Chapter 18

65 4 6
                                    

Nakaupo ako sa kama habang palakad-lakad si Nathaliah sa harap ko. Si Brandon tsaka Michaela naman ay nakaupo lang at kumakain. Mas problemado pa si Nathaliah ngayon akala niya ata nagloko si Brandon. Umupo siya sa tabi ko habang hinihilot ang kanyang sentido.

"Girl, fries?" Alok ni Michaela.

"Alam mo bang may jowa na si Brandon?" Tanong ni Nathaliah.

"Ex, correction."

Tinaasan ng kilay ni Nathaliah si Brandon. Kinuha naman niya 'yung fries na inaalok sa kanya. Litong-lito siya ngayon, ba't kasi hindi pa sinabi ni Brandon kay Nathaliah nang mas maaga para wala na sanang problema ngayon. Nagmumukha pa tuloy siyang manloloko ngayon.

"Kwento mo na kaya Brandon," suhestiyon ko.

"What? Alam mo matagal na?" Tanong ni Nathaliah.

"Oo, sabi ko huwag niyang sabihin sa'yo. Kilala kita e," paliwanag ni Brandon.

"Paano ba kayo nagbreak?" Tanong ni Nathaliah.

Pumunta ako sa likod niya para masahiin ang sentido niya. Natatawa lang ako kasi napapapikit siya, baka sumakit pa ang ulo niya. Tinignan ako ni Brandon at sinenyasan ko siya para sabihin niya na para hindi na siya mahirapan.

"Ganito kasi 'yon. Kung akala niyo masaya kami palagi... hindi. Palagi kaming nag-aaway, palagi ako ang sinisisi niya. Minsan ang babaw niya na, ang toxic na pero hindi ako bumitaw hanggang sa gusto ko sana siyang sunduin para kumain kami pero naabutan ko silang naghahalikan nung ex niya... doon niya sa akin inamin na... pera lang ang habol niya." paliwanag ni Brandon.

Nagulat kaming lahat, hindi ko alam ang buong kwento pero ngayon parang gusto kong sugurin 'yung bahay nila Roselle. Putang ina niya. Napakasama ng ugali niya, matapos siyang mahalin ganoon ang isusukli niya.

Nakasarado ang kamao ni Nathaliah pati na rin si Michaela. Akala ko alam na niya pero mukhang hindi pa. Tumayo si Nathaliah pero hinawakan ko ang braso niya para paupuin siya ulit. Mahirap sa kanya 'yun kaibigan niya 'yung sinaktan kaya kailangan niyang kumalma. Kailangan niya munang maging panatag dahil baka gawin niya ang sinabi sa akin ni Brandon, hindi maganda 'yon.

"Lagot sa akin 'yang babaeng 'yan. Tara, puntahan natin." sabi ni Nathaliah.

Nagpupumiglas siya sa hawak ko sa braso niya dahil gigil na gigil siya kaya yinakap ko siya mula sa likod niya para kumalma siya. Nagpupumiglas siya pero pinipigilan ko siya. Huminga siya nang malalim, kumalma na siya tinapik niya ang braso ko para bitiwan na siya.

"Kaya ayokong sabihin sa'yo kasi magiging ganoon ang reaksyon mo." paliwanag ni Brandon.

"Of course! Kaibigan ka niya! Kung hindi pwede si Nathaliah, edi ako na lang." sabi ni Michaela.

Aalis na sana si Michaela kaso hinawakan ni Brandon ang braso nito para paupuin. Tinignan siya nang masama ni Brandon pero tinaasan lang siya ng kilay ni Michaela.

"Kalma, hayaan niyo na siya." sabi ni Brandon.

"Kalma, seryoso ka? Babalikan mo pa 'yon?" Tanong ni Michaela.

"Hindi na, promise!"

Kumalma na si Michaela, binigyan muna namin sila ng privacy ni Brandon. Lumabas kami ni Nathaliah para na rin makapag-usap kami at kumalma din siya, gigil na gigil siya kanina e. Umakyat kami papuntang rooftop.

"Napakakapal!" Sigaw niya.

"Kalma-"

"Hoy ikaw lalaki kung may balak kang gawin sa akin 'yon, lagot ka sa akin!" Babala ni Nathaliah.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon