Chapter 2

31 5 4
                                        

Chapter 2

Cuts and Bruises

Cleo's PoV

Tatlong araw na makalipas noong magising ako. Kadalasan, mga nurse at ang doctor ko lang yung nakakasama ko. Bumibisita rin naman si Russhiann sa akin pero hindi ko naaabutan dahil kadalasan, tulog na ako kapag nandyan siya.

Tuwing gabi lang kasi siya bumibisita. Kung kailan tulog na ako.

Nanonood lang ako ng TV dito sa ospital. Habang lumilipas ang mga araw, naalala ko na yung mga tawag sa iba't ibang bagay pati kung paano gamitin 'yon. Nagiging pamilyar na rin ako sa iba't ibang mga ideya at karanasan dahil sa TV.

Pero kahit ganoon, wala pa rin akong maalala tungkol sa kung sino ako. Wala pa rin ang mga alaala ko. Kahit anong pilit kong makaalala, wala pa rin eh.

'Spongebob SquarePants'

'Yan ang pinapanood ko ngayon. Sabi ng mga nurse pambata daw 'tong palabas pero wala akong pake noh.

Cute cute ni Spongebob eh kasama 'yong kaibigan niyang kulay pink na whatever.

"Who lives in a pineapple under the sea? Spongebob Squar---" natigil ang pagkanta ko nung biglang may kumatok at pumasok.

'Yung bata!

"Hi Cleo!" Masayang bati nito.

"Hi bata hehe." Nakangiting ani ko sa kanya.

"Ito naman si Cleo. Hindi nga ako bata eh! Russhiann kasi!" Sabi niya at ngumuso.

Noong lumabas kasi kami noong unang araw na magising ako natawag ko siyang "bata" dahil nga 'yon ang tingin ko sa kanya. Magmula non, 'yon na tawag ko sa kanya.

"Bakit ha? Ilang taon ka na ba?"

"16"

"Oh 16 ka lang kaya!"

"Oh bakit ikaw? Ilang taon ka na ha?" Nakacross-arms na ani niya.

Huli ka Cleo. Ikaw kasi sabi sabi kang bata 'di mo naman maalala kung ilang taon ka na tsk.

"S-sabi ng nurse mukha raw akong 18 o 19 noh." Sabi ko nalang.

"Kahit na 'noh. Di pa naman sigurado 'yon."

"Eh mukha ka talagang bata eh kaya bata tawag ko sa'yo."

"Psh, nagsalita ang hindi batang nanonood ng SpongeBob." Ani niya at umirap.

"Anong sabi mo?"

"Wala, sabi ko kumain ka na ATE."

Ay wow! Diniinan niya talaga pagkakasabi nung ate ah. Batang 'to!

"Kumain ka na ba?" Tanong ko at tumango lang siya.

Binigay niya na sa akin ang pagkain na dala niya. Porkchop ang ulam na pinartneran ng corn and carrots. May ice cream pa sa gilid. Yum! Nagpasalamat naman ako sa kanya.

Habang kumakain ay pinagmasdan kong mabuti ang bata este si Russhiann sa harapan ko. Ngayon ko lang siya natitigan ng maayos. Nagdudutdot lang siya sa cellphone niya.

Matangkad siya at maputi. Brown ang mga mata niya, matangos ang ilong niya at manipis ang labi niya. Kulay darkish brown ang nakagel niyang buhok. Hindi rin nakatakas sa akin ang nunal niya malapit sa labi niya. Nakablack na jacket siya ngayon na may puting shirt sa loob at black jeans.

In short, pogi ang batang 'to!

"Uy bata!" Nakangiting tawag ko sa kanya.

Kumunot lang ang noo nito.

Miracle in Isla MysteriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon