Chapter 8
Bedside dinner
Cleo's PoV
"Sige, Cleo. Puntahan mo nalang ako kapag may 'di ka pa maintindihan."
Tumango ako kay Zinc. Kakauwi lang namin sa bahay ngayon. Siya ang kasama ko pauwi. It turns out, he also knows the passageway. Siya pa nga yung nagbukas dun sa camouflaged door sa basement eh. Hmm, does that mean, yung "us" na tinutukoy ni Ms. Angel kanina ay 'yung mga tao sa bahay?
Ang gulo gulo naman kasi.
Buhol buhol na 'yung utak ko eh. Pakiramdam ko, lahat ng nalalaman ko walang saysay. Laging may kulang na parte. Laging may tanong pa din sa huli.
How much do I still have to know?
How close am I to the truth?
"Huwag lang sa gabi." Biglang ani ni Zinc.
"H-ha?"
"Pwede mo kong puntahan sa kahit anong oras. Huwag lang sa gabi."
Ayan na naman 'yang gabing 'yan! Ano bang meron diyan? Ano ba 'yung dapat kong ikatakot?
Ano bang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng lumabas sa gabi?
"Zinc, ano bang meron sa gabi? Pwede ko bang malaman?" Matapang na tanong ko.
Gulat siyang napatingin sa akin. He leaned closer and stared intensely on my eyes. Hindi ko naman inurungan 'yon.
"You're.... still not ready." Sabi niya at bumalik sa dating tayo.
"W-what?"
"Hindi ka pa handang malaman, Pimple. Hindi ko pa pwedeng sabihin----"
"Kung ganoon, kailan ako magiging handa? Kailan mo pwedeng sabihin?" Sabat ko sa kanya.
Naiinis na ako. Napapagod na akong magmukhang walang alam.
"Sa tamang panahon." Ani niya at nagpabebe wave pa. Kaloka!
"Argh! Zinc seryoso ako ah!" Pikong ani ko.
"BWAAHAAHAHAHA" tawa lang siya ng tawa.
"Zinc, hindi nga kasi ako nakikipagbiruan dito!"
"Oh, gigil ka na niyan Pimple? HAHAHAHAAH" nakahawak na siya sa tiyan niya kakatawa.
Lah? May nakakatawa ba?
"Pumunta ka na sa kwarto mo, Pimple. CR lang ako." Nagpipigil tawang ani niya at lumiko papuntang cr. Pagkawala niya sa paningin ko, umalingawngaw ang malakas niyang halakhak sa hallway.
Argh! Putek na Zinc 'yan. Hindi manlang ako seryosohin.
Kanina pa 'yan eh. Nung last subject, sinabi niya sa akin na 'Pimple' pa rin daw ang itatawag niya sa akin kahit wala na 'yung nasa ilong ko. Pambawi daw sa pagtawag ko sa kanyang 'Tinidor'. Tsk, parang sira lang.
Naalala ko na naman 'yung kanina. Nung nakita ko 'yung lalaking nagkulay pula ang mata. Sure talaga ako na siya 'yon.
Doon ko talaga naramdaman na hindi lang simpleng paaralan ang Lilius High.
There are dark secrets that lie beyond those walls. Mysteries to be unraveled. Histories untold. Questions unanswered. And strange people to be known.
I'd have to prepare myself for all of that. It may be too much to handle that's why Zinc told me na hindi pa ako handa.
I went inside my bedroom in my pre-occupied state when I heard something squiggling under my bed. My heart beats fast.
BINABASA MO ANG
Miracle in Isla Mysterios
Misteri / ThrillerWhat will you do if you woke up and found out that you're trapped in a world of danger? Kahit ayaw mo, kahit gusto mo nang tumakbo, wala ka nang iba pang mapupuntahan kundi dito. One wrong move and you'll die. Break the rule and you'll regret it. S...
