Isang araw, pagtapos namin pumalaot sa dagat ay napagkasunduan ng aking mga kasamahan na uminom ng alak upang ipag diwang ang kaarawan ni Perino, isa sa aking naging kaibigan na siya ring kasama ko sa pangingisda. Hindi na ako nakapag paalam pa kay Victoria dahil sa kanilang labis na pag pupumilit. Sumama ako sa kanila at nakipag inuman. Masaya ang lahat, di hamak nga na mas masaya ang payak na piging kumapara sa aking nakasanayan na engrande at pormal. Masaya kaming nag kukwentuhan at nag tatawanan sa kanilang maliit na kubo sa tabi ng dagat, ang iniinom namin ay lambanog na isang uri ng alak na gawa dito sa pilipinas hindi tulad ng mga nakasanayan kong alak na galing pa sa ibang bansa.
Kakaiba ang lasa at mainit sa katawan, ilang baso pa lamang ay nakaramdam na ako ng pagkahilo ngunit hindi ko iyon inalintana dahil masaya kami sa aming kwentuhan. Mga ilang sandali pa ay akin nang napapansin na umiikot na ang aking paningin kaya’t nag paalam na ako sa kanila. Malalim na rin ang gabi at bilog ang buwan.
Tumanggi ako sa alok nilang pag hatid sa akin kaya’t mag isa lamang akong naglalakad pauwi. Sa tabi ng dagat ay liwanag lamang ng buwan ang nag bibigay liwanag, malamig ang simoy ng hangin at labis na nag niningning ang mga bituwin. Napatingin ako sa pinakamakinang na bituwin sa kalangitan at aking naalala kung paano kami nagkakilala ni Victoria noong aking tugtugin ang piyesang The Brightest star.
Pagkarating ko sa aming munting tahanan ay nakita ko si Victoria na nakaupo at hinihintay ako. Ako’y napatingin mula sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang paa. Napakaikli ng kaniyang pantulog na damit at ang kaniyang buhok ay basa. Labis na init ang dumaloy sa aking buong katawan ng maibaling ko ang aking paningin sa kaniyang pulang labi, pababa sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at humawak sa aking braso. Marahan niya akong inikutan habang bumubulong sa aking tainga na tila ba nang aakit “ika’y ginabi aking mahal...” damang-dama ko ang mainit niyang hininga na nag bigay sakin ng matinding init sa katawan at sensasyon. “at ikay lasing....” kaniyang kinulong ang aking leeg sa pagitan ng kaniyang dalawang braso, siya ay tumitig sa aking mata at bumulong ng napakalapit sa aking mukha “dahil diyan, kailangan mong parusahan mahal...” nagdikit ang aming mga labi at nilasap namin ang labi ng isa’t isa na tila ba uhaw na uhaw. Bawat segundo ay nagbibigay sa amin ng labis na sensayon na tila ba hindi namin gugustuhing tumigil. Akin siyang isinandal sa pader at hinalikan siya pababa sa kaniyang leeg. Sya'y tumingala na tila ba humihingi pa ng sensasyon. Ang aming katawan ay humihingi pa ng matinding init mula sa isa't isa. Ang bawat ungol na lumalabas sa maniyang bibig ay tila ba nagbibigay sa akin ng matinding pagnanais sa kaniyang katawan. Inihiga ko siya sa kama at hinubad ko ang kaniyang saplot at pagkatapos noon, pagkatapos, pag-- ka-- t-tapos.... ako’y bumagsak sa kama at nakatulog.
—————Matapos ang ilang buwang pamamalagi, Isang araw ay bigla siyang umuwing tumatakbo mula sa pagamutan. Noong mga nakakaraang araw ay hindi maganda ang kaniyang pakiramdam at madalas siyang mahilo. Hindi ko siya nasamahan dahil kami’y papalaot noon kung kaya’t pinasamahan ko na lamang siya sa kaniyanhg kabigang si ligaya. Sa labas pa lamang ay naririnig ko na ang kaniyang sigaw na tila ba’y sabik na sabik siyang masilayan ako. “Feliciano mahal!” Sigaw niya at agad ko siyang sinalubong ng isang mahigpit na yakap. “Nag dadalang tao ako!” Sambit niya at agad umusbong ang napakalaking ngiti sa aking mga labi, walang pagsidlan ang labis na sayang nararamdaman ko. Sa wakas ay magiging isang ama na ako. Agad akong lumuhod sa kaniyang harapan at inilapat ang aking tainga sa kaniyang tiyan. “Anak magpakalusog ka, aantayin ko ang iyong paglabas” hinalikan ko ito at hinalikan ko rin ang kaniyang labi. “Nag bunga na ang ating pagmamahalan mahal kong feliciano” niyakap ko siya ng mahigpit, ako’y sabik na sabik na harapin ang kinabukasan ko kasama siya, at ang aming magiging anak.
Hanggang sa dumating ang balitang pinaka kinatatakutan ko.
Matapos ang mahigit tatlong buwan naming pagtatago sa bayang ito, umabot na rito ang balitang ipipinapahananap kami ng kaniyang ama. Ayon kay Perino ay balitang-balita na itinaas sa limang milyong piso ang pabuya sa kung sino man ang makakahanap sa amin ni Victoria. “Huwag kang mag alala feliciano, hindi matatawaran ng limang milyong piso ang ating pagiging magkaibigan” saad nito sa akin at tinapik ang balikat ko. “Mayroon akong maliit na kubo sa kabilang isla, ligtas kayo doon. Kailangan nyo nang umalis sa lalong madaling panahon bago pa kayo dakpin ng mga taong nais kayong ipagkalulo” agad kaming nag impake ng aming mga kagamitan at nag tungo sa sinasabi nyang isla. Sakay ng isang maliit na bangka narating namin ang isla ngunit inabot na kami ng dilim. Pag daong ng aming bagka ay natatanaw ko na ang isang maliit na kubo malapit sa dalampasigan. Maliit lamang ito at payak. Dala ang aming lampara, bumaba kami ni Victoria sa bangka at agad pumasok sa loob ng kubo. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang napaka dilim na loob ng kubo.
Pagkalapag na pagkalapag ko ng aming mga gamit ay ginulat ako ng isang kamaong nagmula sa dilim. Agad akong napaatras habang sunod sunod na tumatama sa aking mukha ang kanyang kamao. Sa aking pag atras may dalawang kalalakihan pa ang humawak sa aking braso. Agad kong hinanap si Victoria sa kalagitnaan ng madilim na isla ngunit ng siya'y aking masulyapan. Hawak-hawak na siya ng dalawang lalaki pa sa kaniyang braso. Dahan-dahang nag lalakad papalapit sa akin ang lalaking sunod-sunod na sumuntok sa akin. Unti-unting nililiwanagan ng bilog na buwan ang kanyang mukha hanggang sa masilayan ko kung sino sya.
“Ama! Huwag mo syang saktan” rinig kong pag susumamo ni Victoria sa kaniyang amang si Don Ramon.
BINABASA MO ANG
A Letter for Victoria (completed)
RomantikIsang istorya ng pagmamahalang nananatili na lamang sa aming isipan, at sa nakaraan..