Chapter 17

62 4 2
                                    

"Kumain ka na?" Tanong ni Nathaliah.

"Hindi pa, ikaw ba?" Tanong ko.

"Oo, ok ka lang ba talaga? Parang lutang ka sa mga dumating na araw,"

Tinanguan ko na lamang siya. Ayokong mag-alala siya sa akin pero hindi ko pa rin maalis sa akin na ito na ang katotohanan wala akong magagawa. Walang magbabago kung magmumukmok ako dito.

Lumabas siya para kumain na, tumayo na lang din ako para sundan siya. Ayokong isipin niya na galit ako o may gumugulo sa isipan ko. Masaya na ako kung ano kami ngayon, ayokong siyang isama sa galit ko. Handa akong patawarin si Yaya pero hindi pa ngayon.

"Akala ko hindi ka kakain?" Malungkot niyang tanong.

"Akala ko rin e," sabi ko habang napakamot sa batok ko.

Nginitian niya lamang ako. Dumiretso na kami sa canteen, bumili na kami ng pagkain tapos kumain. Nagdaldalan kami magdamag kada minuto na lumilipas ay may kwento siya natutuwa na lang ako kasi halos lahat ata nang pinagdaan niya sa buhay ay kwinekwento niya.

Natapos na kaming kumain kaya umakyat na agad kami. Si Brandon ayon tulog pa rin, palagi kasi siyang pumupunta kila Michaela. Ang mahal ng gas sayang pero kailangan niya daw gawin. Hindi pa rin niya nasasabi kay Nathaliah ang tungkol sa break-up nila ni Roselle.

Ginising na ni Nathaliah si Brandon, halatang pagod ang mokong. Gumising na siya ang sabi namin kanina matulog na lang siya sa library para mas komportable kaso wala daw siyang kasama kaya huwag na lang.

"Hindi man lang nag-aya, daya," sabi niya na parang bata.

"Ang sabi mo kanina walang gigising sa'yo, pasalamat ka pa dahil concern ako sa'yo." sabi ni Nathaliah.

"Oy Damon, friend lang kami ha. Mamaya suntukin mo ako e."

Tinanguan ko lang siya. Hindi naman ako seloso kung alam kong kaibigan niya lang ang kausap niya. Ang babaw ko naman kung magagalit ako at pipigilan siyang kumausap ng lalaki. Bakit ko siya pagbabawalan kung akin siya hindi na naman siya maagaw ng iba.

Natapos ang klase namin kaagad din kaming umuwi. Si Brandon ayon pumunta kaagad kila Michaela medyo naguguluhan din ako kung nakapagmove on na siya o sinisiguro niya lang ang nararamdaman niya para kay Roselle. Sana kay Michaela na lang siya mahulog at huwag nang bumalik kay Roselle.

"Ok mag-isa na naman."

Humiga ako sa kama ko, wala naman akong ibang magawa kasi hindi naman ako naglalaro ng games sa phone ko wala rin naman kasi ako. Nakatingin lang ako sa kisame ngayon, mamayang alas otso pa uwi ni Brandon kaya napagpasiyahan ko na mag-gym na lang muna.

Sumakay ako ng tricycle papunta doon hindi naman kalayuan dito kaya pwede na para makauwi din ako kaagad. Hindi daw muna babalik si Mommy sa Australia mananatili daw muna siya dito ng isang buwan bago bumalik.

Nginitian ako nung guard pagpasok ko. Matagal na rin ako dito kaya kilala na ako nung mga staff dito. Kapag sobrang stress dito ako pumupunta lalo na kapag galit ako para ilabas lahat ng galit ko. Effective siya kaya pinagpatuloy ko.

"Damon, akala ko tuwing sunday ka lang pupunta dito." sabi ni Kuya Vic.

Siya ang may-ari nito matagal ko na rin siyang kilala. Nakipag-apir pa sa akin 'to nung nakita akong papasok. "Trip ko lang, sparring?" Tanong ko.

"Pass, wala ka pa rin bang nahahanap na kasama mag-boxing? 'Yung last time na dinala mo dito,"

Dinala ko na dito si Brandon dati pero ayaw niya daw bumalik dahil napagod daw siya ng sobra. Wala na atang balak bumalik 'yon dito. Ayoko rin kasi ng sparring partner lalo na kapag kakilala ko. Ayokong nakakasakit ako ng kaibigan o kakilala kasi mas gusto ko silang protektahan.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon