhay niya doon o kaya naman magtatanong siya about sa buhay ko dito. Uuwi na sila after 9 years, 'di ko alam yung mararamdaman ko kung matutuwa ba ako o wala lang.

Nasanay na rin akong mag-isa kaya natuto akong tumayo sa sarili kong paa.

"Kailan uwi niyo?" Tanong ko.

"Maybe next month," sagot niya.

Next month pa, nagpatuloy lang siya sa pagkwekwento niya about sa buhay niya doon. Masaya siya sa tono ng pagsasalita niya, masagana kasi ang buhay niya doon e. Iniwan nila ako samantalang siya ay sinama doon.

Doctor si Mommy pero sabi ko sa kanya na limitahan niya ang pagpapadala sa akin, sinabi ko na unahin nila ang sarili nila doon dahil kaya ko naman na pero 'di nakinig sa akin si Mommy pinapadalhan niya pa rin ako pero control na.

Natapos ang call namin ni Marcus, 'di ko na rin siya tinatawag na Kuya simula nung umalis siya dito sa Pilipinas. Nagsimula na akong prituhin 'yung manok. Wala akong breading kaya di 'yon masyadong malasa.

Alas otso na nang gabi, kanina pa umuwi si Brandon pero wala pa rin siya. Nagbabasa lang ako ng libro, nag-advance reading muna ako. Hindi ko naman talaga hilig gawin 'to pero wala kasi akong magawa kaya eto na lang ginagawa ko.

Tinamad na rin ako magbasa, binuksan ko yung phone ko para i-check kung may nag-add sa akin since bago ako dito. Walang wi-fi dito kaya data lang gamit ko. Pagkabukas ko ng data, agad nag-notif sa akin ang pag-add sa akin ni Nathaliah.

Nathaliah Imperial sent you a friend request.

In-accept ko ka agad since magkakilala kami. Hindi ko alam pero andaming nag-add sa akin pero di ko naman sila kilala kaya sila nabubulok sa Friend Request e, kung nagchachat sana sila tas magpapakilala. Mapride din kasi ako e, di ako nag-aadd.

Nagchat sa akin si Nathaliah.

Nathaliah: Gumagamit ka ba ng social media account?? Gosh. Ang tagal ko ng naghihintay.

Nararamdaman ko ang pagkainis niya, wala naman akong maling ginawa. Abay malay ko naman ba na naghihintay siya. Edi sana sinabi niya kanina na gusto niya pala ako kausap.

Damon: Oo naman, may pinuntahan lang. Bakit? Miss mo ko?

Nathaliah: Bitch no, 'di ba nagdodorm ka? Punta ako.

Damon: Bukas na, pagod na ako.

Nathaliah: Ang damot mo, k fine bukas na lang. Good Night! Sleepwell!

Damon: Night.

In-off ko muna yung data ko pati yung phone. Biglang may kumatok, si Brandon na 'yon. Binuksan ko ang pinto at hindi ako nagkamali na siya nga. May dala siyang puting maleta. Akala mo lumayas e, nakasuot siya ng hoodie na grey at nakapang-alis na short.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon