Chapter 1

51 8 0
                                    

Chapter 1

Awake

(?)'s PoV

"Doc, she's waking up!"

"Call Sir Lench NOW!"

"Miss? Miss?"

Naramdaman kong may tumapik sa braso ko kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Ang liwanag. Ang sakit sa mata!

Bumungad sa akin ang dalawang babaeng nakaface-mask. Tinignan ko ang paligid. Puro puti. Nasaan ako?

"Miss, ayos ka lang ba?" Tanong ng isa sa mga babae. Nakaputi siyang coat at may aparatong nakasabit sa leeg.

Tumango ako.

"N-nasaan ako? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila.

Bahagyang nagkatinginan ang dalawa bago sumagot sa akin yung babaeng nakaputi.

"Miss, may nakakita sa'yong walang malay sa gitna ng gubat at dinala ka dito. You've been unconscious for 8 months."

"H-ha? Anong sinasabi niyo?"

Hindi ko maintindihan!

"Miss, anong pangalan mo? Saan ka nakatira?"

A-ano?

T-teka. Hindi ko alam.

"Sino ang mga magulang mo?" Tanong naman nung isa pang babae.

Sandali lang! Hindi ko alam. Wala akong maisagot.

"Paano ka napunta doon sa gubat?"

Nakatulala lang ako. Hindi ako makasagot. Bigla kong hinawakan ang ulo ko dahil kumirot ito.

"Miss, is something wrong?" 

Sino nga ba ako?

Ba't ako nandito?

"Miss?"

Hindi ko alam! Sandali.

Napahawak akong muli sa ulo ko.

"Hindi ko po alam." sagot ko sa mahinang boses.

"Paanong hindi mo alam?"

"H-hindi ko po maalala."

Bakit ganon? Wala akong maisagot. Hindi ko talaga alam. Kahit anong pilit kong maalala, hindi ko magawa.

"Wala ka talagang masagot sa mga tanong namin?" Umiling lamang ako bilang sagot.

"Its just as what I thought it is Nurse Mel...."

Sino ba ako? Bakit hindi ko maalala ang pangalan ko? Kahit anong pilit kong alalahanin, kumikirot lang ang ulo ko.

Nag-usap ang dalawang babae sa harapan ko habang ako'y nakahawak sa ulo ko. Pinipilit maalala kahit kaunting detalye tungkol sa pagkatao ko. Naluluha na ako, sino ba talaga ako?

"Hija."

Nagulat ako ng biglang may isang lalaking matangkad ang tumawag sa akin. Medyo may edad na siya ngunit nakaface mask siya kaya di ko masyadong makita ang mukha niya. Nakasalamin din siya.

"Huwag mo nang pilitin ang sarili mo na makaalala. Ang mahalaga, ligtas ka." Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat. Medyo napagaan niya ang loob ko.

"Sir, nandito ka na po pala." Ani nung isang babae.

"Oo ngayon ngayon lang. Kailan pa siya nagising?"

Miracle in Isla MysteriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon