Chapter 13.1

9 1 1
                                    

Chapter 13.1
The blue-haired Zenon
(Part 1)
Cleo’s PoV

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto kung saan ako pinatawag ni Tito Lench.  Bahagya akong nagulat sa nakita ko.

Dapat pala ay kumatok muna ako.
Nakita kong nagbibihis pala siya.

Nakatalikod siya sa akin dahilan para bumungad ang likuran niya sa akin. Napansin ko naman agad ang tattoo sa bandang babang parte ng kanyang likod.
Anino ito ng ahas na nakahugis ng pa-S (letter S). Maliit lamang ito at kung sa malayuan ay hindi masyadong makikita. Nawala ang atensyon ko sa kanyang likuran nang tuluyan nang natakpan ang kabuuan nito ng kanyang damit.

“Oh Cleo. Nandito ka na pala.” Gulat na aniya.

“Sa susunod, kumatok ka ah.” Sabi niya at awkward naman akong ngumiti.

Hindi ko naman sinasadya eh huhu.

Itinuro niya ang upuan sa harapan niya at naupo naman ako roon. He took a sip from his glass of wine before looking at me.

“A-ano po ‘yun Tito?”

“I heard about what happened earlier.” He said while playing with his wine glass. Pinapaikot niya ng mabagal ang baso gamit ang kamay niya.

“You were having a nightmare.” He finally looked at me with concerned eyes. “Anong nangyari sa’yo sa panaginip mo Cleo?” Tanong niya pa. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

Suddenly, the dream started flashing back in my memories. It was too much for my mind to handle. Everything in that dream was terrifying. Every single part of it made me shiver in fear. Every single detail made me weak in the knees.

“Hija..” Tawag sa aking muli ni Tito Lench. Malamang ay napansin niya agad ang panginginig ng kamay ko marahil ay dahil sa pag-alala ko sa panaginip na iyon.

“Hindi mo kailangang piliting alalahanin para sabihin sa akin kung hindi mo kaya.” He said worriedly. I nodded hesitantly.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at hinigpitan ko ang pagkakakapit sa paldang suot ko. Nakita kong bubuka na ang bibig ni Tito upang magsalita kaya inunahan ko na siya.

“M-madilim…” Paninimula ko na halatang hindi inaasahan ni Tito Lench.

I breathed heavily as I struggled for the words to describe what I saw in that nightmare.

“W-walang buhay..” pagpapatuloy ko. Napatungo ako dahil sa takot na namumuo sa sistema ko. I griped my skirt tightly.

“W-wala akong kasama. M-mag-isa. T-tumakbo ako ng t-tumakbo dahil sa takot.” Mas lalong nanginig ang mga kamay ko habang si Tito Lench ay nakikinig lamang sa nais kong sabihin. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

“Sa panaginip na iyon, isa lang ang tumatakbo sa utak ko."

“At ano yon Cleo?”

Itinunghay ko ang ulo ko.

"Gusto kong tumakas. Pakiramdam ko po kasi, kapag nagtagal pa ako roon, hindi na ako makakaligtas pa."

----
Sa aking paglabas ng bahay, napansin ko agad ang makulimlim na langit.

Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa katawan ko.
Mukhang uulan ng malakas ngayon ah.

Hahakbang na sana ako paalis nang biglang may pumigil sa akin.

“Cleo, wait lang! Sasabay ako!” Narinig kong sigaw ni Zinc habang binabagtas ang hagdanan. Hindi ko nalang siya nilingon pa at hinintay ang paglitaw niya sa tabi ko.

Miracle in Isla MysteriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon