Chapter 10

19 2 0
                                    

Chapter 10

Bestfriend

Cleo's PoV

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong umalis at hilahin si Russhiann para mabigyan sila ng privacy kaso masyado akong nagulat sa mga pangyayari.

"Uy naknampucha!" Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Lumapit ito don sa dalawang naghahalikan at binatukan 'yung lalaki.

"What the hell's wrong with----" Napatingin sa akin 'yung lalaki at kay Russhiann.

Agad naman siyang napabitaw doon sa babae at gulat na nakatingin pa rin sa akin. 'Yung babae naman ay napaawang ang bibig nung nakita kami.

"Gago ka Zenon. Dun kayo sa kwarto! Kusina 'to pre, hindi motel!" Sermon ni Zinc sa kanila habang nakapamewang pa.

"Sa harapan pa talaga kayo ng bata nagmukbang. Maawa naman kayo. 'Yang mga ganyang klase ng mukbang, sa kwarto ginagawa. Hindi sa kusina!" Napafacepalm na si Zinc.

Halatang frustrated siya.

Parehas na hiyang hiya yung babae at lalaki sa aming dalawa.

"Ah e-ehehe. Sorry s-sa istorbo. N-narinig kasi namin y-yung kalabog." Awkward akong ngumiti sa kanila at tinanggal ang takip sa mata ni Russhiann.

"Zinc hayaan nalang natin---"

"Oh pre ano pa hinihintay niyo?" Sumabat na naman si Zinc.

"H-ha?" Sagot nung lalaki. Zenon ata ang pangalan niya?

"Alis na pre. Ano? Samahan ko pa kayo?"

"Anong sabi mo Zinc?!" Sa wakas ay nagsalita na 'yung babae.

'Yung boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Basta. Sabihin mo sa babaeng 'yon huwag siyang tatanga tanga lalo na't wala pa siyang alam!"

Eve.

Siya 'yon. Sigurado akong siya 'yon.

Galit siyang napatingin kay Zinc. Halatang hindi nagustuhan ang mga sagutan niya.

"Babe tara na. Huwag mo na patulan 'yan." Hinila na ni Zenon si Eve.

"Sorry. Hindi namin alam na may ibang tao pala dito sa baba." Paumanhin niya sa amin ni Russhiann. Ngumiti nalang ako.

"Ayos lang kuya. Wild ka pala e!" Biro ni Russhiann kaya mas lalong nahiya yung Zenon.

Binatukan ko nga.

Batang 'to!

Pagkaalis nila ay napatingin ako kay Zinc na kasalukuyang lumapit sa ref at kumuha ng tubig.

"Hay nako! Kastress." Aniya bago umalis.

"Ay? Di ka pinansin?" Puna ni Russhiann.

"Galit sa'yo?"

"Ewan ko ba diyan kay Zinc. Argh!" Marahas akong napakamot sa ulo.

Eto na nga eh. Makikipagbati na nga!

---

*knock* *knock*

"Zinc sabay tayo alis."

"Magpapalate ako. Papadamay ka?"

"Pero---"

"Dun ka kay Reagan sumabay! Tutal close friends kayo diba?"

Miracle in Isla MysteriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon