Ang Huling Liham kay Victoria

13 1 0
                                    

Mahal kong Victoria,

   Nais kong simulan ang aking pang huling liham sa iyo sa paghingi ng tawad. Patawad kung hindi ko na matutupad pa ang aking pangako na tayo'y magkikitang muli. Patawad kung hindi mo na naibalik ang aking pabaong halik. Nais kong ikaw'y mabuhay pa ng napakahaba kung kaya't ayaw ko na iyong mabatid na matagal na panahon na akong pumanaw. Sa aking paglisan, pangako na dadalhin ko ang ating mga alaala at wagas na pagmamahalan. Ito na ang aking huling liham para sa iyo. Nawa'y naipa-alala ko kung gano ang puso nating dalawa ay umibig sa isa't isa. Nawa'y binaon mo ang aking pagmamahal sa loob ng mahabang panahon. Sa aking pagkamatay ay hihilingin ko sa diyos na ang ating pag iibigan ay muling maisulat sa tadhana.

   Victoria aking mahal, ikaw ang pinaka makinang na bituwin sa kalangitan. Ngunit hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na masilayan iyon dahil sa aking pagkabulag. Tanging hiling ko lamang na ikaw ay iyong maabot ang aking mga liham. Nais ko lamang ipaalala na ika'y aking mahal na mahal aking Victoria. Sa lilipas na mga taon at dekada, pumanaw man ako ay sisiguraduhin kong babantayan kita at ako'y mamamalagi iyong tabi, sa puso mo at isipan. Magkaroon ka man ng asawa at mga apo. Babantayan ko parin ang brightest star. Ang aking Victoria.

   Mahabang paglalakbay ang ating tinahak. Samut-saring emosyon ang naranasan. Ngunit hindi tulad ko,ikaw ay mabubuhay pa ng matagal. Baon ang aking pag-ibig sa iyong puso. Maubos man ang mga salitang aking kayang sabihin, ay napakarami pang gustong iparating ng aking damdamin. Ngunit sa aking palagay ay hanggang dito na lamang ako mahal. Ika'y mabuhay ng matagal. Patawad sa pag hihintay, Mahal na mahal kita aking Victoria. Paalam.

                 
                    Nag mamahal,
                    Feliciano San Jose





As I finished reading the letter for lola Victoria, isang tinig mula sa katabing radyo ang nangibabaw sa katahimikan.

"BREAKING NEWS! ngayon oras na ito ay masasaksihan natin ang isang napakagandang pangyayari sa ating kalangitan, sa loob ng isang daang taon, ngayon lamang tayo muli maka sasaksi ng isang super nova effect, dahil ito sa pagsabog at pagkamatay ng isang bituwin sa kalangitan. Ang pinakamakinang na bituwin, ang bituwing Victoria"

Tinignan ko si lola at tuluyan nang umagos ang aking luha.

A Letter for Victoria (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon