Ang Liham Para kay Victoria

57 1 2
                                    

I’m currenty stirring a cup of tea for my lola. This past few days, she's not feeling well. She's already 89 years old pero malakas pa sya at bihira lang magkasakit. Maputi na ang buhok ngunit pinanatili nya itong mahaba, kulubot na ang kanyang balat ngunit bakas parin ang kagandahan ng kaniyang mukha.

Lagi lamang syang nakatanaw sa bintana ng aming lumang bahay. Gawa ito sa kahoy at istilong katulad pa ng mga bahay noong panahon ng kastila. Sa buong compound, bahay na lamang ng pamilya namin ang naiiwang luma dahil tumanggi si lola na ipabago ang labas nito. Madalas lamang syang nakatanaw sa aming lumang bintana at nakaupo sa kanyang tumba-tumba habang nag tsa-tsaa at nakikinig ng balita radyo.

Si lola ay kapatid lamang ng nanay ni mommy dahil hindi daw ito nagka asawa at nagkaroon ng sariling pamilya. Dahil lahat ng ipagkasundo sa kaniyang lalaki ay sinusukuan siya dahil sa labis na sungit nito. Kahit nasa dulo na ng kanyang buhay si lola, ay matalas parin kanyang memorya ngunit hindi na sya gaanong makakita ng maayos dala na din ng kanyang katandaan.

"Mavy, apo matagal pa ba iyan? Mag sisimula na ang inaabangan kong balita sa radyo" tawag nya sa akin. Agad naman akong lumapit at ibinigay sa kanya ang tinimpla kong tsaa. Ipinatong ko iyon sa isang maliit na lamesitang kahoy sa gilid ng kanyang inuupuang tumba-tumba at tumalikod na ako para sana gumawa ng iba pang gawaing bahay. My mom and dad are in a meeting with a client ng kumpanya, Si ate kryz naman ay nasa trabaho nya sa cosmetics kaya't kami lamang ang naiwang mag isa ngayon.

I'm about grab the vacuum when I hear a call from lola. Agad akong lumapit sa kanya and asked her.

"bakit po?" Pag aalala ko.

"maupo ka apo" sagot niya sabay tapik sa katabing upuan ng tumba-tumba nya senyales na doon ako maupo.

I sat by her side. "may problema po ba?" Pag-aalala kong tanong.

sumagot sya sa akin na may ngiti sa labi "May i ku-kwento ako sayo apo..” ibinaling ko ang aking katawan paharap sa kanya upang makinig.

Alam mo ba na ang buong pangalan ko ay Maria Victoria Y. Felicidad. Noong ipinanganak ka, ipinakiusap ko sa mommy mo na isunod ang pangalan mo sa'kin kaya pinangalanan ka nilang Mavy F. Enriquez, mavy dahil pinaikling Maria Victoria" mabagal na paliwanag nya sa'kin

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya "almost 100 times mo ng sinasabi sa’kin yan lola, alam ko na din na in-arrange marriage lang ang nanay ni mommy na si lola gregoria at ang asawa nya na si lolo emmanuel" reklamo ko sa kanya. Tuwing nagku-kwentuhan kami ay lagi nya nalang iyong sinasabi.

Napangiti lamang sya at nag buntong hininga. "Ganoon ba apo?" Saad nya habang matamis na nakangiti sa'kin "osige, alam mo ba kung bakit kahit napaka tanda ko na ay hindi parin ako namamatay?" Tanong nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at umiling, hindi ko gusto ang kanyang tanong dahil lumaki ako sa pangangalaga nya dahil madalas wala sila mommy at daddy at ayokong mawala sya sakin.

