Chapter 9

94 5 9
                                    

Nasa playground kami, hindi pa ako nakakapunta dito kaya sinusundan ko lang si Nathaliah sa paglalakad. Andaming batang naglalaro dito buong buhay ko hindi ako nakapunta sa playground kaya ang saya lang makita sa iba na masaya sila.

Bumibili lang siya ng drinks habang ako naghihintay sa bench. Nakatingin lang ako sa mga bata, ang cute nila. Napaisip tuloy ako kung dumating 'yung araw na magkakaanak ako. Magiging mabuting magulang kaya ako? Isa lang ang nasisigurado ko. Hindi ko sila iiwan kagaya ng ginawa sa akin ni Mommy.

Inalok ako ni Nathaliah nung palamig na binili niya. Tinitignan niya din ang mga bata kagaya ng ginagawa ko. Ang sarap lang nilang tignang masaya kasi hindi ko naranasan sa buong buhay ko na magkaroon ng ganyang mga ngiti.

"Alam mo, hindi naman dapat ako 'yung bunso e," malungkot na sabi niya.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko.

"Namatay kasi siya dahil sa sakit,"

Tumulo ang luha niya pero pinunasan niya kaagad. Ngumiti lang siya sa akin habang ako nagulat sa sinabi niya. Kaya pala sobra siyang mag-alala sa akin nung nagkasakit ako dahil pala sa kapatid niya.

"Kaya kapag may nagkakasakit akong malapit sa akin, sa abot ng makakaya ko. Aalagaan ko sila." Pagpapatuloy niya.

"Sorry naitanong ko..."

"No, it's fine. Ako naman nag-open up e," masayang sabi niya.

Kung sa akin siguro nangyari 'yun baka hindi ako makakain o makatulog dahil nawalan ako ng sarili kong kadugo. Mabuti na lamang at hindi nangyari sa akin 'yun kasi ako 'yung muntikan mamatay, nahirapan ako huminga nung nasa maleta ako, mabuti na lamang at nakita ako ni Kuya Tonio.

"Ikaw ba? Bunso ka talaga?"

"Oo," sagot ko sa kanya.

"Nasaan ang kuya mo?" Tanong niya.

"Sa Australia kasama si Mommy. Broken family kami, si Daddy sumakibilang-bahay," I laughed.

"Kaya pala nung nakilala kita, ang introvert mo..."

Tinunguan ko siya. Sumipsip ako sa palamig na binili ni Nathaliah. Makulimlim ngayon pero tingin ko hindi naman uulan kasi wala tingin ko lang. May nakita akong batang nadapa, tutulungan ko sana itong tumayo kaso hinatak ni Nathaliah 'yung braso ko.

"Claudius!" sabi nung lalaki. Nakasuot ito ng mask, sunglasses at cap kaya hindi ko siya mamukhaan.

Tumayo na kami ni Nathaliah para maglakad-lakad. Malakas ang ihip ng hangin ngayon, nauuna siyang naglakad sa akin habang ako pinagmamasdan siya mula sa kinatatayuan ko. May nakita akong bulaklak kaya pinitas ko ito.

Linagay ko ito sa kanyang kanang tenga pinagmamasdan niya lang ako habang nilalagay 'to. Kinuha ko ang aking phone at kinuhaan siya ng litrato. Perfect. Nakangiti siya ngayon at ako ang dahilan ng mga ngiti niya kaya napangiti na lamang ako.

"Gumamela pala 'tong pinitas mo," sabi niya nung kinuha niya ito mula sa kanyang tenga.

Inamoy niya lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Nagpapicture siya sa akin sa napakaraming lugar. Naging photographer niya pa ako pero okay lang basta nakikita ko siyang masaya. Masaya na din ako para sa kanya.

"Tara tayo naman,"

Tinatakpan ko lang 'yung mukha ko kapag kinukuhaan niya kami ng litrato, ayoko kasi magpapicture. Kiniliti niya ako kaya napalitan akong tanggalin ang kamay ko sa mukha ko at nakuhaan niya ako ng litrato kasama siya.

"Captured!" masayang sabi nito.

"Cheater!" sabi ko.

"Diskarte tawag don!"

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon