Chapter 13.2
The blue-haired Zenon
(Part 2)
Cleo's PoV
kring! kring!
Narinig namin ang pagtunog ng school bell. Senyales na tapos na ang recess at oras na para bumalik sa mga classroom namin.
Sabay sabay kaming umakyat sa room nila Miya at Zinc. Nagpaalam na sina Zenon at Paula dahil nasa 2nd floor pa ang classroom nila.
"Si Sachi?" Tanong ko kay Zinc. Itinuro naman niya ang pintuan at nakita ko ang ngiting bumungad sa mukha ni Sachi habang nagpapaalam kay Vlad na hinatid siya sa room.
"Bye Vlad!" Narinig ko pang ani ni Sachi bago tuluyang pumasok sa room. Tumango lamang si Vlad and naglakad na palayo. Naramdaman ko na lamang na tumabi si Sachi sa akin na ngayo'y ngiting ngiti.
"Bye Vlad!" Zinc mocked using his signature smirk.
"Panira lang." Nawala ang ngiti sa mukha ni Sachi at napalitan ng pagkairita.
Syempre, Zinc pa.
"Nagkamali ka ata. Dapat 'pogi lang.'" Asar ni Zinc.
"G*go." - Sachi
"Gwapo." - Zinc
"Lakas ng apog."
"Lakas ng appeal."
"Punyetang lalaking 'to." Rinig kong pikon na bulong ni Sachi.
"What? Cinocorrect lang kita. Wrong choice of adjectives ka kasi Sachuchi." Zinc remarked and laughed loudly. Mas nairita naman sa kanya si Sachi ngunit hindi na lamang siya nakapagsalita dahil dumating na ang teacher.
Etong dalawang 'to, araw-araw nalang magkaaway.
Sinabihan kaming magpalit ng PE Uniform para sa susunod na klase. Pumunta ako ng cr para magbihis samantalang si Zinc ay naiwan lang sa room dahil doon daw siya magpapalit.
"The new girl seems to be doing good." Rinig kong saad ng isang babae sa labas.
"And?"
"Wala lang, mukhang close sila ni Zinc. I even overheard that she had lunch with Zenon."
"Really? You mean 'the' Zenon Frost?" I recognized one of the voices. It was Elfirah's.
"Yeah. She was with them."
Eh ano naman kung kasama ko sila?
"Sh*t. What do you think is that pathetic girl doing?"
"Alam kong alam mo kung anong ginagawa niya."
"The audacity of that girl! Whatever Kayley. I don't care. She's going to die anyway."
BAM!
"Oh my gosh!"
I opened my cubicle's door and slammed it against the wall. They were both startled. Hindi ko sila binalingan ng tingin at naghugas ng kamay sa lababo.
Sumusobra na sila. inaano ko ba sila? Really? Hanggang dito ba naman Elfirah?!
Nakita ko ang katabing babae ni Elfirah. Yung kaklase namin, si Kayley. Palagi silang magkasama ni Firah.
BINABASA MO ANG
Miracle in Isla Mysterios
Mystery / ThrillerWhat will you do if you woke up and found out that you're trapped in a world of danger? Kahit ayaw mo, kahit gusto mo nang tumakbo, wala ka nang iba pang mapupuntahan kundi dito. One wrong move and you'll die. Break the rule and you'll regret it. S...