Ngumiti lamang sya at muling nagsalita "madami ka pang dapat matutunan apo, nabubuhay ako matagal dahil sa pagmamahal" paliwanag nya. Hindi ako umimik bagkus tinignan ko lamang sya ng may pagtataka sa mga mata at nagsalita syang muli "pagibig nya ang dahilan kung bakit nabuhay ako ng napakahabang panahon, hinihintay ko pa rin ang kanyang pagbabalik"

kasabay ng kanyang pagsasalita ay tumingin sya sa bintana at huminga ng malalim “Siguro ay oras na para makilala mo sya” wika nito. Mas napuno naman ako ng pagtataka sa isipan "sino po lola" agad kong tanong sa kanya dahil sa labis na kuryosidad. Wala naman syang asawa kaya't nais kong malaman kung sino ang tinutukoy nyang iniintay nya.

"Ang lalaking nagpatibok ng puso ko, at nangakong magbabalik sya basta’t hintayin ko sya” paliwanag nya na lalong nakapag pasabik sa akin na malaman ang istorya ng lalaking tinutukoy nya. “Kaya ako ay buhay dahil hinihintay ko syang bumalik taglay ang pagibig kong pinabaon sa kanyang pag-alis matagal na panahon na ang nakakalipas. Nabubuhay ako dahil sa pag ibig ni--"

**DING DONG**

Aarggghhh” napairap nalang ako ng marinig kong bigla ang tunog ng doorbell namin. Kung kailan sasabihin na ni lola ang pangalan ng first love nya saka pa may bwisita.

Wala naman akong nagawa kundi ang tignan kung sino ito. Bumaba ako para buksan ang pinto ngunit wala akong nadatnang tao bagkus ay tumambad sa akin ang isang sulat sa mailbox namin. Nakabalot iyon sa isang puting sobre na at may selyo na nagsasabing nagmula ito sa bansang London. Napuno ako ng pagtataka dahil wala naman akong kilalang kamag-anak namin sa London kaya’t wala akong ideya kung kanino galing ang sulat. Kinuha ko iyon at binasa ang pangalang nakasulat sa sobre 'Maria Victoria Felicidad' agad ko itong ipinanik sa taas at ibinigay kay lola.

"May sulat po para sa inyo" nagtaka naman sya sa sinabi ko "sulat? Galing kanino apo?" tanong nya sa akin ngunit wala namang nakasulat kung sino ang nagpadala nito. Iniabot ko ito sa kanya upang mabasa nya ngunit hindi nya ito tinanggap "malabo na ang mga mata ko apo, basahin mo na lamang para sa'kin" saad nya.

Because of curiosity, I quickly opened the letter pero nagulat ako nang tumambad sa akin ang mga lumang papel na may napakahabang liham, ang iba sa papel ay may mga punit na sa gilid senyales ng pagkaluma nito. Ngunit ang pumukaw sa aking pansin, ang paraan ng pagsulat ng mga letra ay hindi pantay. Magulo ang istilo ng pagsulat at walang direksyon ang bawat pangungusap.

A Letter for Victoria
May this letter remain, incase the memory fails... 


basa ko sa paunang pahina nito. napatingin naman ako kay lola Victoria at tumango sya senyales na ituloy ko lamang ang pagbasa sa liham. Bagamat nahihirapan dahil sa magulong mga letra ay itinuloy ko ang pagbabasa ng liham na para kay lola Victoria.

Mahal kong victoria, ang panaho’y lumipas na tila ba hangin lamang. Alam kong sa pahanon na ang liham na ito ay iyong mabasa ay pareho na tayong nasa rurok ng ating buhay. Sa aking palagay, sa tinagal ng panahon na iyong paghihintay ay hindi mo na ako kilala...

Napatingin ako kay lola, umiling sya habang naka pikit at bumulong “nag kakamali ka, ikaw lamang ang kilala ko” itinuloy ko na lamang ang pagbabasa ng sulat para sa kanya.

Hayaan mo akong muling mag pakilala sa iyo at ipa-alala ang ating pag iibigan. Buksan mo ang iyong imahinasyon at sabay nating alalahanin ang ating wagas nating pagmamahalan... Victoria...

A Letter for Victoria (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon