Chapter 11

16 1 0
                                        

Chapter 11

Abandoned

Cleo's PoV

Papatayin na ba nila ako?

Pero hindi pwede!

I could feel my lips and knees trembling. My throat turned sore and I find it harder to breath.

I tried to run away but their grips were strong enough to held me back. I looked at Sachi. Her eyes are one shade darker. She smirked at me.

"Relax ka lang Cleo."

My energy drained from what she said. Pakiramdam ko ay walang kahirap hirap nilang inubos ang lakas ko. She stepped closer to me with the knife on her right hand.

I badly wanted to save myself. But I didn't know how.

Ganto ba talaga ako kahina?

Sachi held the knife against her and sliced a cut on her left palm. Her face showed no evidence of pain as blood rushed down from her hand.

Naramdaman ko ang pagtitig nila sa akin habang ako naman ay nakatitig sa dugong umaagos mula sa sugat ni Sachi.

"I knew it. Tama ako!" She gladly said as the two girls let go of my arms.

"Huh?" Nagtatakang sambit ko.

Ba't ansaya saya nila?

"Sabi ko sa inyo e!" Tuwang tuwa pa si Sachi habang ang dalawa niyang kaibigan ay nakangiti sa kanya.

"Sachi.." Tawag ko sa kanya.

"Cleo! Tama ako!" Inalog alog niya pa ako.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"You're still not infected! You didn't turn into one of them."

Sa sinabi niyang 'yon ay dumaloy ang kuryosidad sa isip ko.

Ano bang ibig niyang sabihin?

Sino? Sinong 'them'?

Bigla namang nawala ang mga ngiti sa labi nila Sachi na parang nagulat sa naging reaksyon ko sa tanong nila. Alam kong bakas sa mukha kong gulong gulo na ako.

"Cleo, hanggang saan ang nalalaman mo?" Tanong ni Miya.

Hindi ako nakasagot sa tanong niyang 'yun.

Totoong may nalaman na ba ako? Bakit pakiramdam ko wala?

Bakit pakiramdam ko nagmumukha na akong tanga sa harapan nila dahil nga 'wala pa akong alam'?

Inilukot ko ang parehas na kamay ko dahil sa naisip ko. Tumingin ako sa kanila at nag-aalalang tumingin naman sila sa akin pabalik.

"Sabihin niyo nga sa akin lahat ng dapat kong malaman." Matapang na ani ko sa kanya.

Nagkatinginan sila na parang alam na ang isasagot.

Hindi nila sasabihin. Tatanggihan nila ako tulad ng ginawa nina Zinc at Sir Lench.

Lumapit naman ako kay Sachi at hinila ang laylayan ng blazer niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak rito.

"Please tell me. Now." Matalas ang naging pagtingin ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para tignan siya ng ganun ngunit desidido na ako.

Kailangan ko nang malaman ang totoo.

Miracle in Isla MysteriosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon