Chapter 3
Zinc and Pimple
Cleo's PoV
Kasulukuyan akong pinasakay ni Tito Lench sa sasakyan niya kasama si Russhiann. Magkatabi kami ng bata dito sa likod. Busy'ng busy siya sa paglantak ng ice cream dito.
Damot! 'Di namimigay.
"Cleyow, marami para thayo dun tha thithirhan nathin hehe." 'Yung bata 'yan habang sarap na sarap sa ice cream.
Ano ba 'yang sinasabi mo Russhiann? Alien language ba gamit mo?
"A-ah hehe talaga ba?" Sabi ko nalang. Naintindihan ko naman eh. Mga slight ganon hehe.
"Oo, thaka kakauthapin ka pala ni Sir Lench mamaya." Ani niya habang busy'ng busy pa rin sa pagdila ng ice cream.
Bataaaa!
Ilang minuto lang ay tumigil na ang sasakyan. Wait parang ang bilis naman yata? Wala pang 15 minutes nandito na agad kami sa...
"WOAH."
"Nandito na tayo Cleo!" Parang batang saad ni Russhiann.
'Yan lang ang nasabi ko. Ang ganda ng bahay! Para nang mansion sa lawak ang bahay na ito. Literal na napanganga ako sa ganda ng bahay!
"Cleo, laway mo tumutulo na." Sabi ni Russhiann pero wala akong pake!
Ang laki ng bahay! Ang lawak!
Magkano ba 'to? Baka kapag naalala ko na kung sino ako pwede kong bilhin 'to mula kila Tito Lench hehe.
"Cleo, magmula ngayon dito ka na titira." Sabi ni Tito Lench habang nakangiti.
"Waaahh! Ang ganda po ng bahay niyo."
"Talaga ba? Actually hindi ito sa akin." Ani niya at napahimas sa batok.
"Luh kung ganon kanino po 'to? Nako Tito masama 'yan ah! Nangangagaw kayo ng bahay ng may bahay ah!"
Napatawa sila sa sinabi ko. Bakit ha? Totoo naman 'diba? Bawal mang-agaw ng bahay noh!
Kung anong sa'yo, sa'yo lang dapat! Ganon yon!
Di na nila ako sinagot at lumakad nalang kami papunta sa malaking pintuan ng bahay na 'yon. Dalawang magkadikit na steel door iyon, may keypad sa gilid kung saan ilalagay ang password. Nagpipindot si Tito Lench ng password. Nagulat ako nang biglang i-scan ng system yung mata niya.
Eye scanner? Ang higpit ng security!
The system beeped as Tito Lench finished with the eye scan.
'Person recognized.'
I read from the screen on top of the keypad. Bahagya akong nagulat noong magslide sa magkabilang dulo ang pinto para papasukin kami.
Astig!
Napanganga uli ako sa disenyo. Halatang pang-mayaman ito. Beige and white ang pintura ng buong living room kung saan may malaking flat screen TV na nakapatong sa gitna ng isang hanging white cabinet. May malalambot na kulay brown na sofa at sa gitna ay ang coffee table.
Nagulat ako ng biglang may isang babaeng matangkad ang lumapit sa amin. Sa tingin ko'y mas matanda siya sa akin ng kaunti. Maputi siya, sexy at O M G, a-ang laki. Ang laki ng hinaharap niya!
Nanliit tuloy yung akin mygosh!
"Good afternoon, Sir Lench, Sir Russhiann and Miss Cleo. I'm Angelou Vasquez, Sir Lench's personal assistant." She looked at me intently and smiled.
BINABASA MO ANG
Miracle in Isla Mysterios
Misterio / SuspensoWhat will you do if you woke up and found out that you're trapped in a world of danger? Kahit ayaw mo, kahit gusto mo nang tumakbo, wala ka nang iba pang mapupuntahan kundi dito. One wrong move and you'll die. Break the rule and you'll regret it. S...