Chapter 6

24 3 6
                                        

Chapter 6

First day (Part 1)

Cleo's PoV

Kasalukuyan akong nagbibihis ng school uniform ngayon. Kagabi, halos hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Tito Lench sa akin.

Mag-aaral ako? Paano 'yon eh nawala nga lahat ng alaala ko? Makakasabay kaya ako sa lectures?

Sinuot ko na ang palda kong above the knee lang ang haba at yung puting blouse. I buttoned it and put on my tie. May blazer pa dapat pero mamaya ko na susuotin pagdating sa school kasi ang init.

Sinuot ko yung backpack na may lamang mga notebooks, papel at kung ano-ano pa. Right after sabihin ni Tito Lench na pag-aaralin niya ako kahapon, binigay niya sa akin 'tong backpack na 'to at sinabing lahat ng pangangailangan ko ay nandito na.

Sa totoo lang sobrang nahihiya na talaga ako sa kanya. Andami na niyang tinulong sa akin.

Samantalang ako, nananatiling pabigat.

Napabuntong hininga nalang ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at nakita si kuyang red thing kasama si Tito Lench na kumakain sa dining table.

"Cleo, halika na. Kumain ka na."

"Sige po."

Tumabi ako kay kuyang red thing. Napansin kong naka-uniform ito tulad ko. Wait, hala! Nasa isang school lang kami!

"Papasok ka 'din pala?" Nakangiting ani ko habang kumakain na. Hindi siya lumingon sa akin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Obvious naman 'diba?" Masungit na aniya.

Grabe! Nagtatanong lang naman eh.

Siniko ni Tito Lench si kuyang red thing pero wala lang itong reaction. Basta kain lang siya ng kain.

Gutom much?

"Anong year mo na? Hehe." I asked again.

"Basta. Di mo ka-year."

Ang sungit naman neto!

Awkward na ngumiti sa amin si Tito Lench.

"A-ahh hehe. I see, kilala niyo na pala ang isa't isa----"

"Hindi ko siya kilala." Mabilis na sabi na naman ni kuyang red thing sabay subo. Nagulat ako nang biglang mapangiwi siya at tumingin sa ilalim ng mesa. Ano bang meron don?

Pag-angat niya ng tingin, napalunok ako ng makitang sobrang sama ng tingin sa kanya ni Tito Lench. Nang mapansing nakatingin ako, ngumiti ulit si Tito.

"Kung ganon, let me introduce her to you. Vlad, this is Cleo. Cleo, he's Vlad. One of my GOOD students." He said while emphasizing the 'good' word.

Vlad? Diba dugo yon? Char.

"Nice to meet you Vlad." Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Ok." Mabilis na aniya at sumubo uli.

Napakasungit!

Nakarinig na naman ako ng pagtagaktak ng heels at paglingon ko, si Miss Angel nga iyon. Napatingin ako at si Vlad sa kanya.

"Good morning Sir Lench, Sir Vlad and Cleo." Ngumiti siya sa amin.

"Cleo, eat faster. Your first class will start----"

"Kain."

Naputol ang sasabihin ni Miss Angel nang bigla siyang ayain kumain ni Vlad. Hindi niya tinitignan si Miss Angel at pautos pa ang pagsabi niya.

Miracle in Isla MysteriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon