Chapter 5

29 5 2
                                    

Chapter 5

Weak

Cleo's PoV

"Zinc anong nangyari sa mukha mo?!"

Napatitig ako sa mukha ni Zinc. May pasa sa may bandang kanang pisngi niya at may sugat din ang labi niya.

"W-wala 'to. Tara na." Hinila niya ang braso ko pero 'di ako nagpatangay.

Nagcross arms lang ako.

"Cleo, ano ba? Wala nga 'to. Parang pasa lang eh."

"Luh, masakit kaya 'yan."

"Eh, yaan mo na pogi pa rin naman ako, Pimple." Ngingisi sana siya pero 'di niya nagawa dahil nasaktan lang siya.

Binatukan ko nga.

"Aw! Pimple naman ba't ka ba namamatok?" 

"May pasa na nga't lahat maghahangin pa! Halika nga." Hinila hila ko siya.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa kusina!"

"Ha? Pero--"

"Dami pang satsat. Tara na kasi!"

Sa wakas ay nagpatangay na rin siya! Kulit kulit parang bata eh. Sandali nga. Saan ba yung kusina?

Dumiretso ako ng lakad at umakyat.

"Pimple, akala ko ba sa kusina mo ko dadalhin?"

"O-oo nga!"

"Eh papuntang kwarto mo 'to eh!" Bigla akong napatigil sa paglalakad at napalingon sa kanya.

"Pimple may masamang balak ka ba sa akin? Kamanyak mo naman! Alam ko crush mo ko pero hindi naman pwedeng----" Tinakpan ko nalang ang bibig niya sa sobrang hiya.

Ano bang pinag-iisip netong lokong 'to?

"Naligaw lang kase ako! Sabihin mo nalang kasi kung nasaan 'yung kusina!" Iritadong sabi ko.

Kasi ito si Zinc kung ano anong pinag-iisip!

Tumawa lang si Zinc.

"HAHAHHAHAHAawww-- aray!" tawa siya ng tawa 'yan tuloy sumakit sugat niya.

Bilis ng karma ah!

Tinitignan ko lang siya ng masama. Sabihin mo na kase kung nasaan 'yung kusina.

"Okay chill, eto na. Asa baba kasi 'yung kusina. Tsk, pesteng sugat 'to." Nagkakamot ulong sabi niya at bumaba.

Susunod rin pala eh!

----

Pagkababa namin sa kusina ay pinaupo ko siya sa isa sa mga upuan malapit sa mesa. Ang laki ng lamesa dito. Parang madaming kakain ganon?

Ang lawak ng kusina!

Lumapit ako sa ref. Naks kalaki naman ng ref nila! Dalawang pintuan nitong ref na 'to! Halatang pang-mayaman.

Kumuha ako ng yelo sa may ref at binalot sa bimpo.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo?"

Walang sumagot sa akin kaya napatingin ako kay Zinc.

Amp, saan nagpunta 'yon? Wala na kasi siya sa kinakaupuan niya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong dining area pero wala siya. Asan kaya 'yon? Baka tinakasan ako nun ah!

May isang maid na dumaan sa tabi ko kaya tinanong ko sa kanya kung nakita niya ba si Zinc.

"Ay ma'am nakita ko po umakyat siya kani-kanina lang."

Miracle in Isla MysteriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon