Chapter 7

28 3 2
                                    

Chapter 7

First Day (Part 2)

Cleo's PoV

Nakinig nalang ako sa mga teachers ng mga susunod na subject. Medyo malayo layo na rin ang lessons nila dahil more than a week ago na nagsimula ang klase pero kaya ko 'to. Kakayanin.

Hindi ako pabigat tulad ng paratang sa akin.

Napatingin ako kay Zinc. Nakadekwatro pa 'to habang bored na nakaupo sa upuan niya. Nakikinig naman siguro siya sa teacher. Napalingon siya sa akin at ngumisi.

Naaasar na ako sa kanya. Hindi manlang niya sinabi sa bahay na magiging magkaklase kami edi sana 'di ako nagmukhang tanga kanina.

Presidente talaga 'yan? Sure ba sila?

Sigurado akong tuwang tuwa 'yan dahil sa reaksyon ko kanina!

Paglingon ko ulit, ngumisi na naman siya.

"Lah." I mouthed and gave him an up and down taray look.

"President 'to." He mouthed back and smirked.

Pake ko?

Napairap ako. Kainis!

I know. I'm supposed to pretend that we don't know each other pero... nako!

Natapos ang huling subject namin bago magbreaktime. Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Para talagang pamilyar 'yung itsura niya.

Saan ko ba siya nakita?

Lumingon sa akin yung babae tapos nginitian uli ako. Ganyan na siya kanina pa. Sa tuwing titingin ako sa kanya, ngingitian niya ako.

"Cleo hindi ka baba? Tara, punta tayong canteen." She said. Her voice is soothing. May kalakasan ito pero maganda ang timbre ng boses niya. Does she sing?

"A-ahh hindi ko kasi alam kung saan 'yung canteen eh."

"Gusto mo sumama ka sa amin?" She offered and pointed out her group of friends. Parang nakita ko na rin ang mga 'yon somewhere eh.

"Asa ka Sachuchi. Sa akin sasama 'yan." Biglang singit ni Zinc.

"Bakit ha? Close kayo? Ngengealam ka eh." Her brows furrowed.

"Oo!" Lumapit sa akin si Zinc. "Oh ayan oh, ayan oh close kami. Ayos na? Pwede na?"

Loko!

"Weh bibo. Funny ka na 'non?" Nakapameywang na sabi pa nung Sachuchi ba 'yon? 

"Gwapo naman!"

"Libre mangarap boi!"

"Sachi Glace ang tagal mo! Andaming commercial!" Sigaw nung isa sa mga kaibigan niya na naghihintay sa kanya. Mukha siyang bata. Nakita ko na din 'to sa kung saan eh.

"Eto na! Punyeta kasi netong presidente natin eh." Then she marched towards her friends.

Wait anong sabi niya?

Flashback:

"Punyeta! May natirang isa!"

"Gaga, lagot ka." 

"Ba't kasi 'di mo chineck?"

"Shet antanga ko. Lagot talaga ako."

-
Tama! Sila 'yon! Siya 'yung nakaiwan ng notebook dun sa may palengke sa may village!

Miracle in Isla MysteriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon