Chapter 14

10 2 0
                                    

Chapter 14

His Eyes

Cleo's PoV

Ang dilim.

Nasaan ba ako? Saan niya ako dinala?

Liningon ko ang taong humila sa akin. Inaninag kong mabuti ang mukha niyang iilang sentimetro na lamang ang layo sa akin. Tumitig ako sa mga mata niya at doon ko nakilala kung sino ito.

"Wize---" Bahagya akong nagulat nang bigla niyang takpan ang bibig ko at idiniin pa ang katawan ko sa pader.

His brows furrowed and his inexpressive eyes pierced through mine. He held his forefinger unto his lips, signaling me to keep quiet. My breath hitched as I gave him a shaky nod. I felt my body shiver due to the sudden contact.

Napansin naman agad ni Wize 'yun kaya tinanggal niya na ang pagkakatakip sa bibig ko. Narinig ko naman ang mga tibag ng paghakbang mula sa labas.

T-Tama na. Gusto ko lang naman makauwi.

Nasa isang silid lamang kami ni Wize at nakapwesto kami malapit sa bintanang nakabukas. Nasa labas na ng silid si Sir Marco na ngayo'y hinahanap ako.

Nakakapangilabot ang itsura niya. Kulay pula na ang dating itim niyang mga mata at namumutla rin ang balat niya. Nagsisilabasan na rin ang mga ugat niya sa katawan at hindi na tumigil pa ang pagtawa niya simula kanina.

Hindi siya si Sir Marco. Hindi siya ang teacher ko.

Hindi ko napansing napahawak ako sa laylayan ng uniform ni Wize. Nanginginig na rin ang mga kamay at labi ko.

"Avarez, nasaan ka?~" Tumigil ang paghinga ko sa naging pagtawag niya sa apelyido ko at sa paglapit niya sa silid na 'yon. Lumakas ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba at takot.

Kapag nakita niya ako dito..... anong mangyayari sa akin? 

"Don't look." Rinig kong marahang bulong ni Wize at naramdaman kong ihinarang niya ang kanang kamay niya sa gilid ko. Napatingin ako sa mukha niyang blangko pa rin hanggang ngayon.

Ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagdungaw ni Sir Marco sa bintana. Tanging ang kamay lang ni Wize ang nagsilbing harang sa pagitan namin.

Kapag tinanggal ni Wize 'yung kamay niya...

Pinigilan ko ang pangangatog ng tuhod ko at ang paghinga ko. Mahina kong ipinagdasal na sana ay hindi niya kami makita at matakpan kami ng dilim.

One wrong move and it's all over.

"Hahahehe, pakita ka na. Sige na~" Rinig kong sabi niya. Naramdaman kong lumayo na siya mula sa bintanang iyon at lumakad na papalayo.

Nakahinga naman ako ng maluwag bago iminulat ang aking mga mata. Napansin ko namang nakatingin sa akin si Wize. Walang mababakas na takot sa mga mata niya, hindi ko mawari kung ano bang tumatakbo sa isip niya ngayon.

Basta ang alam ko, sa ngayon, siya lang ang kakampi ko.

Nakarinig ako ng maraming ingay mula sa labas kaya bahagya akong similip sa bintana.

My breathing stopped as I saw the creatures outside. A big group of students are walking down the hallways, laughing devilishly, eyes in bloodshot red and lips grinning wildly as they search for their prey.

Sh*t, ang dami nila. Ano bang nangyayari? Ba't ganyan sila?

"W-wize..."

Their laughs started echoing inside my head, my thoughts visible on my face.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miracle in Isla MysteriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon